CHAPTER: 16 (Changes In Me)

19.4K 596 82
                                    


NAKATAYO si Shaun sa harapan ni Mikay. Tinawag kasi siya ni Mikay pero hindi pa nito sinasabi sa kanya ang sadya nito dahil nag-aayos ito ngayon ng buhok.

Pang-limang araw na niyang nakakasama si Mikay at 5 araw na rin siyang nahihilo sa mga inuutos ni Mikay sa kanya... pero tinitiis niya. Pinagpapasalamat pa rin niya na lalaki siya dahil naisip niya na kung sakaling naging babae pala siya ay siguradong masakit na ang mga paa niya dahil sa isinusuot na mga sapatos ng isang office girl.

"Sandali lang ha." sambit ni Mikay. Sinuklay suklay niya ng kanyang kamay ang kanyang buhok.

"Okay lang po Ma'am." tugon ni Shaun. Titig na titig siya sa itsura ni Mikay habang iniipon nito ang buhok para ipusod.

Sh*t! Paganda siya ng paganda araw-araw!Napapalunok si Shaun habang nakatingin kay Mikay

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Sh*t! Paganda siya ng paganda araw-araw!
Napapalunok si Shaun habang nakatingin kay Mikay.

Nang matapos sa pagpusod ng buhok si Mikay ay tinignan niya si Shaun, umiwas naman ng tingin si Shaun gaya ng madalas mangyari.

Umikot si Mikay sa malaki niyang office table, binuksan niya ang drawer doon at kinuha ang isang cd at isang brown envelope.

"Ako mismo ang gumawa nito para sa Marketing Department. Hindi ko kasi nagustuhan yung ipinakita ng head nila sa akin kahapon." sabi ni Mikay, inabot niya iyon kay Shaun. "Give it to them."

"Okay Ma'am... Marketing." tumango si Shaun. Aalis na sana siya pero bigla siyang tinawag ni Mikay. "Yes Ma'am?"

"Pakikuha na rin yung new sample brochure sa kanila Mr. Santillan. Bring that to me, aalis ako ngayon at kailangan nasa akin na yung brochure na 'yon." ani Mikay, sabay upo sa kanyang upuan. Tumango naman si Shaun at naglakad na palabas, dahan-dahan pa nitong isinara ang pintuan. "I need that before i go." habol ni Mikay.

What now Shaun? Pagod ka na ba? Okay lang 'yan, atleast kahit pinahihirapan kita may sasahurin ka naman! May karapatan ako, im your boss!

"Hanapin mo ako... kailangang ibigay mo sa akin ang hinihingi ko." sabi ni Mikay. Ngumiti siya, kinuha niya ang kanyang cellphone sa ibabaw ng kanyang table, maging ang kanyang bag at lumabas rin ng pintuan.

Makalipas lang ang ilang minuto, bumalik na si Shaun. Dala na rin nito ang sample brochure na pinakukuha ni Mikay. Nagtataka siya dahil hindi niya nadatnan sa opisina si Mikay.

"F*ck! Where did she go? Bakit wala na yung gamit niya?" nagtatakang sabi ni Shaun. Nagmadali siyang lumabas ulit.

Nakalimutan ba niya 'to? Akala ko ba hindi sya aalis hanggat hindi niya 'to dala? Sh*t! Saan ko sya hahanapin ngayon?!

Now It's MY TurnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon