I.
"Isasama mo ang mga bata?" Tipid akong tumango kay Ana na kasalukuyang tumutulong sa akin sa pagtutupi ng mga damit.
"Isa pa, wala namang magaalaga sa kanila dito, maganda nga at hindi ako mabo-bore doon." Maayos 'kong ipinasok sa malaking maleta ang mga natuping damit. "Hindi mo ba talaga kakasuhan ang manyak na 'yon?" Napatigil ako sa pagi-impake.
"Ana, hayaan mo na, isa pa aalis naman na kami dito. Malay mo makahanap ako doon ng magandang trabaho." Nagiwas ako ng tingin kay Ana habang inaabot ang ibang hindi pa natuping damit na nakasalansan sa kama.
"Ano? Sa islang 'yon? Makakahanap ka ng sapat na trabaho para sa inyong tatlo? E ang offer lang naman sayo ay temporary caretaker, sapat ba 'yon?" Tumaas ang kilay ng kaibigan 'ko at parang sasabog na naman sa mga desisyon 'ko. Umiling ako kay Ana at napabuntong hininga. "Ako na lang ang aalis sa trabaho, nakakahiya naman kay Yumi kung sila pa ang mapeperwisyo 'ko dahil lang sa maliit na bagay na 'yon."
"Maliit na bagay? Pinagbantaan ka, nakita ng dalawa kong mata! Kung hindi pa ako bumisita sayo ano, napagsamantalahan ka na ng diablong 'yon! Naku,kung ayaw mo Kat, ako na ang magsusu-"
Mabilis kong pinigilan si Ana, "hindi kasi ganun kadali lahat Ana."Napatigil ang kaibigan 'ko sa akmang pagsugod sa labas. Binitiwan 'ko siya at napaupo sa paanan ng kama.
" Alam mo kung anong kakayahan ni Maximus! Hindi ko itataya ang buhay ng mga anak 'ko para lang sa kapakanan 'ko." Si Maximus Agrimor,asawa ni Yumi. Isa siyang anak ng dating gobernador. Makapangyarihan ang pamilya nila dito sa amin. Marami silang businesses at isa akong empleyado sa kanilang kumpanya. Akala 'ko noong una ay sadyang palakaibigan siya at tinuturing niya akong kapatid dahil napangasawa niya si Yumi. Pero noong nagtagal ay iba na ang ikinikilos niya.
" Ako na ang magre-resign at ako na ang lalayo para hindi na lumaki ang gulo. Ayokong makasira ng pamilya ni Yumi, kahit papaano kapatid ang turing 'ko sa kanya. Alam mo naman si Papa at si Auntie." Lumapit sa akin si Ana na maluha luhang pa akong niyakap. Parang pinipiga ang puso 'ko. Marahan 'ko rin siyang niyakap pabalik.
My heart felt the sincerity of my bestfriend. She wanted to protect me, pero alam niyang sa puntong ito na ang paglayo ang pinakamabuting desisyon para sa lahat.
"Bakit ba kasi ganyan 'yang ama mo, pagkatapos namatay ang Mama mo, naghanap ng iba. Tapos may kapatid ka nga, hindi naman kapatid ang turing sayo." Tukoy niya sa kapatid 'ko sa ina.
" Tapos yang si Yumi at Leila, ni hindi ka nga nirerespeto, kahit man lang para sa Papa mo na kinikilala din nilang Ama na kahit 'di sila kadugo, kinupkop, binihisan at binigyan sila ng maayos na buhay. Mas binibigyan pa nga sila ng pabor kumpara sayo na tunay na anak." Umiling ako at napasinghot mula sa pagtulo ng luha 'ko.
"Ano ba 'yan napakadrama natin, minsan na nga lang tayo magkaroon ng alone time! Malapit na akong bumalik ng kulungan" Tumatawang komento ni Ana sabay hampas sa akin. Napailing na lang ako at napangiti sa sinasabi niyang kulungan, sa poder ng kanyang Mommy.
"Salamat Ana." Bitaw 'ko sa yakap at tumayo para abutin ulit ang nagsilaglagan na damit sa sahig.
"Ano ka ba!Naiinis lang talaga ako sa Maximus na 'yan, nako pagkaalis mo talaga dito, isisiwalat 'ko ang baho ng demonyong 'yan!" Tinampal 'ko siya sa nakapamewang niyang kamay.
"Kailan ba balik mo ng Canada?" Sa abroad na kasi ito namamalagi at nagtatrabaho.Simula kasi nang nakipagbati siya sa Mommy niya nang humingi siya ng tulong sa panganganak 'ko ay napagkasunduan nila na maninirahan na siya sa Canada.
"Kapag siguro naihatid kita ng maayos sa Puerto." Napabuntong hininga ito. "Nga pala mamayang gabi, gusto mo bang sumama sa akin?" Parang dyamanteng nangislap ang mga mata nito. Napakunot noo ako at mabilisang sinara ang malaking maleta.

BINABASA MO ANG
My TWIN Babies, NOT Ours
General FictionMeet Kathleen Louise de Suarez a young girl, who gave her virginity to the man she look up to, the man of her hope,Alexander Ivan Ramirez. It felt like a perfect fairytale--BUT! Not when the man, who she looked up to, offered her money in exchange f...