CHAPTER: 46 (A Special Night)

14.7K 473 52
                                    

After 5 Months...

NANG gabing tinanggap na si Shaun sa kanyang sarili na kailangan na niyang layuan si Mikay ay hindi na talaga siya nagtangka pang lumapit dito.

Nirespeto ni Shaun ang kagustuhan ni Hero na huwag ng lapitan pa si Mikay. Hindi na rin siya umapak pa ng Y.C. Wala ng narinig pa sina Mikay at Hero tungkol kayna Shaun at Nicole.

Napatingin si Mikay sa pintuan nang makarinig siya ng pagkatok doon. Bumukas iyon at agad pumasok si Bernadette sa loob. Nagmamadaling lumapit ito, hinila ang upuan sa tapat ng office table ni Mikay at ipinuwesto iyon sa kanyang tabi para doon maupo gaya ng laging ginagawa nito.

"Friendship excited ka na ba mamaya?" niyugyog ni Bernadette si Mikay.

"Nagpunta ka pa talaga dito para lang itanong 'yan friend?" kinurot ni Mikay ang tagiliran ni Bernadette.

"Ito naman! First ever concert ni Hero 'yon. Syempre gusto kong malaman yung feelings mo 'no bilang girlfriend niya." kinikilig na sabi ni Bernadette. "Fangirl here!" kumindat si Bernadette.

"Loka ka talaga!" hinila ni Mikay ang buhok ni Bernadette. "S-Syempre naman, e-excited ako." nahihiya pang sabi ni Mikay.

Siniko ni Bernadette si Mikay. "Pabebe ka rin eh. Haha!"

"2:00pm palang ang aga mong mangulit... mamaya pang 8:00pm ang alis natin." itinuon ni Mikay ang kanyang mga mata sa kanyang laptop.

Bigla nalang isinara ni Bernadette ang laptop ni Mikay sabay ngisi. Sa inis ni Mikay ay talagang hinila niya ng todo ang buhok ni Bernadette at ginulo-gulo pa.

"Hahaha!" tawa lang ng tawa si Bernadette.

"Bwisit ka friend! Hindi ko pa tapos yung ginagawa ko eh!" bubuksan sana ulit ni Mikay ang laptop niya pero pinigilan siya ng kaibigan.

"Tigilan mo nga muna 'yan! Dapat nga hindi ka na pumasok ngayong araw. Puro ka nalang trabaho. President ka ng Y.C friendship, hindi ng Pilipinas! Parang buong Pilipinas yung inaasikaso mo sa sobrang subsob mo sa trabaho. Maawa ka naman baka magwelga na sa'yo iyang braincells mo!"

Nakita ni Mikay ang pagtawid ng bago niyang Sekretarya sa pintuang nakakunekta sa kanilang opisina. Nakangiti itong dumiretso sa tapat ng kanyang table.

"Ma'am ito na po yung mga reports." inilapag ng babaeng Sekretarya ang ilang mga folders sa table ni Mikay.

"Ito na bang lahat? Okay thanks." ngumiti si Mikay.

Agad ding tumalima ang babaeng Sekretarya. Bumalik na ito sa table nito sa kabilang opisina.

"So how's your new Secretary nga pala? Ang bilis mong magpalit, 2 months palang yata yung sinundan niyan ah?" usisa ni Bernadette.

"Well... she's good, hindi kagaya nung unang pumalit kay Shaun madalas na palpak eh." ani Mikay, pinagsalikop niya ang kanyang mga daliri. "But... Shaun is better."

Napataas ang isang kilay ni Bernadette. "Really? Gusto mo hanapin ko, ibalik natin dito?" ngumisi si Bernadette.

Hihilahin sana ulit ni Mikay ang buhok ni Bernadette pero bigla na itong tumayo at dumila sa kanya. Paatras itong naglakad habang nakatingin sa kanya.

"Sasabay sana ako sa inyo ng Kumot mo kaya lang i change my mind, kasi naman... bukod sa mao-OP na ako eh baka lamunin lang ako ng inggit sa inyong dalawa!" ani Bernadette na nakahawak na sa door knob.

Napahagikgik si Mikay dahil sa sinabi ng kanyang bestfriend. "Ewan ko ba kasi sa'yo friendship, matagal-tagal na ring nanliligaw sa'yo yung si Francis... i think he's serious naman pero ayaw mo pa ring sagutin." ani Mikay. Ang tinutukoy nitong Francis ay anak ng isa sa mga board of directors ng Y.C.

Now It's MY TurnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon