CHAPTER: 12 (Till We Meet Again)

18.6K 791 86
                                    

Graduation Day...

"CONGRATS friendship, i'm so proud of you!" niyakap ni Bernadette si Mikay ng mahigpit. "Anong pakiramdam na ikaw at ikaw talaga ang Valedictorian?" hinawakan ni Bernadette ang dalawang kamay ni Mikay.

"Syempre sobrang saya friendship. Finally nagbunga ang pagpu-push ko sa pag-aaral." seryosong sabi ni Mikay. "Nandito rin kasi sina Mommy at Daddy." ani Mikay.

"I told you, hindi ka matitiis ng Mom at Dad mo... lalo na Valedictorian kaya ang anak nila! Yiiee!" muling niyakap ni Bernadette si Mikay.

Inaayos na ang program, ano mang oras ay magsisimula na ang graduation nila. Kanya-kanyang pag-aayos ang ginagawa ng mga estudyante. Ang ilang mga babaeng estudyante ay nagaayos ng buhok at yung iba naman ay hindi pa nakukuntento sa make-up nila sa mukha kaya pinapatungan pa iyon.

"Friendship, mukhang kailangan kong mag-cr, samahan mo naman ako." ani Mikay habang pumapadyak padyak.

"Mawiwiwi ka friend?" tanong ni Bernadette, tumango naman si Mikay. "Loka ka! Tara dali baka mamaya magsimula na."

Nagmamadaling umalis sina Mikay at Bernadette. Tinungo nila ang comfort room na malapit sa canteen. Hindi pa man nakakalapit doon ay natigilan sa paglalakad si Mikay nang makita niya si Nicole na lumabas doon. Nandoon din si Shaun na halatang inaantay ang paglabas ni Nicole. Siguro'y nagpasama rin si Nicole kay Shaun.

Humigpit ang pagkakakapit ni Mikay sa kamay ni Bernadette nang akbayan ni Shaun si Nicole habang naglalakad ang dalawa. Hinalikan pa ni Nicole ang pisngi ni Shaun at nagtawanan sila.

"Friendship." tawag ni Bernadette kay Mikay na nakatulala lang. "Friend, tara na." iginiya ni Bernadette si Mikay para maglakad na ulit.

Magkasalubungan ang direksyon ng kanilang paglalakad.

Tumigil sa pagtawa si Nicole nang makita nito sina Bernadette at Mikay. Si Shaun naman ay halatang gustong umiwas dahil sa ibang direksyon nito itiningin ang kanyang mga mata.

"Hi Mikay... congrats ha for being the school Valedictorian." bati ni Nicole. "Mukhang pinaghandaan mo talaga ang araw na 'to. Nagpa-facial ka ba? Medyo nababawasan na kasi yung pimples mo... and nice ha, hindi ka kasi oily today. Infairness ang galing nung nagmake-up sa'yo." nangiinsultong sabi ni Nicole habang nakapamaywang.

"Nicole." tawag ni Shaun pero hindi pa rin ito makatingin kay Mikay at kahit kay Bernadette.

"You know what Nicole? Maganda ka sana eh kaya lang ang baho ng bunganga mo!" bulalas ni Bernadette.

"Friendship, stop." sabi ni Mikay. "Huwag na natin siyang patulan."

"Why ugly piggy? Takot ka ba sa akin? You know what you're so stupid. Tatanga tanga ka kasi! Untill now umaasa ka pa bang magugustuhan ka talaga ni Shaun? Gosh! In your dreams Mikay!" umirap si Nicole. "It's just all part of a plan... dahil tanga ka kumagat ka naman!"

"Will you shutup! Bitch!" sinampal ni Bernadette si Nicole. Nagulat si Mikay sa katapangang ginawa ng kanyang kaibigan.

Napahawak si Nicole sa pisngi. Bahagya siyang inilayo ni Shaun dahil baka magumpisa talaga ang sakitan ng dalawa. Gaganti sana si Nicole pero agad itong pinigilan ni Shaun. Itinago niya sa kanyang likuran si Nicole.

Now It's MY TurnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon