Mistake 20

10.2K 212 23
                                    

Three years later..

"Mama!" Napatunghay ako mula sa pag-iihaw ng kakainin naming tanghalian ng tawagin ako ng anak ko.

"Be don't run! Baka madapa ka!" Bawal ko sa kanya dahil sa pagtakbo niya. Tumawa lamang siya saka ako niyakap sa binti ng tuluyan siyang makalapit sakin.

"Gutom na po Hendrix,Mama." Aniya sa malambing na boses saka ngumuso pa. Napatawa na lamang ako saka umupo para magkapantay ang mukha namin.

Kinuha ko yung towel na nakasabit sa upuan malapit sa amin saka ipinalibot sa buong katawan niya saka marahang pinunasan ang buhok niya. Napansin kong namumula na ang ilong niya. Naku,magkakasipon pa ata ang baby ko.

"A'right. Malapit ng matapos yung niluluto ni Mama ha? Wait ka lang ng sandali,okay ba baby ko?" Malambing na saad ko. Sumilay naman ang maganda niyang ngiti saka tumango ng sunud-sunod.

I moved my head closer to him para sa isang nose to nose na sinabayan niya naman kaya napangiti na lamang ako.

Tumayo ako sa pagkaka-upo saka siya binuhat at inupo sa isang silyang malapit sa amin. Binaligtad ko muna yung iniihaw kong baboy at isda saka ako bumaling sa isang pares ng damit na inihanda ko sa kanya kanina.

"Be,bihis ka na muna. Baka lagnatin ka oh. Tignan mo,namumula na iyong ilong mo. " Tumango naman siya ng marahan saka ko siya inalalayan na tumayo.

Pagkatapos ko siyang bihisan ay saka ko na hinanda ang kakainin niya. Mataman lamang akong nakatitig sa kanya habang kumakain.

It's been three years since maipanganak ko siya. Hendrix Hyon Dela Vega. Ang anak kong akala ko hangga't kailan ay hindi ko na makakasama pa.

Tatlong taon. Sa loob ng mahabang taon na iyon ay dito kami sa Quezon Province nanirahan. Tumakas? Masasabi niyong Oo at masasabi niyo ring hindi.

Masisisi niyo ba ako? Masisisi niyo ba akong matakot sa lahat ng nangyari sa buhay ko noon-namin? Nagtatago? Hindi. Kahit na kailan hindi sumagi sa isip ko na itinatago ko ang sarili ko sa lahat lalo na ang anak ko.

"Bea!" Napatunghay ako sa pagtitig sa anak kong masibang kumakain ng marinig kong may tumawag sa akin.

Napangiti ako ng makita ko si Jerica na tumatakbo papunta sa amin. Nakangiting umupo siya sa nakalatag na sapin sa buhanginan.

"Hello big boy!" Bati ni niya kay Hendrix. Napatawa na lamang ako ng tango lamang ang isinagot ng anak ko. Masyado talagang busy sa pagkain itong panganay ko kaya hindi magagawang bwisitin ng kahit na sino.

"Ay! Ang taray! Manang-mana sa pinagmanahan." Ani Jerica kaya napailing na lamang ako. Baliw na babae.

"Anong ginagawa mo dito Jer?" Takang tanong ko saka inabutan siya ng isang basong may lamang juice. Mukha kasing hingal na hingal siya na ewan. Tinanggap niya naman ito saka ibinalik sa akin ang baso saka nahiga sa sapin.

"Hay! Nakakapagod ang buhay dagat!" Aniya sa pagod na boses. Napailing na lamang ako.

Heto na naman siya sa pagrereklamo niyang mahirap ang buhay kung sa dagat ka lumaki.

Noong panahong tumakas ako sa hospital ay hindi ko alam kung saan ba talaga ako dapat na pumunta. Hindi naman ako pwedeng umuwi sa bahay namin sa Bataan dahil alam kong kapag doon ako tumuloy ay makikita at mahahanap niya lamang ako doon.

Umuwi akong saglit sa bahay noon para kuhanin ang perang naipon ko sa pagtatrabaho sa coffee shop noon. Hindi ko na naisipan pang kumuha ng maraming damit. Nagpalit lamang ako ng maayos na masusuot noon saka ko itinapon sa malayong lugar ang mga pinaggamitan ko.

Just A Mistake ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon