CHAPTER: 17 (His Song)

19.3K 621 97
                                    


DAHIL may importanteng ginagawa ay hindi nakasama si Bernadette kay Mikay. Mag-isang lumabas si Mikay ngayong araw ng Linggo. Si Yaya Tina sana ang gusto niyang isama pero tumanggi naman ito.

Palabas na si Mikay ng Sm Department Store nang maisipan niyang tumigil muna sa nadaanan niyang cd section. Umatras pa siya at binalikan iyon.

Dumampot siya ng isang cd, tinignan niya ang likod noon at binabasa ang mga nakalistang kanta. Ibinalik ni Mikay iyon sa kanyang pinagkunan at tinignan ang ilang mga cd pa na nandoon.

Dadamputin na sana ni Mikay ang isang cd ng "One Direction" nang mamataan niya ang katabing cd noon. Tinitigan ni Mikay ang nasa cover bago niya iyon dinampot.

Si Hero?

"Nakalabas na pala siya ngayon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Nakalabas na pala siya ngayon."

Napalingon si Mikay sa kanyang kanan nang marinig niya ang pamilyar na boses ng nagsalita.

"Hi." bati ni Hero kay Mikay.

"Hello." pagbabalik ng bati ni Mikay. Muling tinignan ni Mikay ang hawak na cd pagkatapos ay tinignan niya ulit si Hero. "I-It's yours?"

Dahan-dahang gumuhit ang ngiti sa labi ni Hero. "Yeah."

Biglang napanguso si Mikay. "Woah! Singer ka na? You said you're a doctor?"

"Well, lets just say... both." kumindat si Hero sabay ngiti.

"Talaga? Wow, as in Wow! Haha! Hindi naman nakakapagtaka dahil ang galing mo talagang kumanta. Hindi 'yon biro ha!" itinaas ni Mikay ang kamay niya kung saan hawak niya ang cd ni Hero.

"So grab a copy now. Haha!" tumawa si Hero.

"I will. Haha! Excited na akong makinig." masayang sabi ni Mikay.

"You did'nt change."

Naitikom ni Mikay ang kanyang bibig. "Huh?"

"Ikaw pa rin talaga si Mikay na nakilala ko noon." ngumiti si Hero.

"Ahh..." tumango-tango nalang si Mikay sabay ngiti ulit kahit nakaramdam siya ng hiya. "Paano mo nga pala napagsasabay ang pag-awit sa pagpasok mo sa Ospital?"

"Hindi pa naman ako sikat ah." ngumisi si Hero. "Biglaan lang din 'yan. Patient ko ang tumulong sakin para ma-release ang album ko. May-ari siya ng isang recording company."

"So you are now a Singing Doctor ha." kinabig ni Mikay si Hero.

Napakamot ng ulo si Hero. "Madalas nga akong kinukulit ng mga pasyente ko na kantahan ko daw sila."

"Natutuwa ako for you Hero." matamis na ngiti ang sumilay sa labi ni Mikay.

"Thank you Mikay." seryoso ang mukha ni Hero. "I'm also happy for you... kung ano ka man ngayon." mahinang sabi ni Hero habang mataman na nakatingin kay Mikay.

Now It's MY TurnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon