Unang araw na pagtira ni Bang sa bahay ni Vic. Gumawa nalang sya ng dahilan para makapag paalam sya sa mga kapatid sina Kim at Jovz na bahala sa mga kapatid ni Bang pero may araw naman syang pwd nyang bisitahin ang pamilya kahit kaunting oras lang. Nung una ngtataka pa si Joshua, dahilan nalang ni Bang nalipat sya ng branch at sa katrabaho ito tutuloy para makatipid ng pamasahe.
Si Vic naman naghihintay sa pagdating ni Sasha. Narinig nya ang pagpihit ng pinto alam nyang si Sasha na ito, binigyan sya ng duplicate key ni Vic.
Vic: 8 in the morning...aga mo? Missed me?
Sasha: San kwarto ko??
Vic: katapat ng kwarto ko...para mas malapit ka sakin...
Umakyat na sila sa taas dala ang isang maleta at isang backpack na gamit ni Sasha. Pagbukas ng kwarto nagulat si Sasha sa pagkakaayos ng kwartong tutuluyan nya. May sarili din syang Lcd tv, study table, may laptop at may isa ding maliit na ref. At sa bookshelf mga libro na magagamit nya sa pag aaral nya.
Vic: you like it???
Sasha: thanks..sobra sobra na to..Vic
Vic: let's have breakfast first before we fix your stuff.
After nilang mgbreakfast, tumayo si Sasha para ligpitin ang kanilang kinainan. Ayaw sana ni Vic pero ngpimilit ito. Pagkatapos mghugas ng mga plato dumiretcho sila sa kwarto ni Sasha para ayusin ang gamit nito.
Sasha: konti lang naman to kaya ko na.
Vic: sure??
Tumango si Sasha, may kinuha si Vic sa kanyang bulsa. At iniabot kay Sasha ang isang car key.
Vic: here...take it. Pls.....my condition no. 3???
Walang nagawa si Sasha kundi kunin ang susi ng kotse. Hindi nya alam kung matutuwa sya sa mga pinapakita ni Vic sa kanya o manliliit sya sa kanyang sarili.
Sasha: ahm Vic mamaya aalis ako may kailangan akong asikasuhin babalik din ako agad.
Vic: sure..basta babalik ka ng dinner okay? Gusto ko lagi tayong sabay kumain? Wait...
Lumabas ito mg kwarto ni Sasha, pagkabalik may dala syang maliit na paper bag at iniabot ito ni Vic.
Sasha: ano na naman to!!?
Pagbukas ni Sasha ng paper bag isang iphone 6 at sim card.
Sasha: Vic....may phone naman ako hindi ko na kailangan to...
Vic: just take it...naka line na yan...gusto ko gamitin mo yan..condition no. 3.
Sasha: control freak...
Habang naka taas ang isang kilay ni Sasha. Natawa nalang si Vic habang nakatayo sa edge ng kama at ang kamay nito na nakabulsa.
---------------
Sinundo naman ni Bang si Kim para pumunta sa ospital, ilang araw nalang maooperahan na ang nanay nito. Bumili na din sya ng mga kakailanganin nila sa ospital. Salitan din ang mga mgkakapatid sa pagbabantay sa ina, malaking tulong din ang tita nila na sya namang ngbabantay pag may pasok sila sa mga eskwela.
Kim: bigay ni Vic???wow audi a3.
Bang: Oo....ayaw ko sana wala naman akong magawa ayaw naman nya kong magtaxi kung hindi ko rin daw naman gagamitin hahatid nya ko. Kainis!!
Kim: pala nasabi ko na kay madam na hindi ka muna papasok ng dalawang buwan. Ayun medyo nalungkot, naintindihan naman nya daw. Basta kung kelan mo daw gustong bumalik welcome ka daw anytime.
Bang: salamat Kim ah..tara na.
Pagkapark ni Bang agad nyang kinuha ang phone na ibinigay ni Vic at tinawagan nya ito. Si Kim naman, kinuha ang mga pinamili nila sa compartment.
YOU ARE READING
whirlwind romance ft. alyden bara
Fanficft. alyden, bara, fatunay, gonzaquis,fillchen, bdl, cha cruz