CHAPTER: 21 (Her Next Step)

16.8K 542 92
                                    


KUMABOG ang dibdib ni Shaun. Alam na naman niya ang totoo pero iba pa rin pala talaga ang dating sa kanya kapag kay Mikay na mismo nanggaling ang sagot.

Hindi agad naka-imik si Shaun nakatingin lang siya sa nakatalikod na si Mikay. Hahakbang sana siya para pumunta sa harapan ni Mikay dahil nakatalikod ito pero biglang itinaas ni Mikay ang kanyang kamay para talaga pigilan si Shaun.

"Don't make any steps." sabi ni Mikay na hindi pa rin humaharap kay Shaun.

"Mikay-"

"Mikay?" humarap si Mikay kay Shaun. Nagpang-abot ang kanilang mga mata. "I'm still your boss. I'm just reminding you."

"I know, but..." tinitigan lang ni Shaun ang mukha ni Mikay at hindi na itinuloy kung ano man ang sasabihin niya.

"What?" itinaas ni Mikay ang kanyang kilay.

Umiling si Shaun. "Nothing... it's just that-"

"Haha! I know... alam ko naman eh. Hindi lang naman ikaw ang may unang reaksyon na ganyan after nilang malaman na ako si Mikay. Yeah right! Akong-ako ito." ani Mikay. Hinawakan niya ang dulo ng kanyang buhok at inikot-ikot iyon sa kanyang daliri.

Inilagay ni Mikay ang hintuturo niya sa dibdib ni Shaun. Hindi niya inalis ang kanyang daliri habang sa dahan dahan niyang iniikutan si Shaun. Si Shaun naman ay hindi kumikilos, nanatili siyang tila tuod na nakatayo lang ng diretso.

Tumigil si Mikay nang makatapat ulit siya kay Shaun. Napansin niya nakayuko na ito. "Hey... bakit ang tahimik mo yata? Totoo ako. Hindi ka ba makapaniwala? Look at me." itinaas ni Mikay ang baba ni Shaun paharap sa kanya.

"Mikay." sambit ni Shaun paiwas iwas ang kanyang mga mata at hindi maidiretso ang tingin kay Mikay.

"I said... look at me."

Pinilit tumingin ni Shaun ng diresto kay Mikay kahit tila nakakaramdam siya ngayon ng panlalamig. Pakiramdam niya rin ay nahihirapan siyang huminga dahil sa titig ni Mikay sa kanya.

"Hey relax. I'm real... Babe." kinuha ni Mikay ang kaliwang kamay ni Shaun at inilagay sa pisngi niya. Ngumiti si Mikay.

She just call me... Babe??
Tila may tumalon sa dibdib ni Shaun.

Hindi inalis ni Mikay ang kanyang kamay sa kamay ni Shaun na inilagay niya sa kanyang pisngi. Napansin ni Mikay ang malalim na paghinga ni Shaun. Nang ialis niya ang kanyang kamay ay ngumiti siya nang manatili pa rin ang kamay ni Shaun sa kanyang pisngi.

Ano ka ngayon Shaun? Para kang tuod sa harapan ko. Bakit natitigilan ka? Napipi ka na ba? Speak up!

"I'm sorry." sambit ni Shaun pagkatapos ay ibinaba na rin ang kanyang kamay.

"For what? Anyway... i'm sorry dahil tinawag kita ng Babe. Haha! Binibiro lang kita masyado ka kasing tahimik."

"It's okay... i mean, never mind."

Sumeryoso ang mukha ni Mikay. Hinawakan niya ang kurbatang suot ni Shaun at nilaro-laro iyon. "You can call me whatever you want... iyon ay kapag wala tayo sa trabaho." mahinang sabi ni Mikay sabay tingin sa mga mata ni Shaun.

Napakurap si Shaun. Nagulat siya sa sinabi ni Mikay. Tinignan niya ang kamay ni Mikay na nakahawak sa kanyang kurbata. "B-Bakit?"

"Bakit? Really? Tinatanong mo ako kung bakit? Haha!" natatawang sabi ni Mikay. Humigpit ang kapit niya sa kurbata ni Shaun at naramdaman iyon mismo ni Shaun. "Because i want to. May masama ba 'don?"

Now It's MY TurnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon