CHAPTER: 18 (When You Need Me)

17.7K 572 65
                                    


NAKATULALA si Mikay nang lapitan siya ni Shaun. Sa totoo lang masama ang pakiramdam niya ngayong araw tapos iniisip pa niya yung text ni Hero sa kanya kagabi. Hindi niya nagawang replayan ang text ni Hero sa kanya dahil nagulat siya sa sinabi nito at lalong hindi niya alam kung ano ba ang dapat niyang maramdaman.

"Ma'am?" untag ni Shaun kay Mikay.

"Huh? Ano 'yon?" sabi ni Mikay.

"You have an appointment at 3:00pm." sabi ni Shaun habang nakatingin sa hawak niyang planner.

"Okay." maiksing sabi ni Mikay. "It's only 1:15pm."

"Sige po Ma'am."

"Ah... Mr. Santillan, can you do me a favor?" sabi ni Mikay habang nakasahod ang isang kamay sa noo. "Can you make a coffee for me? Medyo inaantok ako at saka masakit ang ulo ko." inilapit ni Mikay ang kanyang braso sa kanyang office table. Gusto niya sanang humiga. "Kunin mo nalang yung mug ko."

"Okay Ma'am

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Okay Ma'am. But you should also take a medicine Ma'am. Meron po ako for headache... sandali lang, kukunin ko po." tumalima si Shaun para kunin ang gamot sa kanyang bag.

Pagbalik ni Shaun ay nakita niyang nakahiga na ang ulo ni Mikay sa may mesa nito at nakapikit ang mga mata. Ngumiti si Shaun, ibinaba niya ang gamot sa tabi ni Mikay. Kinuha ni Shaun ang baso ni Mikay sa isang maliit na cabinet, kinuha niya rin ang isa pang baso na nandoon pagkatapos ay lumapit sa water dispenser. Nandoon na rin mismo malapit sa dispenser yung kape, asukal at creamer. Mas gusto kasi ni Mikay ang sariling timpla kaysa mga 3 in 1 na kape.

Pagbalik ni Shaun ay nakapikit pa rin si Mikay. Napagmasdan niya ang magandang mukha nito. Nakita niya nang ayusin pa ni Mikay ang tumabing na buhok sa kanyang mukha habang nakapikit.

Am i falling for this girl?

Napaatras ng bahagya si Shaun ng iangat ni Mikay ang kanyang sarili sa table. Nang makita niyang tinignan siya ni Mikay ay lumapit na siya at inilapag ang dala niyang maligamgam na tubig at isang kape.

"Here's your coffee Ma'am. Inumin nyo na habang mainit pagkatapos isunod nyo na rin yung gamot."

"Okay. Thank you... Shaun." ani Mikay. Kinuha ni Mikay ang kanyang mug.

"Dahan-dahan lang, mainit Ma'am." paalala ni Shaun sabay talikod.

She's calling my name again. Yes!
Ngumiti si Shaun.

"Marami bang sugar ang inilagay mo?" tanong ni Mikay kay Shaun. Nakahanda na sana siyang inumin 'yon pero naalala muna niyang itanong.

"No Ma'am... hindi po 'yan matamis." nakangiting sagot ni Shaun kay Mikay.

"Okay." ani Mikay. Hihigop na sana siya nang mapatingin siya kay Shaun na nakatingin pa rin sa kanya. "Thank's again. You may go."

Now It's MY TurnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon