CHAPTER: 14 (Let The Game Begin)

20.3K 704 73
                                    


BUMABA si Shaun sa kanyang ipinaradang kotse. Ipinang-takip niya ang folder na kanyang hawak sa kanyang ulo dahil masyadong tirik na tirik ang araw.

Tinignan niya ang oras sa kanyang hawak na cellphone pagkatapos ay sinulyapan ang isang coffee shop na nasa di kalayuan.

Tumawid siya sa kabilang kalsada pagkatapos ay pumasok sa coffee shop. Umorder siya ng isang macchiato coffee at isang cinnamon bread.

Habang umiinom ng kape ay 'di maiwasang sumimangot ni Shaun dahil sa nangyaring paga-apply niya kanina sa isang kumpanya. Ininsulto kasi siya ng lalaking nag-interview sakanya dahil nakilala siya noon. Nagkataon kasi na dati niya iyong nakaaway sa isang babae kaya tingin niya ay naisipan nitong gantihan siya kanina.

"Malas." mahinang sabi ni Shaun. Muli niyang tinignan ang oras pagkatapos ay inubos na ang tinapay na nasa isang platito.

Maaga pa naman at wala siyang balak umuwi hanggat hindi siya nakakahanap ng trabaho. Nagdesisyon na muna siyang isara ang kanyang natitirang restaurant dahil hirap na siyang i-operate iyon dahil wala na ring pumapasok na tao at tuluyan ng nag-alisan na rin ang kanyang mga tauhan.

Nagmamadaling tumawid ulit si Shaun sa kabilang kalsada para kunin ang ipinarada niyang kotse. Nang makalapit siya ay napansin niya agad ang isang maliit na flyer na nasa ibabaw ng kanyang kotse, dinampot niya iyon at umikot siya sa pintuan ng driver seat. Sa kanyang paglapit sa pintuan ng kotse ay muli siyang nakakita ng isa pang flyer na nakadikit sa salamin ng kanyang kotse. Kinuha niya rin iyon at binuksan na ang kanyang kotse at naupo na sa loob.

Bago buksan ang makina ng kanyang kotse ay binasa muna niya ang nakasulat doon sa flyer na hawak niya.

"Be a part of this prestigious company." sambit ni Shaun habang mataman na nakatingin sa hawak na papel.

Y. Cosmetics Group

Binasa ni Shaun ang mga vacant positions na nandoon na maari niyang pasukan.

"From Restaurant to Cosmetics? Tsss! Hindi naman ako nababagay dito." aniya pagkatapos ay ibinaba na ang papel sa tabi ng kanyang cellphone.

Pina-andar na ni Shaun ang makina ng kanyang kotse at umalis na sa lugar na iyon.

Nang makalayo na ang kotse ni Shaun ay lumabas mula sa pinagkukubliang kotse ang isang babae. Huminga ito ng malalim, ngumiti at pagkatapos ay kinuha ang cellphone sa kanyang shoulder bag at may tinawagan doon.

Samantala, habang nag-da-drive ay naalala ni Shaun ang minsang paguusap nila ni Nicole sa cellphone.

Ang sabi ni Nicole noon ay pangarap nitong makagawa ng commercial o maging model ng isang makeup at kung mangyayari man iyon ay sana produkto ng Y.Cosmetics ang kaniyang mai-endorse. Sikat na sikat na raw kasi ito ngayon at humihilera na sa ilang mga kilalang brand ng mga beauty products.

Muling sinulyapan ni Shaun ang papel at kinuha iyon.













TININGALA ni Shaun ang malaki at mataas na building ng Y.C.G. Halos malula siya sa lawak noon. Nahirapan siyang hanapin iyon dahil ipinagtanong tanong pa niya ang daan papunta sa Carlson kung saan nandoon ang Y.C.G.

Hawak ang kanyang bag at isang folder ay naglakad siya sa entrance ng nasabing building. Nagpakita siya ng isang i.d at binigyan siya ng guwardiya ng isang visitor tag na kanya namang iniipit sa bulsa ng suot niyang slacks. Ayaw niya kasing ilagay iyon sa kanyang dibdib.

Now It's MY TurnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon