CHAPTER: 6 (To Be Loved)

14.6K 511 18
                                    


HINDI humihingang lumabas si Mikay sa fitting room. Isinukat niya kasi ang isang dress na nagustuhan niya, malas nga lang dahil huling stock na iyon at mukhang hindi pa kasya sa kanya.

"Ipagpilitan ba?" sabi ni Bernadette habang nakatingin sa kanyang bewang. "Hindi ka na nga humihinga! What if kumain kayo ni Shaun, walang space dyan." itinuro ni Bernadette ang tyan ni Mikay.

Inihinga ni Mikay ang inipon niyang hangin, lalong lumaki ang salbabida niya sa tyan. "Ang hirap maghanap ng damit friend! Kainis!" pumadyak si Mikay saka muling bumalik sa loob ng fitting room.

Maya-maya lang ay nakasimangot na lumabas si Mikay. Napangiti naman si Bernadette. "Kawawa naman yung susunod na magpi-fit nito. Masyado ng nabanat dahil sa'yo." kinuha ni Bernadette ang damit sa kamay ni Mikay.

"Yung totoo... are we really bestfriends?" ani Mikay saka ngumuso. "It hurts friendship, nakakainis ka."

"I'm just kidding... ito naman hindi na nasanay sa akin!" siniko ni Bernadette si Mikay. "Huwag ka ngang sumimangot dyan."

Humarap si Mikay kay Bernadette. "Kanina pa tayo nagiikot wala pa rin akong makita na bagay sa akin."

"One more... hindi pa nga tayo pumapasok sa Department Store." sabi ni Bernadette sabay hawak sa kamay ni Mikay. "Let's go friendship. Kahit hindi ko talaga feel 'yang date na 'yan." ibinaba ni Bernadette ang damit na isinukat ni Mikay.

Pagkapasok sa Department Store ay agad dumampot ng mga damit si Mikay. Kahit si Bernadette ay tumutulong na sa pag suggest sa kanya ng babagay sakanyang damit.

"Friend, ito kayang isang 'to? What do you think?" itinaas ni Mikay ang isang dress na kulay powder blue.

Umiling si Bernadette. "Friendship, better if you choose dark colors. Maputi ka naman eh kaya okay lang. Saka huwag yung malalaki ang print ng designs... mas nakakalaki." suhestiyon ni Bernadette pagkatapos ay muling binalikan ang mga damit sa kanyang harapan.

"How about this one?" ani Mikay habang ipinapakita ang isa pang hawak niya. "Okay lang ba?"

Lumingon naman si Bernadette kay Mikay pero agad nadako ang mga mata niya sa isang dress na malapit lang kay Mikay. Binitawan niya ang hawak niyang damit at lumapit doon.

Kinuha ni Bernadette ang isang itim na dress na may kaunting halong puti. "Here friend, try this one." tinignan ni Bernadette ang size noon at nakita niya ang nakalagay na XL. "Kasya na 'to sa'yo for sure." anito sabay ngiti.

Kinuha ni Mikay ang damit at saka tinignan. "Ang galing mo talaga friendship. I think... ito na nga! Yiee!" idinikit ni Mikay ang damit sa kanyang katawan saka humarap sa salamin na nandoon.

"Tara na para maisukat mo na agad." hinila agad ni Bernadette si Mikay papunta sa fitting room.

Matapos bilhin ang nakitang damit ay nagkayayaan na silang dalawa para kumain. Dahil unang namataan ang Greenwich ay doon nalang sila kumain.

"Kung kumain ka akala mo lagi nalang maypa-Last Supper." sabi ni Bernadette matapos sumipsip sa straw ng iniinom niyang juice. "Daig mo pa yung bibitayin sa dame ng pagkain na nasa harapan mo friendship." nakatingin si Bernadette sa mga pagkain na nasa kanilang table.

Napatigil sa pagnguya si Mikay ng lasagna na kakasubo niya lang. "You're so talaga! Grabe ka sa akin friend." aniya na namumuwalan ang bibig.

Now It's MY TurnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon