CHAPTER: 40 (Almost There)

10.9K 360 9
                                    


NAPALINGA si Mikay sa kanyang bag nang marinig niya ang pagtunog ng cellphone niya na nasa loob noon. Naningkit naman ang mga mata ni Shaun nang makita niya ang itsura ni Mikay nang makuha na nito ang cellphone sa bag.

"Excuse lang ha Babe." ani Mikay. Binuksan pa niya ang kanyang kotse at saka bumaba.

Nagtatakang sinundan ng tingin ni Shaun si Mikay na sumandal sa harapan ng kotse habang nagsisimula ng kausapin ang nasa kabilang linya ng cellphone nito.

Kailangan ba niya talagang lumayo pa sa akin?
Kunot-noong tanong ni Shaun sa kanyang isipan.

"Hindi ka pa nakakauwi? Bakit Nan??" may pag-aalalang tanong ni Hero sa kabilang linya.

"I'm with Shaun... may nangyaring hindi maganda Mot. He's in my car right now."

"What?! Anong nangyari Nan? Are you okay?" napalakas ang boses ni Hero.

"May dalawang lalaki na humarang sa amin kanina Mot... but don't worry, nothing bad happend to me. It's Shaun, nabugbog siya nung dalawang lalaki." sinilip ni Mikay si Shaun na nasa loob ng kotse.

"But why? Nasaan ba kayo ng lalaking 'yan? Wala akong pakialam sa kanya, ikaw ang iniisip ko. Are you sure you're okay?? Tell me your exact location! Pupuntahan kita dyan!"

"No, huwag na Mot... there's no need. I'm okay, walang anumang nangyari sa akin." pabulong pero mariing sabi ni Mikay.

"Hindi ko lang alam kung anong gagawin ko kapag may nangyaring masama sa'yo Nan." seryoso ang tono ni Hero, narinig ni Mikay ang pagbuntong hininga nito. "Please umuwi ka na."

"Yeah, don't worry... uuwi na ako Mot. But first kailangan ko munang ihatid si Shaun,  uuwi na rin ako after that." ani Mikay, inilipat niya sa kabilang tenga ang hawak niyang cellphone. Saglit na hindi sumagot si Hero kung kaya't nagtaka si Mikay. "Mot?"

"A-Ah yeah Nan... okay sige. Please be home safe." sagot ni Hero sa kabilang linya.

"I will Mot... i love you." sambit ni Mikay.

"Mahal na mahal kita."

Binaba na ni Mikay ang tawag ni Hero, kakaibang tingin ang napansin niya kay Shaun nang muli niyang lingunin ito sa loob ng kotse. Nakangiting bumalik si Mikay sa loob.

"Who's that?" kunot-noong tanong ni Shaun.

"My Mom, she's asking me kung nasaan na daw ako." ibinalik ni Mikay ang kanyang cellphone sa bag. "Ihahatid na kita, wala naman sigurong masama kung makita ako ni Nicole. Ako nalang ang bahala na gumawa ng dahilan tungkol sa nangyari sa'yo at saka doon sa car mo."

Napaisip si Shaun at napabuga ng hangin. "Pwede naman akong mag-commute Babe, pero sige if that's what you want." hinawakan ni Shaun ang kamay ni Mikay.

"I'll drive you home." nagumiti si Mikay at isinuksok na ang susi ng kotse. "Kailangang magamot din agad yung sugat mo."

Kinakabahan ako dahil magkikita na naman sila ni Nicole pero masaya ako ngayon dahil mas mahaba haba pa yung oras na makakasama ko siya.















PINATAY na ni Mikay ang makina ng kanyang kotse. Sabay silang bumaba ni Shaun. Tiningala ni Mikay ang bahay na nasa kanilang tapat, may kalakihan din ang bahay na iyon.

"Maganda ang bahay mo Babe." nakangiting sabi ni Mikay.

"Ako at si... si Nicole lang ang nakatira dyan Babe." mahinang sabi ni Shaun habang nakatingala din.

Now It's MY TurnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon