CHAPTER: 19 (Because Of You)

17.8K 557 131
                                    


DALAWANG araw ng hindi pumapasok si Mikay. Tila sasabog na ang utak ni Shaun sa kakaisip tungkol sa sinabi sa kanya ni Nicole. Hindi niya alam kung paano niya haharapin si Mikay oras na bumalik na ito sa opisina. Ni hindi nga siya masyado makapag-concentrate sa mga ginagawa niya sa trabaho kanina dahil inaalala niya si Mikay.

Kung kailan nagugustuhan na niya si Mikay saka niya nalaman ang katotohanan. Ano ngayon ang magiging epekto noon kay Shaun?

May mga ilang bagay siyang ipinagtataka. Kung si Mikay nga ang kanyang boss ngayon anong dahilan at hindi ito nagpakilala sa kanya?

7:30 na ng gabi. Hinayaan lang ni Shaun na magpatuloy ang pagpisik ng tubig sa shower habang nakatapat siya doon. Maalinsangan kasi kaya minabuti niyang maligo ulit para ma-preskuhan siya mamaya sa kanyang pagtulog.

Lumilipad ang kanyang isipan at tanging si Mikay ang dahilan noon.

Kaya niya siguro ako pinahihirapan sa trabaho? Doon nalang ba niya idinadaan ang hinanakit niya sa akin noon? Pero kahit na... why did she let me enter her life again?

"Mahal pa niya kaya ako?" napangiti si Shaun sa kanyang nasabi.

Sh*t! I'm so lucky kung ganoon nga. She's so different now. Grabe... hindi ko inakala na gaganda siya ngayon ng ganoon.

"Hindi ko din alam na ganoon pala sila kayaman. God! She's so d*mn perfect!"

Pinihit na ni Shaun ang shower at huminto na ang pagpatak noon. Hinila niya ang nakasabit na towel, ipinunas niya iyon sa kanyang basang buhok at pagkatapos ay sa kanyang katawan. Nang makuntento sa pagpupunas ay itinapis niya iyon sa kanyang bewang at lumabas na ng banyo.

Sakto sa pagsara niya ng pintuan ng banyo ay biglang nag-ring ang kanyang cellphone.

Nilapitan ni Shaun ang kanyang computer table kung saan nandoon ang kanyang cellphone. Napigil niya ang kanyang paghinga nang makita niyang si Mikay ang tumatawag.

Nagbagsak muna si Shaun ng isang malalim na paghinga bago niya sinagot ang tawag ni Mikay.

"Ma'am?"

"Hi... sorry if i called. Naistorbo ba kita?" sabi ni Mikay sa kabilang linya.

"No Ma'am, it's okay." ani Shaun sabay kagat sa kanyang labi. "Napatawag ka Ma'am?"

"Ahh... wala naman. About the office, kamusta na?" tanong ni Mikay.

"Okay naman Ma'am. Wala naman pong problema. Yung ipinasa ng M.Dept. na new strategy kinuha po kanina ni Chairwoman para po ibigay sa inyo."

"Ah yeah... ibinigay na sa akin ni Mom kanina lang kaya na-check ko na. It's much better compare doon sa una. Mag-set ka ng meeting sa friday para doon... para ma-finalize na." ani Mikay.

"Okay Ma'am copy." agad na tugon ni Shaun.

"Okay thanks Shaun. Bye-"

"Ma'am wait!" mabilis na sabi ni Shaun.

"Yes? May nakalimutan ka ba?" tanong ni Mikay.

"Ahmm... papasok ka na ba bukas Ma'am?" napalunok si Shaun matapos niyang masabi ang kanyang tanong.

"Well... ang sabi sa akin i need to take a rest for atleast 2 to 3 days pero okay naman na ako. So yeah... i'll be back to work tomorrow."

Now It's MY TurnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon