CHAPTER: 3 (So What's The Plan?)

19.4K 581 46
                                    


NAKADAPA si Mikay sa kanyang kama habang hawak ang sulat na galing kay Shaun. Natapos na niya lahat ng homeworks niya pero ang pagtitig doon sa sulat hindi pa.

Tumayo si Mikay at saka humarap sa kanyang vanity mirror. Dahan-dahan siyang ngumiti at saka nagpa-cute sa harap ng salamin. Inipit pa niya ang tumatabing na bangs sa kanyang tenga at saka paulit-ulit na nag-smile. Pumikit si Mikay at saka feel na feel na ngumiti ulit ng dahan-dahan.

Ang cute pala ng smile mo...
Ang cute pala ng smile mo...
Ang cute pala ng smile mo...

"Ang cute daw ng smile ko... Haay! Kainis! nakasulat lang naman sa papel pero bakit ini-imagine ko pa na sinabi niya sa akin ng harapan." dinampot ni Mikay ang suklay at saka pinasadahan ang kanyang buhok.

Napatigil siya sa pagsusuklay, inilapit niya lalo ang mukha sa salamin.

Ang alam ko matangos ang ilong ko, pero dahil nga sa bumibilog ang mukha ko, naaapektuhan din yata pati ang ilong ko. Haays! Eto namang mga pores ko akala mo naman laging may drama, hindi tumitigil ng kakaiyak... pati ako gusto ko na rin yatang maiyak! At eto pa ang masaklap... tignan mo naman itong pwesto ng tagyawat ko, wala manlang pakundangan... tutubo lang doon pa talaga sa gitna ng ilong ko! Nice view ha! Kinaganda ko talaga yan!

"Buti nalang maganda ang mga mata ko... kung magkakaron pa ako ng duling o kirat na mata baka mag harakiri nalang ako mas mabuti pa." hinawakan ni Mikay ang kanyang mahabang pilik-mata gamit ang kanyang hintuturo.

Tumunog ang cellphone ni Mikay, nandoon iyon sa gitna ng kanyang kama. Pagtayo niya ay biglang tumalsik ang isang butones ng kanyang suot na pantulog. Natanggal ang butones na iyon sa bandang tiyan.

Sh*t! Oo na nga mataba na! bwisit naman oh hindi ko na nga inisip pina-alala pa talaga... Tsk!
Tinignan ni Mikay ang busog niyang tiyan sa harap ng vanity mirror.

"Magda-diet na nga ako!" dinampot ni Mikay ang isang donut sa isang box ng j.co na ipinabili niya kanina. Kumagat muna siya bago sinagot ang tawag.

"Oh friendship? kamusta ka na, okay na ba ang pakiramdam mo?" bungad ni Mikay sa tumawag na si Bernadette. Hindi pa niya nalulunok ang nasa bibig ay kumagat siya ulit sa hawak na donut.

"Ano na naman yang kinakain mo friend? Ano ba yan baka hindi ka matunawan niyan, naghihilik na yung ibang tao ikaw ngumunguya ka pa rin!" ani Bernadette sa kabilang linya.

"Haha! Mukhang okay na nga ang pakiramdam mo friend, tinitira mo na naman kasi ako." sabi ni Mikay.

"Tatanong ko lang sana friendship kung nagkaron ba tayo kanina ng quiz? may homeworks ba?"

"Hmm... quiz wala, pero homeworks meron friendship. Sa Math at saka sa Filipino." isinubo ni Mikay ang natirang donut.

"Buti nalang pala walang quiz." sagot ni Bernadette.

"Eh yung nangyari sa akin kanina friendship, hindi mo ba itatanong??" nakangiting kinuha ni Mikay ang sulat ni Shaun at saka idinikit sa kanyang pisngi. "Ay bwisit!" agad inilayo ni Mikay ang sulat sa pisngi nang maalala niyang nagmamantika nga pala ang kanyang mukha.

"Huh?? bwisit? bakit ano bang nangyari sa'yo kanina friendship?" ani Bernadette sa nag-aalalang tono.

"Hindi friend, yung sulat kasi ni Shaun naidikit ko sa pisngi ko. Ayan tuloy nadumihan." napanguso si Mikay.

Now It's MY TurnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon