CHAPTER: 4 (Shaun Love Mikay)

17.4K 554 58
                                    


KANINA pa nakatitig si Mikay sa kanyang cellphone habang nakaupo sa bleacher ng school gym. Inaantay niya ang text o tawag ni Bernadette pero kahit isa wala naman siyang natatanggap. Hindi siya pinapansin nito sa klase. Tuwing magkakatinginan naman sila ay umiiwas agad ito ng tingin sa kanya.

Nakabukas ang pahina ng kanyang notebook, nakasulat doon ang mga katagang "Shaun love Mikay" na nasa loob pa ng isang heart.

"Haay naman! Kaya na niya akong tiisin ngayon?" in-unlock niya ang cellphone saka tinitigan ang number ni Bernadette na nasa screen. "Friendship, please text me naman oh."

"Hi there, piggy." sabi ni Mitch na nasa kanya na palang harapan. May hawak iyong iced coffee, hinawakan nito ang straw saka uminom.

Ano naman kayang ginagawa ng dalawang malditang 'to dito? Saka ano raw? piggy?? Wagas ah!
Nakagat ni Mikay ang labi niya ng makita niya sina Samatha at Mitch.

"Girl, may kulang yata. Baka naman... you mean ugly piggy? Haha!" sabi naman ni Samantha na naka-pamaywang sabay tawa.

Wow hanep! Look who's talking. Ang lalakas mang-asar eh mga hipon naman! Nagmamaasim, gawin ko kayang sinigang 'tong mga ito!

"Yeah right... you're so talino na girl. May ugly duckling 'di ba? so in her case dapat ugly piggy. No need to ask why, kita naman. Haha!" sabi ni Mitch sabay apir kay Samantha. "So... what are you doing here ugly piggy? Huwag mong sabihin, you're waiting for Shaun?" nakataas ang kilay ni Mitch.

Hindi agad nakapagsalita si Mikay dahil biglang sumabat si Samantha.

"Oh my gosh! I think you're right girl." ani Samantha sabay turo sa entrance ng gym. "Look, Shaun is here. Grabe! nagkikita kayong dalawa??" sabay tingin sa kanya ng masama.

Napatingin si Mikay sa kabilang entrance ng gym at natanaw nga niya si Shaun doon pero may iba itong ginagawa, naupo rin ito sa bleacher habang may kausap na lalaki. Nakasuot ito ng ternong red jersey na may number 5.

Inisip ni Mikay na siguro ay may practice game ito ngayong araw. Pero nagtaka din siya dahil wala rin naman halos tao sa paligid.

May practice game ba talaga sila ngayon?
Sabi niya sa isip niya habang nakatingin kay Shaun.

"Hey! I'm asking you, nagkikita kayo ano??" ulit ni Samantha dahil hindi naman siya sumagot.

"Hindi yan totoo no! Hindi naman kame nagkikita ni Shaun, nagkataon lang na nandito rin siya." depensa ni Mikay habang nakatingin sa dalawang malditang kaharap. "At saka ano naman kung nandito ako? kayo nga rin nandito eh." bara-bara niyang sinabi.

"Pinilosopo pa tayo girl." sabi ni Mitch kay Samantha. "I have a question ugly piggy... do you have a crush on him? Meron 'di ba? Well, kahit naman hindi ko itanong, obviously naman tama ako." tinignan siya nito mula ulo hanggang paa pagkatapos ay humitit sa hawak niyang iced coffee.

Ano 'to? Tanong niya sagot niya rin? Handa naman ako sumagot! Hindi ko lang kaya crush 'yon! Crush na crush na crush!

"Omg girl... look." biglang kinuha ni Mitch ang kanyang notebook. "Ang kapal ha? Shaun love Mikay?!" iwinasiwas nito ang notebook niya dahil pilit niya iyong kinukuha.

Ipinasa ni Mitch ang notebook kay Samantha kaya dito naman bumaling si Mikay.

"Ibalik nyo nga sa akin yan!" nagpaikot-ikot si Mikay dahil nagpapasahan parin ang dalawa. "Akin na sabi eh!" nahablot niya ang notebook kay Samantha.

Now It's MY TurnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon