XXXII.
Unti unting lumalabo ang paningin 'ko habang binabagtas ang daanan palabas ng lounge. Gustong gusto 'kong punasan ang bawat patak ng luha sa pisngi 'ko. Laking pasasalamat 'ko at nakayakap sa akin si Ender at hindi nakikita ang mukha 'ko.
Parang bawat hakbang 'ko ay sumisikip ang dibdib 'ko. Ayokong ipakita ang mga ganitong bagay sa mga anak 'ko. Gusto 'ko na lang maging manhid at ipakitang walang nangyari. Pero iba ang direksyon ng emosyon 'ko. I just can't help but to show how I feel right now. Ito yung isang flaw ng tao na hindi mo matatanggal, ang makaramdam ng sakit.
Hindi pa kami nakakalabas sa pasilyo ay may isang mainit na kamay na yumakap sa akin mula sa aking likod, dahilan kung bakit natigil ako sa paglakad. I can't help but to cry even more.
"Daddy..." Tawag ni Ender sa kanyang mahinang boses nang maramdaman ang prisensya ng kaniyang ama. Si Xia naman ay napabitaw sa kamay 'ko at agad yumakap sa paanan ng taong nasa likod 'ko. Naramdaman 'kong marahang hinagkan ni Alexander ang baby boy 'kong malungkot na nakasandal sa balikat 'ko.
"I'm so sorry, sweetheart. I never knew my Mom would be like this." Bulong ni Alexander habang nakayakap pa rin sa akin. He slowly unclasped his embrace at unti unti akong pinaharap sa kaniya. Hindi 'ko gustong makita niya ako sa ganoong sitwasyon ngunit masyadong naninikip ang dibdib 'ko para kumibo. Hindi ako tumingin sa mata niya, I wanted to avoid his eyes. Parang pakiramdam 'ko iniwan niya na naman ako sa ere.
"Mama why are you crying?" Naiiyak na tanong ni Xia nang magtama ang paningin namin, bumitaw ito sa pagkakayakap sa kaniyang ama at agad akong niyakap. I felt Ender's hug tightened too. My heart breaks even more. Naramdaman 'ko ang mainit na palad ni Alexander na marahang hinaplos ang pisngi 'ko, pinunas ang mga luhang tumulo. I met his eyes, it was full of emotions, which I don't want to decipher. Hindi 'ko gustong umasa sa kahit na anong nakikita at nararamdaman 'ko.
"Let's go home...please, go home with me." Bulong ni Alexander sa maingat na boses, para bang nagi-ingat na may masaktan sa paraan ng tono niya. Hindi ako kumibo, ni hindi ako umiling o umoo. Marahan niya lang na binuhat si Xia mula sa pagkakayakap sa akin. Agad na sumandal sa balikat niya ang anak 'ko, as my little Xia cried into his father's arms. Parang pinipiga ang dibdib 'ko lalo.
And then in a swift and gentle move, he intertwined our fingers. He made sure it was locked bago maingat akong hinila paalis doon. At ako ay nagpatianod sa kaniyang hila, habang buhat si Ender sa namamanhid 'kong braso.
Tahimik kaming nagtungo sa parking lot. Hindi 'ko alam kung anong nangyari tungkol sa kanila ng kaniyang Mommy pagkatapos kaming umalis ng mga anak 'ko doon. Ang alam 'ko lang ay nandito siya sa tabi namin, tinatantya ang bawat kilos 'ko. Maraming katanungan ulit ang naglalaro sa isipan 'ko. For a second, natakot muli ako para sa mga anak 'ko. Takot sa kadahilanang masasaktan sila, dahil hindi sila tanggap ng buong buo ng pamilya ni Alexander. Ako man ay takot para sa sarili 'ko, pero iba ang intensidad na nararamdaman 'ko para sa mga anak 'ko. They're too young for this. Hangga't maaari ay ako na lang sana ang makasaksi sa lahat. Kanina ay wala man lang akong nagawa para protektahan sila. I wish I have done better, dapat sumagot ako. Dapat lumaban ako. Pero pinanghinaan ako ng loob, lalo nang makita 'kong nandoon ang mga bata. Lalo nang makitang may lumapit na ibang bata kay Alexander, calling him Daddy. My kids are smart, alam 'kong kahit hindi man nila sabihin ay nararamdaman nila yung sakit ng pangyayari kanina. I don't want them to grow up with that pain. Gusto 'ko na lang balutin sila ng pagmamahal 'ko, gusto 'kong maging sapat sa kanila.
Napasinghap ako nang maramdaman ang mainit na palad ni Alexander na humaplos sa nanlalamig 'kong kamay. He was silently driving while giving little glances to me. Ang mga anak ko naman ay mahimbing na nakaidlip na sa likuran. Marahang hinawakan ni Alexander ang nanghihina 'kong kamay at pinisil iyon. Ako ay walang kibong pinagmamasdan ang mga nalalagpasang lugar. My heart felt a little bit of ease. He's here for us. The father of my twins...is here for us. Hindi ako nagiisa. Napasinghap akong muli at pinipigilan ang pagluha. I wanted to ask him so many questions, but I'm not even ready for the answers.
BINABASA MO ANG
My TWIN Babies, NOT Ours
Fiksi UmumMeet Kathleen Louise de Suarez a young girl, who gave her virginity to the man she look up to, the man of her hope,Alexander Ivan Ramirez. It felt like a perfect fairytale--BUT! Not when the man, who she looked up to, offered her money in exchange f...