CHAPTER: 36 (Hug You 'Till Morning)

12.9K 419 38
                                    

(A/N)
Karamihan ng pictures/clips na nilalagay ko ay hindi akma or it's either iba yung babae or yung lalaki. Pero pinipili ko talaga yung angle na tama para naman mas ok tignan. Ginagawa ko 'yon para mas maenjoy niyo ang pagbabasa.
And again, if ever may naencounter kayo na umuulit yung mga lines, just kindly refresh your libraries or try niyo rin mag-log-in and out.

HAPPY READING!
RED❤️



HUMIKAB si Hero. Tila mas nakaramdam siya ng pagod kaysa kay Jake na kanina pa nagpapaikot-ikot sa sala dahil sa paglalaro ng de-remote na kotse na ibinili dito ni Mikay.

Napansin ni Hero ang pagtunog at pag-ilaw ng cellphone niya na nasa tabi ng nakasandal niyang gitara. Hindi pa niya nadadampot iyon para basahin ang pumasok na text ay sinundan agad iyon ng isang tawag.

"Yes Momsy?" bungad ni Hero sa pagsagot sa tawag ng kanyang Manager.

"Are you free tomorrow? May biglaan kasing invite sa'yo sa Radio4U." anang 45 years old na Manager ni Hero na si Ms. Cathy.

Saglit na napaisip si Hero. Nakita niya na nakangiti habang nakatingin sa kanya si Mikay. "Momsy hindi ba pwedeng i-move 'yon? I want to, kaya lang kasi gusto ko sanang mag-relax relax muna hanggang bukas. There are things that i want to do."

"It's okay Hero, i will resched nalang... walang problema kasi madali lang 'yon."

"Thank you Momsy." masiglang sambit ni Hero.

"Okay, take your time to relax. Masyado ka ngang naging busy this past few days and i think kailangan mo muna talaga ng break." may pag-aalala rin sa tono ni Ms. Cathy.

"Salamat po Momsy. Thank you so much." todo ang pagngiti ni Hero.

"Okay Hero... bye." pagpapaalam ni Ms. Cathy pagkatapos ay ibinaba na rin ang tawag.

Agad nakita ni Hero ang paglapit sa kanya ni Mikay. Inalis ni Hero ang kanyang gitara para paupuin si Mikay sa kanyang tabi.

"What's behind that smile?" tanong agad ni Mikay kay Hero pagkaupo niya sa tabi nito.

"You don't need to ask, alam mo naman ang sagot." tila nagningning ang mga mata ni Hero habang nakatingin kay Mikay.

"Nope." lumabi si Mikay. "Tell me."

"Beacuse i have a perfect life." kinuha ni Hero ang kamay ni Mikay. "You complete me."

Nahiya bigla si Mikay kaya iniwas niya ang kanyang paningin. "Alam ko sa mga puno lang may antik, bakit pati dito meron?" biro ni Mikay sabay pasimpleng tingin kay Hero.

"Tatawa na ba ako Nan?" seryoso lang ang mukha ni Hero.

Sumeryoso din ang mukha ni Mikay. "Ay hindi... umiyak ka!"

"Bakit iiwan mo na ba ako?"

Kumunot ang noo ni Mikay. "Iiwan?"

"Sabi mo kasi umiyak ako." sumimangot si Hero.

"Tatawa na ba ako Mot?" panggagaya ni Mikay kay Hero. Mula sa seryosong mukha ay napangiti silang parehas.

Now It's MY TurnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon