Explotion

1.3K 35 11
                                    


Nagising si Bea na nakahanda na lahat ng gagamitin nito mula sa damit na isusuot mga papers at laptop na dadalhin Ni Bea sa opisina.

Pagbaba nito maging ang almusal na inihanda ni Cha ay nakahapag na at pati ang lunch ni Bea ay maaga nyang inihanda walang isang salita ang lumabas kay Cha hanggang makaalis si Bea papuntang opisina.

Hindi makapag trabaho ng maayos si Bea hindi mawala sa isip nito kung anong meron kay Cha at hindi sya inaway o pinilit man lang kung ano ang nangyari talaga ang nangyari kahapon.

Bea: pinaparusahan na naman ba ako ng baby ko? Ito na ba yun? Hay!!!!

Napatayo ito at biglang nakabig ang lunch box nito natapon tuloy ang pagkaing inihanda ni Cha.

Mabilis nyang nilinis ang nagkalat na pagkain at itinapon sa basurahan.

Bea: maglulunch nalang ako sa baba.

Nagpa syang bumalik nalang si Bea sa kanyang office nang makita nya si Jho sa cafeteria mas mabuting maaga pa ay umiwas na ito lalo na ayaw na nyang madagdagan ang sakit nya sa ulo.

Hindi nya namalayan na sinundan pala sya ni Jho.

Nasa tapat sya ngayong ng elevator na kung saan na vip lang ang pwdng sumakay at gumamit nito.

Jho: Bea! Dyan ka nanaman nakapila db sabi ko sayo vip lang ang pwd dyan.

Pero hindi sya kinibo ni Bea at tinignan lang sya nito at muling ibinalik ang tingin sa pintuan ng elevator.

Kinuha ni Jho ang kamay ni Bea at ipinahawa ang isang paper bag at pinilapot nya ang kamay nito sa braso ni Bea.

Bea: ah...

Jho:ah basta kainin mo yan nakita kitang hindi man lang lumapit sa counter para mg order. At halika kana bawal ka dyan!

Pilit syang hinihila ni Jho palayo sa elevator pero nagpupumiglas si Bea. Ayaw naman patalo ni Jho sa sobrang lakas ni Bea ay nawalan ng pwersa si Jho kaya napasubsub sya kay Bea at napaakap.

Sakto naman ng pagbukas ng elevator ay sakay sakay pala sina Cha baby Audrey na kasama ang magulang ni Bea.

Natulala si Cha sa nakita na may nakaakap na babae sa asawa nito.

--------------------------

Natapos ang pangyayaring iyon iniwan muna ng magulang ni Bea at Cha sa mismong office ni Bea at kinuha muna nila si baby Audrey.

Pagkalabas ng magulang ni Bea. Agad na lumapit si Bea upang makapagpaliwanag sa maling inaakala ni Cha.

Bea: baby ma----

Hindi pa ito nagsisimulang magsalita ay napatingin na si Cha ng masama kay Bea na ibig sabihin nito na tumahimik muna sya.

Napansin ni Cha ng pagkain na nakalunan sa basurahan at lumapit sya kay Bea at kinuha ang paper bag na hawak hawak nito.

Cha:sa kanyan galing to?!

Bea: baby kasi...

Cha: Oo at hindi lang ang gusto kong marinig.

Bea: Oo baby....

May inilabas si Bea mula sa kanyang bag. At ipinakita ito kay Bea isang lipstick.

Nagtataka si Bea bakit sya inaabutan nito ng lipstick.

Cha: sa kanya rin ba ito?

Hindi makasagot si Bea dahil ang totoo wala syang idea sa pinakitang lipstick ni Cha. Posibleng kay Jho nga ito lalo na inihatid nya ito kagabi.

whirlwind romance ft. alyden baraWhere stories live. Discover now