CHAPTER: 42 (I Got This)

11.2K 372 76
                                    


HUMINGA ng malalim si Nicole bago siya lumabas ng kwarto. Inaantay na siya ni Shaun sa ibaba. Ngayong araw ay pupunta sila sa bahay ni Hero dahil sa imbitasyon nito.

Noong una ay nag-aalangan si Shaun na pumayag sa sinabi ni Nicole na iniimbita sila ni Hero na bumisita sila sa bahay nito, pero bandang huli ay pumayag na rin siyang paunlakan iyon.

Kinakabahan ako sa mangyayari.
Sabi ni Nicole sa kanyang isipan habang nakatingin sa nagda-drive na si Shaun.

"Ano bang naisipan ni Hero at inimbitahan niya tayo na magpunta sa bahay niya?" biglang tanong ni Shaun habang nakadiretso lang ang tingin sa daan.

Nabigla si Nicole sa tanong ni Shaun kung kaya't hindi siya agad nakasagot. "H-Hindi ko rin alam eh, a-ang sabi niya lang sa akin... para daw m-makita natin yung mga bagong pinagawa niya sa bahay niya." mautal-utal na sagot ni Nicole. Iyon talaga ang itinuro ni Hero sakanya na isagot niya sakaling magtanong pa si Shaun.

"Asensado na talaga siya." nakangiting sabi ni Shaun sabay lingon kay Nicole. Ngumiti naman si Nicole at agad ring umiwas ng tingin.

Pagkarating nila sa tapat ng bahay ni Hero ay namangha agad ang nakadungaw sa bintana ng kotse na si Nicole dahil sa kanyang nakitang pagbabago ng bahay ni Hero sa labas palang noon.

Ipinarada ni Shaun ang kanyang kotse sa tapat ng gate. Hindi pa man sila nakakababa ni Nicole ay bumukas na ang malaking gate, lumabas doon si Hero.

Nang makababa na si Nicole ay agad niyang napansin ang ngiting isinalubong sa kanya ni Hero. Bumaba na rin si Shaun at kinamayan nito si Hero.

"Kitang-kita agad ang malaking pagbabago ng bahay mo dito palang sa labas ah. Akala ko tuloy maling lugar yung pinasok ko." ani Shaun kay Hero.

"Sinimulan ko ng ipagawa talaga 'to... para sa future ko." nakangiting sabi ni Hero sabay sulyap kay Nicole.

Napakagat-labi naman si Nicole kasabay ng isang simpleng ngiti. "Excited na akong makita ang loob."

"Haha! Okay tara ng pumasok." tugon ni Hero.

Pagpasok nila ay binati agad sila ng guard at isinara din nito agad ang malaking gate. Nakangiting inilibot nina Shaun at Nicole ang kanilang paningin habang naglalakad papasok ng bahay ni Hero.

"Nice... marami nga talagang nagbago." sabi ni Shaun.

Dumiretso agad sila sa living room natigil ang paglalakad nina Shaun at Nicole nang mapansin nila ang isang babae na nakatalikod habang nakaupo sa sofa.

Mukhang abala ito sa kanyang ginagawa.

Naningkit parehas ang mga mata nina Shaun at Nicole nang tumayo yung babae at dahan-dahan itong humarap

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Naningkit parehas ang mga mata nina Shaun at Nicole nang tumayo yung babae at dahan-dahan itong humarap.

Babe?!
Natigilan si Shaun.

Now It's MY TurnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon