CHAPTER: 45 (Goodbyes)

12.6K 410 58
                                    


ISINUGOD ni Hero si Mikay sa Andrade Medical Center. Siya na mismo ang humawak kay Mikay. Masakit sa loob ni Hero ang ginawa niyang paglilinis ng dugo sa ulo ng babaeng mahal niya. Pinilit niyang tatagan ang loob niya lalo na at nakasalalay din sa kanyang mga kamay ang ikaliligtas ni Mikay.

Malakas ang naging impact ng pagkakauntog ng ulo ni Mikay. Kinailangang tahiin ang may kalakihang sugat sa itaas ng noo niya.

Agad ding tinawagan ni Hero sina Mommy Kara at Daddy Joseph para ipaalam ang nangyari kay Mikay. Halos mag histerikal si Mommy Kara sa kanyang nalaman. Nakiusap ito kay Hero na gawin ang lahat para iligtas ang kanilang nagiisang anak.

"Nan... nandito lang ako. Babantayan kita hanggang sa magising ka, hindi ako lalayo sa tabi mo." ani Hero habang nakatitig sa nakapikit na si Mikay.

Biglang bumukas ang pintuan kaya't napalingon doon si Hero. Nagtiim agad ang kanyang bagang nang makita niyang pumasok doon si Shaun. May gasa ang noo nito dahil sa natamo nitong maliit na sugat doon.

Kay Mikay agad nakadako ang tingin ni Shaun. Lalapitan niya sana si Mikay nang biglang tumayo si Hero para pigilan ang gagawing paglapit ni Shaun.

 Lalapitan niya sana si Mikay nang biglang tumayo si Hero para pigilan ang gagawing paglapit ni Shaun

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Please i want to see her." pakiusap ni Shaun.

Suntok ang isinagot ni Hero kay Shaun.  Napaatras si Shaun sa may pintuan dahil sa suntok na ibinigay ni Hero. Kahit nasaktan ay tumindig pa rin si Shaun at tumingin ng diretso kay Hero.

"Ang lakas ng loob mong magpunta dito!" galit na sabi ni Hero.

"Hindi ko sinasadya... mahal ko si Mikay, hindi ko sinasadyang mapahamak siya." ani Shaun sabay hakbang ulit pero itinulak siya ni Hero.

"Don't make any steps! Hindi ko na hahayaan na makalapit ka pa sa kanya!" sigaw ni Hero habang nakasalubong ang mga kilay.

"Nawalan siya ng malay dahil sa pagkakauntog niya sa pader. Isinakay ko siya sa kotse para dalin siya sa ospital... hindi ko ginusto na maaksidente kami!" paliwanag ni Shaun habang pilit na sinisilip si Mikay.

"Hindi ko kailangan ang kahit na anong paliwanag mo! Umalis ka na ngayon din hayop ka dahil baka mapatay lang kita!" nang-gigigil na sabi ni Hero.

"Kahit sandali lang... hayaan mo naman akong makita siya." pakiusap ni Shaun.

"Umalis ka na." mariing sabi ni Hero.

"Please!" sinubukang humakbang ni Shaun pero itinulak lang siya ni Hero.

"Kahit kailan... wala kang nagawang maganda para sa kanya!"

"Mahal ko siya!" sigaw ni Shaun.

"Mahal? Nasa huli ang pagsisisi Shaun. Hindi mo na kayang ibalik ang nakaraan... so stop! You're just wasting your time!" ani Hero habang mataman na nakatingin kay Shaun.

Now It's MY TurnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon