CHAPTER: 39 (Play The Game)

11.4K 361 16
                                    


"BABE, pwede bang huwag ka munang umuwi? I mean... gusto ko sanang makasama ka pa ngayon. Please?"

Natigil si Mikay sa pagte-text sa kanyang cellphone at tinignan niya si Shaun na nasa kanyang harapan. Nakita niya na gusto talaga siya nitong i-please dahil ipinaglapat pa nito ang dalawang palad habang nakatingin sa kanya.

"Babe, i have to go home early." isinara na ni Mikay ang kanyang laptop.

"Please Babe."

Tumayo si Mikay para lapitan si Shaun. Inayos niya ang kwelyo nito. "Kung hindi tayo uuwi agad ngayon, saan tayo pupunta?" nakataas ang isang kilay ni Mikay.

"Somewhere na pwede kitang masolo... doon sa lugar na hindi tayo mag-aalala na baka may makakilala sa atin." seryosong sabi ni Shaun. "Sa Calle Royal? Kahit doon sa Royal Park?"

"Doon?" napaisip si Mikay, tinignan niya ang suot niyang relo.

"Doon na rin tayo mag-dinner Babe. Please?" pakiusap ni Shaun. Hinawakan siya nito sa magkabila niyang balikat.

"Hindi ka ba niya hahanapin?"

"Forget about Nicole okay? Hindi naman maghihinala agad 'yon kung ma-late ako ng uwi."

"Okay." ngumiti si Mikay. "So paano 'yan parehas tayong may car?"

Hinawakan ni Shaun ang kamay ni Mikay. "So payag ka na Babe?" Tumango si Mikay, tila nagningning naman ang mga mata ni Shaun. "Yeah, we have no choice. Magda-drive tayong dalawa papunta doon."

"Then let's go Babe. Medyo malayo din ang Calle Royal, 1 hour din bago natin marating 'yon." ani Mikay, umikot ulit siya sa kanyang table para kunin na ang kanyang bag.

Nakita ni Mikay ang saya sa mukha ni Shaun. Nagmadali itong pumunta sa table nito para kunin rin ang gamit nito.

This is not good, pero dahil nalalapit na yung next step ko for you... sige paglalaruan ko nalang muna ang damdamin mo. Gusto mo 'yan eh... fine!


















IPINARADA ng magkatabi nina Mikay at Shaun ang kanilang kotse. Wala halos tao sa malawak na park ng Calle Royal. May mangilan-ngilan pero bilang lang ang mga iyon at layo-layo pa ng inuupuang bench.

Magkahawak ang kamay nina Shaun at Mikay habang nag-iikot-ikot sa park.

"Nakaka-relax pala ang lugar na 'to." ani Mikay bumitaw siya kay Shaun at saka yumuko para abutin ang kanyang sapatos. "Parang gusto kong madama yung damo sa mga paa ko." inalis ni Mikay ang suot niyang sapatos.

Napangiti si Shaun. Yumuko siya para tulungan si Mikay sa pagtanggal ng sapatos nito. Nang mahubad na ni Mikay ang kanyang mga sapatos ay si Shaun na ang nagbitbit noon para sa kanya.

"Thank you Babe." pasasalamat ni Mikay, kumapit siya sa braso ni Shaun at nagpatuloy na sila ng paglalakad.

"Ako yung dapat magpasalamat Babe, binigyan mo ako ng oras mo ngayon." seryosong sabi ni Shaun.

Tumigil si Mikay sa paglalakad para harapin si Shaun. "Sorry Babe because i don't have enough time for you... for our relationship. Still... nandyan ka pa rin for me."

"I love you... kaya kong tiisin ang lahat basta para sa'yo." ngumiti si Shaun.

Dapat lang na magtiis ka, kung ako nga nagawa kong magtiis noon para sa'yo eh!
Nagbigay ng isang pekeng ngiti si Mikay.

Now It's MY TurnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon