CHAPTER: 13 (Misha Kailey Yuzon)

21.3K 682 57
                                    

After 7 years...

"LADIES and gentlemen, i would like to present to you the new President of the Y.Cosmetics Group... my daughter Misha Kailey Yuzon."

Nasa taas sina Mommy Kara na siyang Chairwoman ng Y.Cosmetics Group, inilahad niya ang kanyang kamay sa palapit na si Mikay.

Inilibot ni Mikay ang kanyang paningin kasabay ng matamis na ngiti sa mga taong nandoon sa paligid. Nagpalakpakan ang lahat at ang kanilang atensyon ay nakasentro lamang kay Mikay.

Nakita ni Mikay si Yaya Tina at si Bernadette na magkatabi. Kinawayan niya ang dalawa na nasa ibaba at kapwa nakangiti ang mga ito sa kanya.

Nagbigay ng maikling mensahe si Mikay at pagkatapos ay bumaba na siya para paunlakan at kamayan ang mga bumubuo ng Y.Cosmetics. Isa-isang kinamayan ni Mikay ang mga lumapit sa kanya kabilang na rin ang mga miyembro ng board of directors.

"You're so lucky to have such a beautiful and very intelligent daughter." sambit ng Mommy ni Bernadette na bestfriend ni Mommy Kara, si Mrs. Medina. "At her young age sinong mag-aakala na siya na ngayon ang bagong Presindente ng Y.Cosmetics." anito pa pagkatapos ay sinulyapan si Mikay.

Isa si Mrs. Medina sa bumubuo ng board of directors ng Y.Cosmetics. Ang anak naman nitong si Bernadette ay young COO na ngayon ng nasabing kumpanya. Naging katuwang na ng pamilya ng mga Yuzon ang mga Medina sa pamamalakad ng Y. Cosmetics. Mas lalo pang namamayagpag ngayon ang grupo dahil sa sunod sunod na pagtanggap ng kanilang produkto sa merkado.

"She never fails to make us proud. Kahit sa ibang bansa sya nagtapos ng pag-aaral nya gumraduate pa rin sya with honors." masayang sabi ni Mommy Kara. Parehas silang dumungaw sa ibaba kung saan nandoon si Mikay.

Isang buwan matapos maka-graduate noon si Mikay ng highschool sa Fontella High ay sa California na siya tumira

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Isang buwan matapos maka-graduate noon si Mikay ng highschool sa Fontella High ay sa California na siya tumira. Doon siya nanirahan sa bahay nila sa America kasama pa rin si Yaya Tina. Pinili niyang doon ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral at doon na rin siya nakapagtapos. Iginugol niya ang kanyang atensyon sa Standford University hanggang sa makamit niya ang degree of M.B.A o Master of Business Aministration.

Kasabay ng pagpupirsigi niya sa kanyang pag-aaral ay ang unti unting pagbabago ng kanyang sarili. Ibang-iba na ang itsura niya ngayon kung ikukumpara sa itsura niya 7 taon na ang nakakalipas.

Iyon ay dahil sa kagustuhan niyang magbago.

Napakakinis na ngayon ng kanyang mukha na hindi mo aakalain na halos matabunan na noon ng mga tagyawat. Alam na alam na rin niya ngayon kung paano mag-ayos at magpaganda ng kanyang sarili na malayong malayo sa Mikay noon na laging concious sa kanyang itsura at sa kung anong damit ang dapat suotin. Daig pa niya halos ang mga professional make-up artist. Alaga siya sa facial at mga beauty products na gawa din mismo ng Y.C. Natural naman na maputi ang kanyang balat pero gayon pa man nakasanayan na niyang maligo ng may gatas sa bathtub.

Now It's MY TurnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon