CHAPTER: 23 (If Only)

15K 505 69
                                    


BUMUKAS na ang elevator, itinaas ni Mikay ang kanyang mukha at saka humakbang na palabas.

"Good morning Ma'am President." nakangiting bati ng nakasalubong niyang babaeng empleyado.

"Good morning." balik ni Mikay.

Dumiretso na agad si Mikay sa kanyang opisina. Bubuksan palang niya ang pinto nang magkusang bumukas iyon. Nakangiting mukha ni Shaun ang sumalubong kay Mikay.

"Hi Babe. Good morning." bati ni Shaun kay Mikay.

Nilagpasan ni Mikay si Shaun, agad niya munang ibinaba ang kanyang bag sa kanyang table bago niya hinarap si Shaun.

"Why are you here?" tanong ni Mikay. Naalala niya ang pintuan na naguugnay sa kanilang opisina, napatingin siya doon pagkatapos ay tinignan niya ulit si Shaun. "Hindi mo naintindihan yung sinabi ko sa'yo."

"Babe?" nakakunot ang noo ni Shaun.

"Babe?? I told you, i'm still your boss and the President of this company. Akala ko naintindihan mo ang naging pag-uusap natin?" umikot si Mikay sa table at saka umupo sa kanyang swivel chair. "Walang sino man ang dapat makaalam. Lalo na dito sa Y.C."

Bakas sa mukha ni Shaun ang pagkagulat sa seryosong sinabi ni Mikay.
Akala ko... ayos ang lahat sa amin. Ang weird, ano 'to?

"You are here in my office... act accordingly."

Seryoso ang mukha ni Mikay. Inilabas niya ang kanyang cellphone at ipinatong rin iyon sa kanyang table. Tahimik lang si Shaun habang nakatingin kay Mikay samantalang si Mikay ay nagsimula ng buksan ang kanyang laptop.

"Do you have anything to say?" tanong ni Mikay habang nakatingin sa screen ng laptop.

"Nothing... M-Ma'am." sambit ni Shaun.

Tumalikod na si Shaun ng may pagtataka pa rin sa kanyang isipan. Lumabas pa siya ng opisina ni Mikay at umikot papunta sa main door ng kanyang work place. Naintindihan naman niya yung sinabi ni Mikay na walang sinuman ang dapat makaalam ng kanilang relasyon. Subalit, ang hindi niya maintindihan ay kung bakit masyadong seryoso sa bagay na iyon si Mikay lalo na at dalawa lang naman sila sa opisina kung kaya malaya naman silang magtawagan sa kanilang endearment na "Babe".

Umupo na si Shaun. Sinulyapan niya si Mikay na seryoso lang na nakaharap sa laptop nito.

"This is kinda weird, really... pero okay lang. Masasanay din ako." mahinang sabi ni Shaun habang nakatingin pa rin kay Mikay.

Habang nakaharap sa laptop ay dahan-dahang napangiti si Mikay.
Trabaho muna Shaun huwag kang puro kalandian. Kung ikinahihiya mo noon na nilalapitan kita pwes ganoon din ako ngayon. You should know your position, dyan ka lang at huwag kang masyadong mag-feeling!

Tumunog ang cellphone ni Mikay. Sinilip niya kung kanino galing ang text na kanyang natanggap. Naningkit ang mata niya nang makita niya na galing iyon kay Shaun. Nilingon niya si Shaun, nakita niyang nakangiti ito.

*Babe... you're so beautiful today, well as always. I love you- SHAUN*

Ibinaba ni Mikay ang kanyang cellphone. Tinawagan niya si Shaun gamit ang telepono.

Now It's MY TurnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon