Sorry for the super duper uber late update. So here it is. Don’t be mad, okeh?
XV
“Naaalala na kita. My memories aren’t that clear but I know you Miss de Suarez.” At paliit ng paliit ang distansya namin. Parang nalulusaw ang tuhod ‘ko.
“Sasabihin ‘ko naman sayo—” nabitin sa ere ang sasabihin ‘ko nang may inilahad siyang galing sa kanyang bulsa, isang maliit na larawan. Picture ni Lola at ako. Teka paano n’ya yun nakuha? Akmang aagawin ‘ko iyon na agad niyang inilayo sa akin. Sa tangkad niya ay kina-kailangan ‘ko pang tumungtong sa isang bangko para maabot siya.
“Why didn’t you tell me earlier? My sister’s been trying to locate you since last year.” Tuloy nito. Napamaang ako ng ilang segundo. Si Lola? Ang kapatid n’ya? At bakit ako hahanapin ng kapatid niya? Si Maam Alexandra?
“Paano mo nakuha ‘yang picture?” Matalim ‘kong tanong habang kinakalma ‘ko ang sistema ‘ko. Hindi ‘ko alam kung anong rason at ipinapahanap ako ng kapatid niya? Minsan lang kami nagkita. At hindi siya madalas umuuwi sa bahay nila sa Alfonzo. Pero ang alam ‘ko ay malapit ang loob niya kay Lola simula pagkabata, maraming kwento si Lola tungkol sa kanya na hindi ‘ko gaanong maalala.
“Your kids.” Diretso ang mata niya nang tinitigan ako. Ang mga batang ‘yon, Oo! Baka pumasok sa kwartong pansamantala naming binakante dahil nga sa napagusapan namin ni Ate Jeda. Pero nakahinga naman ako ng maluwag nang umatras ito at umupo sa isang bakanteng upuan ng kitchen counter. Inilapag niya ang lumang litrato sa counter at ipinagsalikop ang kanyang magkabilang palad, animo’y handa sa negosasyon.
“Anong…kailangan ni Maam Alexandra?” Taka kong tanong at pasimpleng binawi ang litratong nilapag niya. Dinampot niya ang basong kanina ay nilapag niya. Preskong ini-abot niya sa akin ‘yon.
“Water.” Utos niya. Pinipigilan ‘kong umikot ang mata ‘ko sa ere. Wala man lang please? Kung sabagay ay sanay ito na pinagsisilbihan na parang ikaw pa ang may pribelehiyo. Hindi ‘ko naman siya masisisi na pinalaki sa karangyaan. Pero ni hindi man lang niya muna sinagot ang tanong ‘ko para finish business na ako dito.
Mabilis ‘kong sinalinan iyon ng tubig at binigay sa kanya. Napansin ‘ko pa itong mapaglarong ngumisi bago ininom ang isang baso ng tubig. Mabulunan ka sana.
“Kaya pala pamilyar ka. I never knew you’re one of our long time maid’s granddaughter, not until I saw that picture.” Sambit nito na parang kaswal kaming nagre-reunion. Hello po Mr. Ramirez yung tanong ‘ko! Hindi ako umimik at hinintay siyang makaramdam na kunwari ay hindi ako interesado na naaalala niya pala ako. Pero hindi naman yung nangyari sa amin—paalala lang Kathleen Louise!
At least my secret is still safe.
“Is it the reason why you’re kinda avoiding me?” Diretso niya akong nilingon at tinignan sa mata na para bang kyuryuso siya sa magiging sagot ‘ko. Umiling ako bago napatingin sa sahig, ang bastos naman kung pulutin ‘ko ngayon yung nagkalat na bubog sa baba. Mabuti at hindi ganon ka-lasog yung plato, tatlong biyak lang ‘yung bubog at sa gilid pa.
“Then you’re just basically shy then? Or you’re really aloof around people like me?” Bumalik ang tingin ‘ko sa kanya sa tanong nito. Umiling lang din ulit ako. Wala kang makukuha sa akin na matinong sagot, Mr. Ramirez.
Nagsimulang tumalim ang titig niya sa akin at sinuklian ‘ko siya ng blankong ekspresyon. Ano Mr. Ramirez nawawalan ka na ng pasensya? Mainitin pa rin talaga ang ulo mo, tss.
“Bakit ako hinahanap ni Maam Alexandra, Sir?” Madiin ‘kong tanong para isatinig ang kunwaring pagkainip sa usapan namin. Ang totoo ay nanlalambot ang magkabilang tuhod ‘ko sa iniisip ng kailalim-laliman ng kaisipan ‘ko. Ang pilit ‘ko lang na ibinubulong sa sarili ‘ko ay hindi pa ito ang tamang oras o panahon. Hindi pa ako ready na ibahagi ang kambal ‘ko.

BINABASA MO ANG
My TWIN Babies, NOT Ours
Ficción GeneralMeet Kathleen Louise de Suarez a young girl, who gave her virginity to the man she look up to, the man of her hope,Alexander Ivan Ramirez. It felt like a perfect fairytale--BUT! Not when the man, who she looked up to, offered her money in exchange f...