CHAPTER: 11 (Mind Or Heart)

16.4K 616 52
                                    

2 weeks before the graduation day...

HINDI pa naman huli ang lahat for me. I can change everything in me... everything.

Humingi kanina lang ng isang basket si Mikay kay Yaya Tina. Pinaglalagay niya doon ang mga pagkain gaya ng matatamis na biscuit at mga chocolates na naka-stock sa kwarto niya. Nagulat pa nga ito nang ibaba niya iyon at sinabi niyang ayaw na niyang kainin ang mga iyon.

Pababa siya ngayon ng hagdan, napansin niya ang ilang mga maleta sa may sala. Nakita niya agad si Yaya Tina na tumingala nang marinig siyang pababa.

Nalipat ang tingin ni Mikay nang makita niya na palapit ang Mommy at Daddy niya sa mga maleta.

"Mom? Dad?" sambit ni Mikay habang palapit sa mga ito.

"There you are Honey, buti nalang bumaba ka na. Ipapatawag ka na sana namin kay Yaya Tina mo eh." sabi agad ni Mommy Kara nang makita siya.

"Bakit may mga maleta?" pinaglipat-lipat ni Mikay ang paningin kayna Daddy Joseph at Mommy Kara.

"Ah... Hon, it's for our business purposes. Lilipad kame ni Mommy mo sa America for a business proposal... para ito sa Y. Cosmetics." tugon ni Daddy Joseph.

"Ichecheck na rin namin yung bago nating negosyo 'don. Sorry hon, hindi namin agad nasabi ng Dad mo." ani Mommy Kara.

"For how long Mom?" malungkot na tanong ni Mikay.

"2 weeks...maybe." sagot ni Mommy Kara sabay tingin kay Daddy Joseph. "May mga kailangan kaming ayusin doon."

Nanlupaypay si Mikay pagkarinig ng sagot ni Mommy Kara. Napayuko siya.

"Hon?" hinawakan ni Mommy Kara ang kamay ni Mikay. "It's for our own good. Babalik din naman agad kame."

Ano pa ba ang iniisip nilang gawin? Hindi pa ba enough yung yaman ng pamilya namin? How about me? Kailangan ko din kayo!

Itinaas ni Mikay ang kanyang mukha. "But Mom... In two weeks ga-graduate na ako! Bakit ngayon pa? Hindi ba pwedeng bigyan nyo naman ako kahit kaunting oras nyo??" nanginginig ang kanyang mga labi. Nagtinginan sina Daddy Joseph at Mommy Kara dahil sa sinabi ng kanilang anak.

"Alam namin honey... susubukan namin bumalik agad. We promise." turan ni Daddy Joseph.

"No worries. I can still make it on my own... as always. Goodluck for your business proposal Mom and Dad." matipid na ngiti ang lumabas sa labi ni Mikay. "Happy trip." tumalikod na siya at muling umakyat ng hagdan.

Sinundan siya ni Yaya Tina sa kanyang kwarto gaya ng pakiusap ni Mommy Kara dito. Pero pagkaakyat nito ay naka-lock ang pintuan ni Mikay dahil ini-lock niya talaga iyon.

"Baby? Buksan mo naman ang pintuan." tawag ni Yaya Tina habang kumakatok.

"Not now Yaya. Don't worry i'm okay. Gusto ko lang munang mapag-isa." sabi ni Mikay habang nakatingin sa kanyang pintuan. "Please Ya." dagdag niya.

Tumigil sa pagkatok si Yaya Tina. Naintindihan naman kasi siya nito. Narinig niya ang sinabi nito na "I Love You Baby" bago ito umalis ng kanyang pintuan.

Now It's MY TurnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon