CHAPTER: 22 (Dinner Date)

16.2K 483 73
                                    


EXCITED ngayong araw si Shaun. Balak niya kasi sanang yayain lumabas ngayon si Mikay dahil araw naman ng Sabado.

Kanina pa nagbabalak bumwelo si Shaun para tawagan si Mikay pero nag-aalangan pa siya kung paano ba niya ito yayayaing lumabas. Nang magkaroon na ng lakas ng loob ay hinawakan na niya ang kanyang cellphone at tinawagan na ang numero ni Mikay.

Ilang ring ang narinig ni Shaun bago iyon sinagot ni Mikay.

"Hello?" sagot agad ni Mikay. "Babe?"

Wew! Sh*t naman! Ang sarap pakinggan kapag Babe ang tawag niya sa akin.
Ngumisi agad si Shaun.

"Hello Babe... good morning." nakangiting bati ni Shaun.

"Good morning Babe." bati rin ni Mikay sa malambing na tono.

Yeah! It's real... God! She's mine!
Sigaw ni Shaun sa kanyang isipan.

"B-Babe... can we go out tonight?"

Saglit na natahimik si Mikay sa kabilang linya. Kinabahan tuloy si Shaun na baka hindi nagustuhan ni Mikay ang ginawa niyang pagyaya dito.

"Sorry Babe, ano ulit iyon? Kumuha kasi ako ng water." sabi ni Mikay sa kabilang linya.

"I want to see you Babe." sambit ni Shaun, huminga siya bago sinundan ang kanyang sasabihin." Can we go out tonight? A dinner date."

"A dinner date? Hmmm... Okay Babe. I actually wanted to go out with you." tugon ni Mikay.

Nagulat si Shaun dahil hindi niya inaasahan na sasabihin ni Mikay na gusto talaga nito lumabas. Naibulong niya bigla ang salitang "Yes"

"So i'll pick you up at 6:00pm?"

"Hindi mo naman alam kung saan ang house namin Babe." ani Mikay sa kabilang linya.

"Sa Verdana pa rin naman 'di ba? Aagahan ko nalang Babe para maipagtanong ko." sagot ni Shaun. Lalaong lumaki ang ngiti sa kanyang labi.

"Okay then Babe. I'll see you later." malambing na sambit ni Mikay.

Wooh! Shaun swerte ka pa rin talaga!
Ngumisi si Shaun.

"Okay Babe... see you." inilipat ni Shaun ang cellphone sa kabilang niyang tenga. "Ah... Babe, i love you." nakapikit na sinabi ni Shaun.

"I love you too Babe." balik ni Mikay.

Narinig ni Shaun na ibinaba na ni Mikay ang tawag niya. Nahalikan ni Shaun sa tuwa ang kanyang cellphone.

"Ang gwapo mo talaga Shaun. Iba ka! Haha!" papuri ni Shaun sa sarili.














NAKASILIP si Mikay sa kanyang bintana. Nakita niya ang isang kotse na tumigil sa tapat ng gate. Alam niyang iyon ay kotse ni Shaun. Makahulugang ngiti ang sumilay sa labi ni Mikay. Lumayo na siya sa kanyang bintana at muling umupo sa kanyang vanity mirror.

Ang laki ng pagkakaiba noon at ngayon Shaun. Lalo mong ipinaramdam sa akin na ikinahihiya at ayaw mong makasama ang dating ako.

Kinuha ni Mikay ang red lipstick na paborito niya at pinasadahang muli ang kanyang labi.

"Lalasunin kita mismo ng kagandahang ninanais mo."

Now It's MY TurnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon