XXII

81.4K 1K 66
                                    

XXII.





"Ate Jeda, maraming salamat sa lahat. Sana hindi muna 'to malaman ni Kuya." Humihikbing pakiusap 'ko kay Ate Jeda sa kabilang linya. Tahimik ito bago sumagot.


"Don't worry Kat, it will be safe with me. And..." bumuntong hininga ito. "Your brother and I split up last week." Katahimikan ang pumailanlang, tumakas ang hikbi kay Ate Jeda. "We tried to fix it, pero hindi kinaya eh. I wasn't planning to tell you but maybe this is  the part of me, moving on." Iyon ang huling sambit niya bago niya pinatay ang tawag.


Napatingala ako sa madilim na ulap, the gloomy sky is about to cry too. Yumayakap ang lamig ng gabi kasabay ng walang humpay na pagpatak ng luha 'ko. Gusto 'kong tawagan si Ana, si Kuya, si Bart, o si Ate Eba. Pero sa bigat ng dinadala ng dibdib 'ko ay hindi 'ko pa kaya. Nagtipa lang ako ng kaunting mensahe kay Kuya, sinabi 'kong tapos na ang kontrata 'ko kay Ate Jeda at lilipat na kami bukas.

Hindi 'ko pa alam kung saan kami pupunta ng mga bata. Kung sa bahay ba kami na iniwan ni Lola? Babalik ba kami sa Alfonso ng mga bata? Kung maghahanap kami bukas ng tirahan dito ay mahihirapan kami. Isa pa, mas magandang malayong lugar kami pupunta. Iniisip 'kong kunin lahat ng gamit sa Alfonso at manirahan pansamantala sa bahay na ibinigay ni Lola. Doon muna kami habang iniisip kung saan kami maglilipat ng tuluyan. Hindi rin kasi ako komportable na dito pa rin kami sa Palawan. May tyansa pa ring magtagpo ang landas namin kung ganoon. Hindi 'ko na gustong makitang muli ang mukha o ni anino niya. Gusto 'ko nang magpakalayo layo. Iyon din siguro ang gusto niya.



Binibilang 'ko ang perang hawak 'ko. Will this be enough? Kung magu-upahan kami ay hindi 'ko alam kung magiging sapat ito, dahil bayarin pa sa eskwelahan, pagkain, tubig at kuryente pa ang iisipin 'ko.  Maghahanap pa ako ng trabaho. Mas lalo akong napaiyak sa sarili 'ko. I want to pity myself pero hindi maaari. I need to be strong for myself and for my twins. Kaya 'ko 'to. Kaya.


Napabuntong hininga ako at nilagay sa bag 'ko ang perang naipon  at ang ibinigay na pera ni Ana. I still consider Ana's money as my debt. Babayaran 'ko ito, kapag nakaluwag luwag na. Magiging malaking tulong iyon sa ngayon.

"Mama?" Nagulat ako nang may yumakap sa likod 'ko. Agad 'kong pinunas ang luha sa aking pisngi. "Yes baby?" Kumandong ito sa hita 'ko at agad yumakap sa akin. Parang niyayakap naman ang puso 'ko. Tumingala ako para sa nagbabadyang luha. Come on, you can't be fragile in front of your child. Be strong, Kat!

"Mama you're crying." Humigpit ang yakap ng baby boy 'ko. Hindi 'ko napigilan ang hikbi, agad 'kong pinunas ang luha 'ko at napabuntong hininga. Inangat 'ko ang anak 'ko at hinawakan ang magkabilang pisngi niya. Nakabusangot ito at hinawakan din ang magkabilang pisngi 'ko. Ang maliliit nitong kamay ang nagpunas sa luha 'ko. I smiled.

"Bakit ka umiiyak?" His baby voice cracked, namula ang mga mata nito. Pinanggigilan 'ko ang pisngi ng anak 'ko at mabilis na dinampian ng halik ang noo niya. I laughed when he wiggled his nose.

"Don't change the topic Mama. I know you cried." Banta nito. Napunas ang ngiti 'ko nang makita ang mga mata nitong sumasalamin sa mga mata ng ama niya. Lumukob ulit ang lungkot sa dibdib 'ko kaya mabilis 'ko siyang niyakap. How can I overcome this when even his son mirror everything about him? Napabuntong hininga ako sa maliit na balikat ng anak 'ko.

My TWIN Babies, NOT OursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon