CHAPTER: 5 (Maybe... Someday)

15.1K 540 46
                                    

After 1 month...

"BABE here... ito pa nga pala." inabot ni Shaun ang notebook niya sa Math. "Sumasakit ang ulo ko dyan. Ikaw na ang bahala ha, may practice game kasi ako ngayon."

Nakangiting kinuha ni Mikay ang inaabot na notebook ni Shaun. "Can i watch? Pwede ba akong manood Babe?"

"Huh?" parang nabingi si Shaun sa kanyang narinig. "No. Dito ka nalang, 'di ba nga gagawin mo pa 'yan? You only have an hour to finish that for me. Kailangan ko na 'yan Babe mamaya. First subject ko kasi 'yan bukas." sabi ni Shaun habang nakatingin sa paligid.

"Why? I can give it to you tomorrow. Wala ka naman klase mamaya." ani Mikay habang nakatingin sa Math problem na nasa notebook ni Shaun. "Actually Babe you can have this for a minute." dagdag pa ni Mikay.

Lumapit si Shaun kay Mikay para makisilip ng oras sa relo nito. "Just stay here okay? Gawin mo nalang yung mga notes mo. I have to go." ngumiti ng bahagya si Shaun.

"O-Okay."

Pinanood nalang ni Mikay ang pagtakbo ni Shaun palayo sa kanya. Pumalumbaba siya at saka sumimangot.

Ano bang masama kung manood ako? Manonood lang naman, hindi naman ako magtititili doon.

Sinimulan nalang ni Mikay gawin ang iniwan ni Shaun sakanya. Inabot din iyon ng ilang minuto. Matapos gawin iyon ay tumunganga si Mikay habang hawak ang kanyang ballpen.

Nagsisimula na naman siyang mag-lettering sa kanyang notebook... habang ngumunguya sa pagkain ng chocolate.

"Baka gusto mong mamigay ng chocolate friendship?" ani Bernadette na palapit kay Mikay.

"Hello friendship!" masayang bati ni Mikay. Naglabas siya ng chocolate sa kanyang bulsa ng suot na uniform si Mikay saka inabot kay Bernadette.

"Grabe naman! May reserba ka pa talaga ha?" sabi ni Bernadette, kinuha niya ang chocolate at naupo sa tabi ni Mikay sa bench.

"Meron pa nga ako doon sa bag ko friendship."

Napansin agad ni Bernadette ang nasa notebook ni Mikay. Tinignan niya ang mukha ni Mikay habang nilalagyan pa ng design ang nile-lettering nito.

Shaun Love Mikay?

May question mark na sa dulo ang inilagay ni Mikay. Madiin pa at malinaw ang pagkakalagay niya ng question mark sa dulo noon.

"Friendship hanggang kailan ka ba ganyan?" umurong si Bernadette para kunin ang ballpen sa kamay ni Mikay. "Don't you really get it? Ginagamit ka ni Shaun. Please... kailan ka ba makikinig sa akin?" isinara ni Bernadette ang notebook ni Mikay.

Tumingin lang si Mikay kay Bernadette at saka isinubo ang malaking tipak ng natitirang chocolate na kanyang hawak. Hindi siya sumagot, ngumuya lang siya saka umiwas ng tingin.

"Alam mo friend, kung hindi lang kita mahal hindi kita sasabihan. But i love you, i'm your bestfriend!" kinalabit ni Bernadette si Mikay, ayaw niyang tumingin kaya ipinihit siya paharap ni Bernadette. "Wake up!"

Nilunok ni Mikay ang chocolate sa kanyang bibig. "What if magbago siya? Baka mahalin niya rin ako."

"Kailan pa?! Lalo mo lang pinapahirapan ang sarili mo friendship. Please stop, nasasaktan din ako for you."

Now It's MY TurnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon