CHAPTER: 34 (It's Time For Us)

12.6K 415 30
                                    


AGAD dinampot ni Mikay ang telepono nang tumunog iyon. Itinigil na muna niya ang kanyang pagsusulat, ibinaba niya ang kanyang ballpen.

"Babe." tawag ni Shaun sa kabilang linya.

Naningkit ang mga mata ni Mikay, tinignan niya si Shaun sa kabilang salamin. Nakita niyang kumakaway ito habang nakangiti.

"What if may important call ako tapos sumisingit ka? Stop calling okay? Hindi porket lumuluwag ako sa'yo eh aabusuhin mo na." seryoso ang tono ni Mikay. "You wouldn't like it when i get mad."

"I'm sorry Babe... kanina ka pa kasi nakasubsob sa ginagawa mo. Gusto lang naman kitang pangitiin."

Naisip nalang ni Mikay na sakyan si Shaun. Tumayo siya at sumandal sa kanyang office table habang nakalagay ang telepono sa kanyang tenga. Nginitian niya si Shaun.

"Enough na ba ang smile ko or kailangan ko pang lakihan like this?" itinodo ni Mikay ang kanyang pagngiti.

Tumawa si Shaun habang nakatingin kay Mikay. "I want to go there to see your smile closely." anito kasabay ng pagseryoso ng kanyang mukha.

Sa isip ni Mikay ay gusto niyang pagtaasan ng kilay si Shaun.
Pagbibigyan kita.

"I'll go there Babe." mahinang sambit ni Mikay. Nakita agad ni Mikay ang pagngiti ni Shaun.

Ibinaba ni Mikay ang telepono. Naglakad na siya papunta sa pintuang nakaugnay sa opisina nila ni Shaun. Binuksan niya ang pintuan, nakita niyang nakatanga lang si Shaun at hawak pa rin nito ang telepono.

Nilapitan ni Mikay si Shaun at siya na ang nagbaba ng telepono nito. "You're always staring at me Babe... ganoon ba ako kaganda?"

Kinagat ni Shaun ang kanyang labi pagkatapos ay tumango. "Mas lalo kang gumaganda kapag nakangiti ka Babe."

"Like this?" ngumiti si Mikay sabay lapit pa kay Shaun. "Gaano ka-close ba ang gusto mo? Ganito ba?" inilapit ni Mikay ang kanyang mukha kay Shaun.

Naramdaman agad ni Mikay ang pagpulupot ni Shaun sa kanyang bewang, inilapit rin nito ang mukha sa kanya kung kaya't iniharang niya agad ang kanyang daliri sa labi nito. Alam niya kasing sa puntong iyon ay hahalikan siya nito.

Lumayo si Mikay para bumitaw si Shaun sa kanya. "Ah ah ah." ikinumpas-kumpas ni Mikay ang kanyang hintuturo. "Nasa office tayo Babe."

Napasimangot si Shaun, bumagsak din ang balikat nito. "Ang hirap naman Babe... sana magkaroon manlang tayo ng isang buong araw ng magkasama."

You're hopeless Shaun.
Nakatingin si Mikay kay Shaun.

"Mangyayari din 'yon Babe... we can't say, malay mo next week. Mas mahirap nga lang sa part mo dahil kailangan mo pang lumusot kay Nicole just to be with me." ani Mikay, nilapitan niya si Shaun para hawakan ang balikat nito.

"Darating pa siya mamaya para sa meeting. It's really hard for me Babe."

"I know... hanga nga ako sa'yo Babe kasi kinakaya mo." kunwa'y sabi ni Mikay habang nakangiti.

"Bakit kasi hindi nalang natin ilabas ang relasyon natin para maging free na tayo. I told you, kayang ko gawin 'yon for you." hinawakan ni Shaun ang kamay ni Mikay na nakapatong sa balikat niya.

"Saka na Babe... hindi mo kilala ang Mom ko. Alam kong mahihirapan tayo sa kanya." pagdadahilan ni Mikay.

"Kaya kong patunayan sa kanila na mahal kita."

Now It's MY TurnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon