.
(Flashback)
Nagising si Mela na katabi pa rin si Kim, dama nito ang init ng yakap ni Kim. Masaya sya na makitang gumigising sya na katabi ang mahal nya. Hindi nya mapigilan na muling maluha habang minamasdan nya si Kim. Nagising naman si Kim sa mahinang hikbi ni Mela.
Kim: melabs.
Napabangon si Mela at tumalikod ito kay Kim para punasan ang mukha nito dulot ng mga patak ng luha.
Mela: Kim...
Kim: hmmmm?
Mela: ang dami na natin napagdaann sa relasyon na'to Minsan iniisip ko. Kaya mo pa ba? Hindi kita pipigilan kung isang araw maisip mong ayaw mo na.
Napabangon si Kim para tabihan si Mela. Niyakap nya at hinalikan sa may pisngi. Kahit walang nangyari sa kanila ni Panaga hindi pa rin mawala sa isip ni Mela ang mga nangyari.
Kim: bakit ko gagawin yon. Sabi mo nga marami na tayong pinagdaanan, ngayon pa ba ako bibitaw? Ano ako sira? Bat ko iiwan ang taong mahal ko. Mela marami pa tayong pagdadaanan at kahit ilang beses pang masubok ang relasyon natin haharapin natin ng magkasama.
Mela: ilang beses na kitang nasaktan heto ka pa rin nasa tabi pa rin kita. Pakiramdam ko you deserved someone.
Kim: hindi ako perpekto Mela. May gusto akong sabihin sayo. May nagawa ako na alam kong ikakagalit mo. Wala sana akong balak na sabihin sayo to. Pero sa tingin ko makakatulong para mabasawan ang bigat na nararamdaman mo. Mela hindi ko sinasadya na mahalikan si
Mela: si Cyd.
Kumalas si Mela sa pagkakayakap alam ni Kim na magagalit ito. Wala naman syang balak na ipaalam kay Mela ang nangyari pero sa tingin nya baka mabawasan kahit papano ang guilt na nararamdaman ni Mela. Tatanggapin nya ang galit ng kasintahan kahit masampal man sya o hindi sya kausapin nito ay susuyuin pa rin nya si Mela dahil wala naman balak na tumigil si Kim na mahalin ang dalaga.
Dumistansya si Kim at hinhintay na humarap sa kanya ni Mela.
Mela: noon ko pa alam Kim. Simula noong nagresign ka sa firm nina Cyd at alam kong may gumugulo sayo kaya ako mismo inalam ko at si Cyd mismo ang nagsabi sakin ng mga pangyayari. Nung una nagalit ako sa ginawa mo, pero pinaintindi sakin ni Cyd na wala akong dapat ikagalit. Tama sya napigilan mo ang sarili mo dahil ayaw mo kong masaktan. Naiintindihan ko rin kung bakit hindi mo nabanggit sa akin to. Ayaw mong pagmulan to ng isang away.
Kim: melabs....
Mela: ha?
Kim: melabs naman eh hindi ka nakikinig eh sabi ko maaga tayo bukas kina Vic. Bawal tayong malate.
Mela: mmm sige. Hapon pa naman yung lakad ko aabot pa naman tayo.
Kim: san lakad mo? Tsaka napansin ko tulala ka kanina may problema ba?
Pag-aalang tanong ni Kim.
Mela: wala may naalala lang ako.
-----------------
Tanggap ni Bang na hindi na nya maiiwasan pa si Denisse. Lalo na madalas syang napapasyal sa kanilang bahay sa tuwing may oras ito at nakikipaglaro din ito sa mga bata. May mga oras na hindi talaga komportable si Bang sa tuwing sila naguusap sila Denisse. Kaya si Denisse na ang gumagawa ng paraan para mapalapit sya kay Bang.Bang: Vic...ngtxt si Denisse pupunta raw dito. Kailangan mo ba talagang umalis?
Vic: sorry babe, ikaw muna bahala kay Denisse. Uwi din ako agad.
YOU ARE READING
whirlwind romance ft. alyden bara
Fanfictionft. alyden, bara, fatunay, gonzaquis,fillchen, bdl, cha cruz