bon voyage

2.1K 62 18
                                    


Maaga palang naghanda sina Jovz, kim, Bang para sa despidida ni Fille naisipan nilang sa mismong resto bar ni Bang gagawin ang despidida.

Jovz; hoy kim na contact mo na ba si Amanda? Ilang araw ng hindi nagpapakita.

Habang si Kim naman busy sa kakatawag kay Mela na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagkakabati. At hindi rin nya sinagot ang tanong ni Jovz sabay iling ni Jovz at pinuntahan si Bang.

Bang: hayaan mo na. Alam mo naman yan pagiinis hindi ka kakausapin. At isa pa naiinis pa rin ako kay Amanda.

Ilang oras pa ay dumating ang pamilya ni Fille at pamilya ni Bang. For one night only ay ginawa muna nilang exclusive ang resto bar para kay Fille.. Sunod din dumating sina Cha, Bea, Mela at Rachelle kasama rin si Lexi.

Huling dumating sina Fille at Gretchen kasama naman ang pamilya Ho at isa pang bisita na hindi inaasahan ni Bang ay makitang kasama si Vic.

Cha: Vic si Aly?

Vic: may importanteng lakad.

Hindi alam ni Bang kung matutuwa ba sya o hindi na kasama si Vic. Napansin din nya na may hawak na bulaklak ito.

Gretchen invited Vic na sumama lalo na nasabi ni Fille na sa resto bar ni Bang gagawin ang pa despidida ng kaibigan.

Vic: so Bang you owned this pala. Nice place maganda. Ahm for you.

Inabutan ni Vic ng bulaklak si Bang nahiya pa sya na tanggapin.

Bang: uhm thank-s bo-ss..

Vic: magkakilala pala kayo nina Jovz at Kim?

Medyo kinabahan si Bang sa tanong ni Vic. Hindi sya makapag focus kung ano ang gagawin. Pakiramdam nya para syang gigisahin baka ano pa ang matuklasan ni Vic lalo na nasa teritoryo nya ito.

Cha: small world ah. So pano isang grupo nalang tayo nyan. Lahat mutual friend eh.

Napansin ni Vic ang kargang bata ni Cha.

Cha: anak ni Bang si baby Vince 2 years old.

"Sya pala ang anak ni Bang cute parang ako."

Vic: pwdng pakarga?

Binigay naman agad ni Cha ang bata. Si Bang naman nagtriple ang kaba. Kaya binulungan sya ni Jovz na magrelax. Si Kim naman binubuntutan si Mela.

Nakilala din Vic ang pamilya ni Bang. Nakipagkwentuhan pa nga ito sa ina ni Bang. Si Bang naman nakatingin kay Vic medyo malayo kasi ito sa kanila.

Kim: hoy Bangnita. Bakit ka binigyan ka nang bulaklak ni Vic?

Bang: hindi ko alam Kim. Alam mo ba madalas kaming kumain sa labas. Lagi nyang sinasabi may meeting sya tapos kami lang pala. Kim ano na gagawin ko ayokong mag assume. Shit mas mahirap pa ang sitwasyon ko ngayon kumpara noong Sasha pa ako.

Hindi na nakatiis si Bang kaya lumapit na sya kina Vic at sa nanay nito magmula kanina pa ay si Vic rin ang may hawak kay Vince ayaw umalis ng bata kay Vic.

Bang: boss Vic, nakakahiya na sayo kanina mo pa karga ang anak ko.

Bha: Anak puntahan ko muna ang mama ni Fille maiwan ko muna kayo ng boss mo.

Vic: sige po tita.

Akmang kukunin na sana ni Bang ang anak pero nakakapit ito kay Vic ayaw umalis ni baby Vince kay Vic.

Vince: mommy, mommy ayaw. Gusto dada Vic.

Nabigla si Bang sa sinabi nang anak ilang minuto palang nyang nakakasama ang bata malapit na agad ito kay Vic.

whirlwind romance ft. alyden baraWhere stories live. Discover now