•INTRODUCTION•

39.8K 1.2K 110
                                    


Ang hirap maging tanga.

Alam mo 'yon?

Yung sinasabihan ka na ng iba na huwag mo ng ituloy dahil masasaktan ka lang pero dahil tanga ka nga ginawa mo pa rin.

Umaasa ka kasing totoo na may forever! Ayan tuloy hindi mo matanggap ang nangyari at kulang nalang isumpa mo ang may kasalanan kung bakit duguan ngayon ang iyong puso.

Wala eh, dakilang tanga kasi ako.

Top student ako sa school. Sisiw lang sa akin ang kahit na anong math problems, mina-mani ko lang din ang lahat ng branch of science... pero kahit gaano pa kataas ang IQ ko, sa pag-ibig bagsak ang grade ko.

May gamot ba sa katangahan?
Kilala ko ang lahat ng mga scientist na nag-imbento ng mga kung anu-anong bagay na napakikinabangan natin ngayon. Pero wala pa akong napag-aaralan na may scientist na naka-imbento ng isang formula o solusyon para magamot ang major problem sa buhay ko na hindi ko kayang solusyonan... Ang aking katangahan.

Anong magagawa ko eh sa mahal ko talaga siya.

Kahit ginagawa niya lang pala akong taga-gawa ng mga projects at homeworks niya. Pupuriin pa niya ako kapag nakakakuha siya ng mataas na grades dahil sa nagawa ko sa kanya.

First love ko ang lalaking nagwasak ng puso ko. Sa kanya ko naranasan ang sinasabi nilang kuryente effect sa tuwing hahawakan niya noon ang kamay ko.

Oo mataba ako, kumbaga daw sa softdrinks ako yung in-can. Masisisi niyo ba ako? Eh sa masarap naman talagang kumain eh.

Tuwing titingin naman ako sa salamin... wala namang problema sa itsura ko, bukod sa nanganganak na tagyawat sa pisngi at sa noo ko, at tila may factory yata ng langis sa mukha ko.

Babaeng mayaman at matalino na panget at loveless? Sh*t naman! Bakit ganon?!

Haay buhay! Pinanganak ka rin lang na mayaman at matalino bakit hindi pa nilubos-lubos ng kapalaran ang ibinigay saiyo.

'Di bale na nga lang!
Alam ko namang wala talagang gamot sa katangahan, pero nalaman ko rin na sa katangahan may bago kang matututunan.

Ako si Mikay Yuzon.
Isang babaeng tanga sa pag-ibig.
Oo, Tanga na kung tanga... pero itong tatandaan mo, babalikan kita!

...NOW ITS MY TURN!

Now It's MY TurnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon