Monday morning
Lahat pagod mula sa byahe kaninang madaling araw lang sila umuwi ng maynila.
Sina Jovz naman sa bahay muna dumiretcho mamayang hapon pa naman kasi ang flight ni Rachelle.Inihanda na lahat ni Jovz ang mga gamit nina Lexi at Rachelle. Minsan hindi maiwasan ni Jovz na magisip na maaring magbago ang isip ni Rachelle sa loob nang isang linggo lalo na silang tatlo nina Chris ang magkakasama.
Rachelle: Jovz....para ayokong umalis nang hindi ka kasama. Mamimiss ka naman ni Lexi nyan.
Yakap nito nang mahigpit kay Jovz mula sa likuran nito. Humarap si Jovz sa kanya at mas hinigpitan naman ni Jovz ang yakap nya kay Rachelle.
Jovz: Mamimiss ko din kayo. Enjoy mo lang yung trabaho mo dun tsaka sulitin nyo yung pamamasyal nyo ni Lexi. Maiintindihan ko naman kung hindi ka makakatawag o makakapagtext. Basta susunduin kita pagbalik mo.
Rachelle: Napakaswerte ko talaga sayo. Lagi mo nalang akong inuunawa at inuuna sa lahat. Hon, pagbalik ko babawi ako promise. I love you Jovz.
------------
Maagang pumasok si Denisse, sina Mela at Bea mukhang malalate. Bago pumasok ng classroom nagtungo muna ito sa cr para makapag ayos. Excited kasi sya na makita si Aly matapos ang dalawang araw. Habang nanalamin dumating ang tatlong estudyante na naguusap.
Student1: Nabasa nyo naba yung post sa secret files?
Student2: tungkol kay hottie and pretty? Spotted na naman sila, alam mo ba nagbody shots sila nung nakaraang linggo sila lang dalawa ang magkasama. Grabe sila na talaga.
Student3: hindi lang iyon. Nagbatangas pa sila. Nakita ko yung picture nila sa instagram. Shocks. Bagay na bagay sila.
Puro naman chismis ang wala namang ebidensya na naghahalikan sila! Kainis! Bat ba ko naiinis eh hindi naman totoo. Ako ang mahal ni Aly and she's loyal to me. Sa isip ni Denisse.
--------
Pagkalabas ni Denisse, nainis ito sa mga narinig nya sa mga schoolmate nya. Sakto naman nang makita nyang naglalakad si Aly kausap at kasabay nya pa si Laura papuntang faculty room. Nagkatinginan lang sina Aly at Denisse. Walang bakas nang emosyon sa dalawa.
Hindi nakapasok ng sina Bea at Mela sa subject ni Aly. Kaya magisa lang si Denisse sa upuan at walang matabi. Matapos ang klase kinausap nya agad si Aly.
Denisse: Ly,...
Aly: Prof. Call me Prof Miss Lazaro. What do you want?
Nagtataka si Denisse kung bakit ganon nalang sya kausapin ni Aly, mas malamig pa sa yelo.
Aly: Miss Lazaro?? May klase pa ko.
Iniwan sya ni Aly. Si Denisse naman hindi nya maintindihan kung ano ang nangyayari.
----------
Natapos ang buong araw sa school na walang pansinan na naganap kina Denisse at Aly. Wala sa mood si Denisse at pinagsusungitan nya pa sina Bea at Mela.
Napagpasyahan nyang puntahan si Aly at kausapin ito. Sa palagay ni Denisse nagtatampo lang si Aly sa kanya sa hindi pagsama sa Batangas. Nagpunta muna ito sa coffee shop para bilhan nang coffee si Aly. Paglabas nya nang coffee shop naka salubong nya si Nicole na muntik pang matapon sa kanya ang dalang coffee nito sa kanya.
Nicole: Oops..Denisse dahan dahan...nagmamadali ka.
Denisse: pasensya kana..
Napansin ni Nicole ang pangalang nakasulat sa coffee.
YOU ARE READING
whirlwind romance ft. alyden bara
Fanfictionft. alyden, bara, fatunay, gonzaquis,fillchen, bdl, cha cruz