CHAPTER: 24 (Preparing For Something Sweet)

14.2K 480 26
                                    


"16 COPIES of this one and 4 of this."

Inabot ni Mikay ang dalawang papel kay Shaun. Nakangiti namang kinuha iyon ni Shaun. Pasimple pa nitong hinawakan mismo ang kanyang kamay.

Para-paraan ka rin eh no?
Umirap si Mikay pagkatalikod ni Shaun.

Yumuko siya bigla at tinutukan na ulit ang pinipirmahan niya nang lingunin siya ni Shaun habang inaantay nitong matapos ang isinalang sa photocopy machine.

Hindi ka ba napapagod ng kakalingon sa akin Shaun? Masyado kang pa-obvious.
Naidiin ni Mikay ang hawak na technical pen sa kanyang pipirmahan.

Lumapit na ulit si Shaun kay Mikay at nakangiti niyang inabot ang mga nai-zerox niyang papel.

"Seat down." sambit ni Mikay na sa ginagawa pa rin niya nakatingin.

"H-Huh?"

Itinaas ni Mikay ang kanyang mukha. "I said... seat down." itinuro ni Mikay kay Shaun gamit ang kanyang mata ang upuan sa kanang bahagi ng kanyang office table.

Agad tumalima si Shaun at umupo. Itinabi ni Mikay ang kanyang ginagawa sa kaliwang parte ng kanyang table at pagkatapos ay binalingan na si Shaun.

"Ilang taon na ang Y.C?" biglaang taong ni Mikay.

"24 years... Ma'am. Why?"

"Don't ask, just answer all my questions." seryosong sabi ni Mikay.

"Okay." tumango nalang si Shaun.

"So when we will be having the Y.C's silver anniversary?" pinagsalikop ni Mikay ang kanyang mga kamay sa ibabaw ng kanyang table.

"Next year... January 16, 2017?" patanong na sabi ni Shaun.

"You're asking me? Yung tono mo kasi parang hindi ka sigurado sa answer mo." sumandal si Mikay sa kanyang swivel chair at itinaas ang isang kilay.

Inilabas ni Shaun ang kanyang mapuputing ngipin. "It's my answer."

"Ibigay mo sa akin ang mga pangalan ng members ng board of directors."

Habang ini-isa isa ni Shaun ang pangalan ng mga kasapi ng board of directors ay tumatango-tango si Mikay. Itinanong niya rin kung ilan taon ng naninilbihan sa Y.C ang bawat pangalan ng myembro na binabanggit ni Shaun.

Mukhang nagbabasa naman pala talaga siya... dapat lang naman ano!
Isip ni Mikay habang pinakikinggan ang mga lumalabas na salita kay Shaun.

Isinunod ni Mikay itanong ang tungkol sa mga produkto na inilabas na ng Y.C at sino ang mga modelong kinuha para ipakilala ang mga iyon sa merkado.

"Impressive." ipinatong ni Mikay ang kanyang siko sa office table at namalumbaba.

"Thanks... like what i've told you. Gagawin ko lahat ng ano man ang sabihin mo." matamis na ngiti ang sumilay sa labi ni Shaun.

Huwag mong sabihin 'yan. Baka dumating ang time na may ipagawa nga ako sa'yo... tapos hindi mo naman pala kayang gawin. Baka puro ka lang salita.
Bahagyang ngumiti si Mikay.

Now It's MY TurnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon