CHAPTER: 38 (Say You Still Love Me)

12.3K 355 41
                                    


TINUTUYO ni Nicole ang kanyang buhok gamit ang isang tuwalya. Naupo siya sa gilid ng kama nila ni Shaun.

Habang pinatutuyo ang kanyang basang buhok ay naalala niya ang nangyari sa paguusap nila ni Hero kahapon lamang sa gym.

What's happening to me? I can't help but to think of you.

***********************************
"Ano masakit pa ba ang binti mo?" nakatingin si Hero sa pinulikat na binti ni Nicole.

"H-Hindi na." nakatingin si Nicole sa nakayukong si Hero.

"Huwag mong i-torture ang mga binti mo. Haha! Magsuot ka rin ng flat shoes minsan."

Hindi inaasahan ni Nicole na iaangat ni Hero ang kanyang binti, ipinatong nito iyon sa may hita nito. Hindi na niya nagawa pang ibaba ang kanyang binti nang simulan ni Hero na imasahe ang laman sa kanyang likurang binti.

"I used to do this to you before." sambit ni Hero habang minamasahe ang kanyang binti. "Still remember?" anito sabay angat ng mukha para tignan si Nicole.

"A-Ah yeah... of course." nakaramdam ng hiya si Nicole.

"You do really have a pair of sexy legs." nakangiting puri Hero. Pinamulahan si Nicole.

Tinitigan ni Nicole ang mga mata ni Hero.
I miss those pair of almond eyes.

"Tara subukan natin yung bike na 'yon." itinuro ni Hero ang nakahilerang mga bike. "Mabuti yung sinusundan ng exercise yung paa na pinulikat."

Sumunod si Nicole kay Hero. Doon niya naramdaman na medyo may kirot pa ang binti niya kaya naisip niya na baka makatulong nga ang pagba-bike para tuluyan na nga iyong mawala.

"Sige lang, panonoorin nalang muna kita." ngumiti si Hero kay Nicole. Inalalayan pa siya nito sa pagsampa.

He didn't change, gentleman pa rin talaga siya.

Sinimulan na ni Nicole ang pagpidal sa bike. Idiniretso niya lang ang kanyang tingin dahil nahihiya siya kay Hero lalo na at alam niyang sa kanya ito nakatingin.

"I want to ask something... if you don't mind."

Natigil sa pagpidal si Nicole at tinignan niya si Hero na seryoso ang tingin sa kanya. "Ano 'yon?"

"Are you happy with him?" seryosong tanong ni Hero.

Naigilid ni Nicole ang kanyang paningin pagkatapos ay muling tumingin kay Hero. "O-Oo naman... masaya naman ako."

Bahagyang ngumiti si Hero. "Good to hear that."

"I-I'm sorry H-Hero." nauutal na sabi ni Nicole. "I'm really—"

"I miss you Nicole."

Napatitig si Nicole kay Hero. Ipinatong nitong bigla ang kamay nito sa kanyang kamay na nakahawak sa bike. Pakiramdam ni Nicole ay hindi siya makahinga dahil sa sinabi ni Hero sa kanya.

"You don't need to say anything. Alam kong nabigla ka... but i mean it, i miss you." inalis ni Hero ang isang kamay ni Nicole na nakakapit sa bike at tuluyan niyang hinawakan iyon.

Now It's MY TurnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon