VI
"O dahan dahan lang," nakasunod lang ako sa likod ni Mang Dong na tinutulungan si Kuya Elmer na Assistant ni Mr. Ramirez sa pagbubuhat mismo sa lasing na lasing nitong amo. Si Nanay Minda ay naunang pumasok sa loob ng kwartong tutuluyan ng bisita.
"Dito niyo ipasok." Binuksan ni Nanay Minda ang pintuan ng dulong bahagi ng ikalawang palapag, doon ang pinakamalaking kwarto. Sinenyasan naman ako ni Nanay na ipasok ang hawak 'kong gamit ng bisita, maliit na bag, na tingin ko'y naglalaman ng damit at iba pa at ang isa namang bag ay naglalaman ng laptop.
"Ikaw muna ang magtanggal ng sapatos ni Sir. At ako na magtuturo kay Sir Elmer ng kwarto niya." Aapela pa lang ako ay tinalikuran na ako ni Nanay Minda sa bukana ng pintuan. Nilagpasan naman ako ni Mang Dong at sumunod si Kuya Elmer na tingin ko ay hindi ako namumukhaan.
"Akin na muna 'yang laptop." Balik ni Kuya Elmer sa akin na kaagad ko namang inabot sa kanya, mataman pa niya akong tinignan parang ibinibilin ang kanyang boss, bago ako iniwan ng tuluyan doon kasama ang pikit na pikit nang si Mr. Ramirez.
"Hmm..." Narinig 'kong ungol nito kaya dahan dahan na lang akong lumapit. Pero naestatwa ako nang tuluyan kong mas maaninag ang mukha niya. Nakakunot ang noo nito at tila nananaginip pa ng masama. Pinilit 'kong mas lumapit pa para ayusin ang kanyang pagkakahiga. Napalunok ako ng dalawang beses bago inilapag ang bag niya sa malapit na mesa.
Nanlamig ang sikmura 'ko't para akong gising na binabangungot. Ang tadhana nga naman, pilit pa rin akong pinapahirapan. Naramdaman 'ko ang mainit na likidong tumulo ng kusa mula sa sulok ng aking mga mata. Naba-blangko ako pero kapag pilit 'kong binabalik ang isipan ko ay parang gusto 'kong tumakbo.
Humingang malalim na lang ako, na tila iyon ang magpapabawas ng nararamdaman 'ko. His image from the past flashed on my mind. Even the emotion kept running back. The cold morning, ang brown envelope, ang pagkamatay ni Lola at ang pagpapalayas sa akin mula sa bahay habang nasa Ospital pa noon si Papa. Ang mga panahong umiiyak ako habang walang makakapitan sa pisikal na sakit na sinabayan pa ng emosyon 'ko. It was all vivid and bitter.
Napailing ako sa aking isipan at nilunok ang nagbabara sa aking lalamunan, pinunas 'ko ang nagbabadyang luha. Maingat 'kong tinanggal ang sapatos niya, takot na magising siya. Bigla 'kong naalala ang mga binitiwan niyang mga salita kanina. 'Nakita din kita.'
Hinanap niya ba ako? Alam niya na ba ang totoo? Tungkol sa kambal...naaalala niya rin ba ang ginawa niya sa akin? Nagsisisi na ba siya? At hinanap kami...
O baka itataboy niya ba ulit ako pagkagising niya? Itataboy niya rin ba ang mga bata? Sasabuyan ng pera para lumayo? Sino ulit ang mawawala sa akin pagkatapos? Saan ako kakapit kung ganoon?
Napaatras ako nang muli itong gumalaw. I'm like a rat inside a beast's cage, nagiingat na hindi magising ito at baka mahuli ako sa kanyang bitag. Mabilis 'kong itinabing sa kanya ang makapal na kumot. Muli 'kong pinagmasdan ang payapa nitong pagtulog, ang magulo niyang buhok, ang makapal niyang kilay na kapag nagsasalubong ay parang nakikita 'ko din ang mukha ng kambal 'ko,ang mahaba niyang pilikmata, ang talukap ng mga mata nitong pikit na pikit na kapag idilat ay nagsusumigaw ng otoridad , ang matulis niyang ilong at ang kanyang pulang pula na labi na nagpapaalala sa akin ng marahas niyang mga halik. Nanlamig ang Sistema 'ko. It was as if his features hold the memories of that night.
Gumalaw ang kamay nito sa ibabaw ng makapal na kumot, napatitig ako sa daliri nitong suot suot ang isang singsing. Engagement ring. Mapait akong ngumiti. Sino ba ang niloloko 'ko? Kathlen Louise! It's been years for pete's sake, the emotions should have die down! Mabilis akong tumalikod at nanghihinang nagtungo sa kwarto. Patay ang ilaw at si Nanay Minda ay narinig 'ko pang nagpaalam.
BINABASA MO ANG
My TWIN Babies, NOT Ours
General FictionMeet Kathleen Louise de Suarez a young girl, who gave her virginity to the man she look up to, the man of her hope,Alexander Ivan Ramirez. It felt like a perfect fairytale--BUT! Not when the man, who she looked up to, offered her money in exchange f...