CHAPTER: 32 (Kiss)

12.5K 438 50
                                    


NAKATINGIN lang si Mikay sa mukha ni Shaun. Nakita niyang sinusuyod ng mga mata nito ang lahat ng parte ng kanyang mukha.

"Napakaganda mo... maswerte ako dahil nandito ka ngayon, kasama ko." mahinang sambit ni Shaun habang nakatitig sa mga mata ni Mikay.

Tahimik lang si Mikay. Pinipilit niyang pakalmahin ang kanyang sarili dahil kinakabahan siya. Naiilang siya dahil iniisip niya na maaari ano mang oras ay baka halikan siya ng lalaking isinumpa niya sa kanyang sarili na gagantihan niya.

Napakunot ang noo ni Mikay dahil biglang kumalas sa pagkakayap sa kanya si Shaun. Kumapit ito sa sementadong hawakan at pagkatapos ay dumungaw sa ibaba.

"I LOVE YOU MISHA KAILEY YUZON! I LOVE YOU! I LOVE YOU! I LOVE YOU!"

Sa sobrang lakas ng sigaw ni Shaun ay tila nag-bounce-back ang boses nito sa buong resort. Dahil sa pagkagulat ay hinatak agad ni Mikay si Shaun palayo sa dungawan.

"Babe ano ka ba, nakakahiya." ani Mikay habang nakahawak sa mga braso ni Shaun.

"Nakakahiya?" umiling si Shaun habang nakangiti kay Mikay. "There's nothing to worry about. Malayo tayo sa kanila... kahit dito manlang maiparating ko sa iba na mahal kita."

Nababaliw ka na!
Tinignan lang ni Mikay ang nakangiting si Shaun.

"Kaya kong magtiis basta para sa'yo." mahinang sambit ni Shaun.

Pinadulas ni Mikay ang mga kamay niya na nakahawak sa mga braso ni Shaun papunta sa mga kamay nito. Isinalikop niya ang kanilang mga daliri at mataman niyang tinignan ang ngayon ay seryosong mukha ni Shaun.

"I know you can." nginitian ni Mikay si Shaun.

Biglang bumitaw si Shaun kay Mikay at dumungaw na naman ito. Nagulat si Mikay, mukhang alam na niya kung ano na naman ang binabalak na gawin ni Shaun. "I LOVE YOU MI–"

Natigil ang sasabihin ni Shaun nang hilahin na naman siya pabalik ni Mikay. Sa 'di inaasahang pangyayari ay napalakas ang hila ni Mikay kay Shaun dahilan para ma-out of balance silang dalawa.

Mabuti nalang at napatindig agad si Shaun. Nasalo niya sa may bewang si Mikay. Napa-bend ang katawan niya habang titig na titig si Shaun sa kanya. Nakaramdam ng kaba si Mikay.

Sa puntong iyon ay walang kurap na inilapit ni Shaun ang kanyang mukha kay Mikay. Naramdaman na ni Mikay ang pagdikit ng matangos na ilong ni Shaun sa kanya.

Mahal kita Hero! Mahal na mahal kita!
Pangalan ni Hero ang isinigaw ni Mikay sa kanyang isipan pagkatapos ay unti-unti niyang ipinikit ang kanyang mga mata.

(NP: Jar of Hearts)

Naramdaman ni Mikay ang paglapat ng labi ni Shaun sa kanyang labi. Una ay lumapat lang iyon pero ang kasunod ay naramdaman na ni Mikay ang kagustuhan ni Shaun na gantihan niya ang paghalik na pinapamalas nito sa kanya ngayon.

"Please Babe... kiss me back." mahinang sambit ni Shaun. Itinayo ni Shaun ng maayos si Mikay pero hindi nito inaalis ang labi sa kanyang labi.

Dahan-dahang ibinuka ni Mikay ang kanyang labi para pagbigyan ang hiling ni Shaun. Gusto niyang maiyak pero nilakasan nalang niya ang kanyang loob. Hindi niya tinangkang dumilat nang sa ganoon ay hindi niya makita ang mukha ni Shaun at sa halip ay isipin niya na si Hero ang lalaking umaangkin ng labi niya ngayon.

Now It's MY TurnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon