CHAPTER: 28 (I Love You)

13.7K 486 81
                                    


MAGKATABI lang sina Hero at Mikay sa back seat ng kotse. Naunang bumaba si Hero para alalayan niyang bumaba si Mikay. Hindi pa man nasasayad ni Mikay ang kanyang mga paa sa lupa ay nakuha agad ng malaking bahay ni Hero ang atensyon niya.

Inabot ni Hero ang kanyang kamay at kinuha naman iyon ni Mikay. "Thank you." pasasalamat niya habang nakatingala sa malaking bahay.

"Kumain na muna tayo nagpahanda ako ng maraming pagkain. Gusto ko tikman mo 'yon lahat ha." ani Hero kay Mikay.

"Lahat talaga?" bahagyang hinampas ni Mikay ang braso ni Hero pagkatapos ay inilinga ang tingin sa paligid ng kanilang nilalakaran. "Parang-"

"May nagbago?" dugtong agad ni Hero. Tumango naman si Mikay. "Akin na ngayon ang bahay na 'to. Ibinigay na sa akin ng Mom ko. Dito na rin ako tumutuloy, maraming nabago kasi pinaayos ko siya. Actually hindi pa siya tapos... may ginagawa pa sa likod katapat ng pool." kwento ni Hero.

"Pwede bang silipin muna natin 'yon?" excited na sabi ni Mikay.

"Sure."

Naglakad sila sa gilid ng bahay papunta sa likuran. Nabighani si Mikay sa kanyang nakita. Mayroong isang maliit na gate doon at makikita ang isang pambatang libangan. May seesaw, swing, slide at mga pangkaraniwang makikita sa isang playground.

"P-Playground?" sambit ni Mikay.

"Yeah... para 'yan sa mga pasyente kong bata na dinadalaw pa ako dito sa bahay." nakangiting tugon ni Hero. "And advance na rin para sa magiging future daughter and son ko." dagdag ni Hero.

Biglang pinamulahan ng mukha si Mikay.
Mukhang mahilig siya sa mga bata, nakakatuwa naman.

"Sorry ha, dito na naman kita dinala. Mas gusto ko kasi ng private lang para mas magkapagusap tayong dalawa." biglang sabi ni Hero.

"It's okay, kahit naman ako... mas gusto ko yung tahimik lang." nakangiting tugon ni Mikay.

Pumasok na sila sa loob, sinalubong ng tatlong katulong si Hero. Ipinahanda na nito ang kanilang kakainin para sa hapunan, agad namang sumunod ang mga katulong.

"Ang dami namang pagkain, may iba pa bang dadating?" tanong ni Mikay habang nakatingin sa nakahain sa hapag.

"Tayong dalawa lang."

"Huh?" napataas ang dalawang kilay ni Mikay. "This is too much. Ikaw ha! H-Hindi ako kumakain ng marami sa gabi."

Biglang iniurong ni Hero ang kanyang upuan sa tabi ni Mikay. "Kung hindi ka kakain mapipilitan akong subuan ka." anito habang nakangisi.

"Hero." lumabi si Mikay. "Gusto mo akong tumaba ulit."

"Wala namang problema sa akin 'yon eh. Ang mahalaga... busog ka." biro ni Hero sabay labas ng kanyang mga ngipin.

"Hindi na ako sanay kumain ng marami hindi gaya noon na para akong nasa handaan lagi. Haha!" natatawang sabi ni Mikay.

"Hindi ko naman sinabi na ubusin mo. Just eat." ipinaglagay ni Hero ng gulay si Mikay.

"Thank you." ani Mikay habang nakatingin sa mga pagkain.

Now It's MY TurnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon