CHAPTER: 20 (Yes It's Me)

18K 564 29
                                    


NAKANGITING binuksan ni Mikay ang pintuan ng kanyang opisina.

Napatayo si Shaun nang makita niya si Mikay. Tila nanuot ang lalamunan niya nang lingunin siya ni Mikay bago umupo sa kanyang swivel chair.

Bakas ang ngiti sa mukha ni Shaun habang naglalakad papunta sa pintuan na naguugnay sa dalawang kwarto. Dumiretso agad siya sa tapat ng table ni Mikay.

"Welcome back Ma'am. You look great today. Parang hindi ka nagkasakit." bungad agad ni Shaun. Inilabas niya ang kanyang mapupunting ngipin.

"So dahil ba dyan sa pagpuri mo hindi ko na ipapaalala sa'yo na huwag kang dadaan dyan sa pintuan kung hindi naman kita tinatawag?" seryoso ang mukha ni Mikay, nakataas pa ang isa niyang kilay.

Hindi naman natinag si Shaun, nanatili siyang nakangiti. "I'm sorry Ma'am... na excite lang kasi ako nung makita kita."

"Never mind Secretary Shaun." sabi ni Mikay sabay dampot ng isang folder na nakapatong sa kanyang table. "By the way... thank you for the compliment." dagdag niya, itinaas niya ang kanyang mukha at bahagyang nginitian si Shaun.

P*cha! She smiled at me!
Masayang sabi ni Shaun sa kanyang isipan.

Stupid!
Isip naman ni Mikay pagkayuko niya.

"Ma'am, after po ng lunch break yung meeting ng Marketing mamaya." paalala ni Shaun kay Mikay.

"No, make it 3:00pm. Magpapa-order ako mamaya para may merienda sila after ng meeting." utos ni Mikay habang pumipirma.

Nginitian naman ni Shaun si Mikay kahit hindi siya tinitignan nito. "Ma'am, just wanna ask... bakit kayo pa po yung nagme-meeting sa kanila kahit kaya naman iyon ng Head nila? Baka ma-over kayo sa pag-iintindi ng Y.C. Kaya kayo nagkakasakit." may pag-aalalang sabi ni Shaun.

Itinigil ni Mikay ang ginagawa niyang pagpirma. "Ayoko ng nakaupo lang dito at nag-aantay ng mga panibagong set ng papers para lang pirmahan ko. Hindi naman ako naging Presidente para magbasa lang at pumirma. And besides we own this company, kung gugustuhin kong umupo sa harap ng isang computer para gawin ang trabaho ng isang encoder... gagawin ko. Kung gugustuhin kong bilangin at irecord ang mga supplies sa Purchasing... gagawin ko. I can even mop the floors at maging isang janitress if i want to." sagot ni Mikay habang iniikot ang kanyang ballpen sa kanyang mga daliri.

Nakatingin lang si Shaun kay Mikay at saka dahan dahang tumango.

"In short... gagawin ko ang lahat para makatulong." ipinangturo ni Mikay ang hawak na ballpen kay Shaun. "Because i love this company. Did you get me?"

Napasamid si Shaun sa sinabi ni Mikay. "Y-Yes Ma'am."

"So after the break time or before... tell them that the meeting is at 3:00pm." nakatingin sa mga mata ni Shaun si Mikay.

"Copy Ma'am." sagot ni Shaun.

Itinaas ni Mikay ang kanyang dalawang kilay. "Bakit nakatayo ka pa dyan?" sumandal si Mikay sa kanyang upuan. "Pwede ka ng bumalik sa upuan mo." inilahad ni Mikay ang kamay sa kaliwa kung saan nandoon ang opisina ni Shaun.

"A-Ah! Opo." tinungo na ni Shaun ang pintuan.

Prepare yourself later Shaun.
Sinundan ng tingin ni Mikay si Shaun.














"MS. REYES, where are you going?"

Humarang si Mikay sa dadaanan ng Marketing Director. Nadatnan ni Mikay na palabas ito ng pintuan. Sa mismong Marketing Department na niya naisipang kausapin ang buong Marketing Team.

Now It's MY TurnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon