CHAPTER: 25 (Everything was planned)

14K 469 77
                                    

After one week...

BUMUKAS ang pintuan ng opisina ni Mikay. Napatayo si Shaun sa kanyang inuupuan nang makita niyang pumasok doon si Mikay. Nagmamadaling lumabas si Shaun ng kanyang opisina at saka umikot papunta sa kabilang opisina.

"Akala ko hindi ka papasok." lumapit si Shaun sa table ni Mikay.

"May inasikaso ako kaninang umaga." binuksan agad ni Mikay ang kanyang laptop. "Alam mo na ba ang gagawin mo mamaya?" tanong ni Mikay habang nagtitipa sa keyboard.

"Yeah... i just wanna ask something."

"Go on." kinuha ni Mikay ang kanyang planner sa drawer at binuklat iyon.

"Bakit hindi nalang dito sa Y.C i-meet yung model? We can just simply order some food and then dito nalang sa opisina siya kausapin. Bakit kailangang sa isang restaurant pa?" nakakunot-noong tanong ni Shaun.

Itinigil ni Mikay ang pagsusulat niya sa kanyang planner, tiningala niya si Shaun. "It's already planned. Doon sa hotel siya mag-i-stay. Naka-set na yung reservation na 'yon 2 weeks ago pa. It's already paid na rin. Ganoon ako, ina-advance ko na para hindi na iisipin pa." paliwanag ni Mikay at saka ngumiti. "Special treatment pati ang gusto kong ibigay sa mga kinukuhang modelo ng Y.C." dagdag ni Mikay.

"Okay." ngumiti si Shaun pagkatapos ay humalukipkip. "What is her name by the way?"

Tumayo si Mikay at saka umikot para lapitan si Shaun. Hinawakan ni Mikay ang kwelyo ni Shaun at inayos iyon. Pagkatapos ay ang suot namang kurbata nito.

"That's for you to find out." mahinang sambit ni Mikay habang nakatitig kay Shaun. "You have to know her dahil ikaw ang makakasama niya sa kanyang trabaho. Well, tingin ko naman magkakasundo talaga kayo."

Itinaas ni Shaun ang kanyang kamay, iniipit niya ang buhok ni Mikay sa tenga. Hinayaan lang niya na gawin iyon ni Shaun sa kanya. Nginitian ni Shaun si Mikay, gumuhit din ang ngiti sa labi niya.

"By next week lalabas ulit tayo for another date." sabi ni Mikay habang nakangiti. "Iyon ay kung magkakaroon ka ng oras para sa akin." makahulugang dagdag niya.

"Bakit naman mawawalan? Syempre i have time for you... always, basta para sa'yo Babe."

Oww? Makakagawa ka kaya ng paraan?
Ngumiti si Mikay.

Hahawakan sana ni Shaun ang mukha ni Mikay pero umiwas na si Mikay. Bumalik na siya sa kanyang upuan.

"Nasa office tayo." kinuha ni Mikay ang kanyang ballpen. Tinignan ni Mikay si Shaun at saka nginitian. "Ikaw ang magbibigay ng schedule ng shoots niya. Friday na ngayon... by Monday magsisimula na siya. I know hindi 'yan part ng work mo pero gusto kong ikaw ang mag-asikaso ng lahat tungkol doon." pahayag ni Mikay kay Shaun.

"Walang problema." masiglang sabi ni Shaun.

Inikot ni Mikay ang swivel chair niya paharap sa solidong glass kung saan matatanaw ang mga kalapit na buildings ng Y.C. "Iyon lang yung Betley Hotel and Restaurant." itinuro ni Mikay ang isang may kalakihang building. "Just give them my name, nakausap ko na sila... aasikasuhin nila kayo. Actually... nandoon na yung model kanina lang. Tumuloy siya sa room na kinuha ng Y.C for her. She's staying there hanggang sa matapos ang trabaho niya." umikot ulit si Mikay paharap kay Shaun.

Now It's MY TurnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon