CHAPTER: 29 (Endearment)

12.7K 414 70
                                    


"PWEDE bang sagutin mo na yung tanong ko? Please?"

Kinukulit pa rin ni Mikay si Hero tungkol sa pangalan nito pero panay ngiti lang ang isinasagot ni Hero kay Mikay.

"Importante pa ba talaga 'yon?"

"Oo naman, importante sa akin 'yon." lumabi si Mikay. Tumabi siya kay Hero, gaya nito ay sumandal siya sa kama.

"Okay." hinalikan ni Hero ang kamay ni Mikay pagkatapos ay iniurong ang kanyang puwitan. "Can i lay my head on your lap?" nakangiting tanong ni Hero.

Humawak si Mikay sa balikat ni Hero at siya na mismo ang naghiga kay Hero sa kanyang hita. Masuyong hinawi ni Mikay ang buhok ni Hero pagkahiga nito sa kanya.

"My Mom... she was the one who gave my name." panimula ni Hero. Kinuha niya ang kamay ni Mikay at pinisil pisil iyon. "Nagsimula ang lahat ng magkakilala ang Mom at ang Dad ko. Ang Dad ko lang ang first and last love ng Mom ko. College sila noon, patawid na ang Mom ko nang muntikan na siyang mahagip ng isang bus... kundi hinila noon ng Dad ko ang kamay ng Mom ko mula sa likuran niya malamang walang Hero Andrade ngayon." isinalikop ni Hero ang kanyang kamay sa kamay ni Mikay.

"And then?" excited na tanong ni Mikay.

"That's it." ngumisi si Hero.

"Huh? Iyon lang? Naman eh! Hindi naman nasagot yung question ko." dinakma ni Mikay ang ilong ni Hero saka pinisil iyon.

Iniwas ni Hero ang kanyang mukha kay Mikay, pinipigilan niya rin ang pagdikit ng kamay ni Mikay sa ilong niya habang tumatawa.

"Madaya ka!" kinurot ni Mikay ang tagiliran ni Hero kaya napabangon bigla si Hero.

"Aray! Haha!" anito habang tumatawa pa rin. Nakita ni Hero na nakasimangot na si Mikay kung kaya't tumigil na siya sa pagtawa.

Sumeryoso ang mukha ni Hero matapos niyang makita na nakasimangot na si Mikay. Umurong siya at pagkatapos ay inilagay ang kanyang mga kamay sa magkabilang pisngi ni Mikay. Dahan-dahan niyang pinangiti ang bibig ni Mikay.

"Ayoko ng nakasimangot ka." mahinang sambit ni Hero.

"Ikaw kasi eh." bumalik ang simangot sa mukha ni Mikay.

Tinitigan ni Hero si Mikay pagkatapos ay unti-unti niyang inilapit ang kanyang mukha. Ginawaran ng masuyong halik ni Hero si Mikay sa kanyang labi.

 Ginawaran ng masuyong halik ni Hero si Mikay sa kanyang labi

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"I was just joking. Hindi pa tapos ang kwento." ngumiti si Hero. Muli siyang humiga sa mga hita ni Mikay at kinuha nito ulit ang kamay niya.

Napaka-sweet niya. Hay! Ganito pala ang pakiramdam ng may nagmamahal sa'yo.

"My Dad died, mag-iisang buwan after ako ipanganak." seryosong sabi ni Hero. Biglang lumukot ang mukha ni Mikay dahil nakaramdam siya ng pagkirot sa kanyang dibdib.

Now It's MY TurnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon