I'm very sorry for the late update guys. I've been really busy and wattpad site is not in condition lately, kaya sobrang delayed. I don't actually want to make excuses, but I hope you understand. Love you all! Enjoy reading.
XXXV.
"Go na kasi Mother Earth!" Mariing bulong na pasigaw ni Bart sa tenga 'ko. Kanina pa ako pinagtutulungang itulak tulak ng dalawa. Ako naman ay kinakabahang lumapit kay Alexander na katatapos lang makipagusap sa kanyang cellphone. Kanina pa kami tapos kumain ng breakfast. Pagkatapos 'kong makapagpalit kanina ay nasa hapag na silang lahat. Nadatnan 'ko pang masama ang tingin ni Alexander kay Bart, hindi naman alam ng kaibigan 'ko kung paano tugonan ito. Samantalang si Ana kanina ay parang hahalikan na ang sariling plato dahil hindi makatingin sa akin ng diretso. Hindi 'ko alam sa babaeng ito, at ang lakas akong itulak, samantalang kapag hinarap 'ko ay hindi masalubong ang mga mata 'ko.
"Uh..." panimula 'ko, nakatalikod si Alexander sa akin, mukhang may tatawagan ulit. Umatras ako, baka makaistorbo ako. Tumingin ako kila Bart at Ana na nagtatago sa likod ng divider. Ang kambal ay nasa sala, naglalaro. Samantalang ako ay hindi 'ko alam kung paano magpapaalam kay Alexander, nitong parang mukha siyang walang tiwala sa kaibigan 'kong si Bart. Isa pa mukhang busy siya, kailangan 'ko pa bang magpaalam, pwede naman akong umalis kasama ang dalawa, at magbilin kila Manang Heidi. Napabuntong hininga ako at tuluyang tumalikod at naglakad patungo kila Bart. Pero isang hakbang 'ko pa lang ay may humapit na sa bewang 'ko. Nanlamig ang tyan 'ko, parang may kung anong napakawalan sa loob 'ko.
Nanlaki ang mga mata ni Bart at Ana sa likod ng divider. Medyo naaninag 'ko ang mga mata nila sa pagitang siwang ng divider, umiling ako para iparating na mali ang iniisip nila. Samantalang itong si Alexander naman ay mukhang hindi alam na may nakatingin. Patuloy ito sa paghapit sa akin papalapit sa kanya. May katawag ito sa kabilang linya. Hinawakan 'ko ang isang braso niyang nakapulupot sa katawan 'ko, pasimple 'ko iyong tinatanggal, pero mas lalong humihigpit. Nag-init lalo ang pisngi 'ko at parang gusto 'ko na lang lumubog ngayon sa kinatatayuan 'ko. Nakita 'ko kung paano manlaki ang mga mata at malaglag ang panga ng dalawang usisero sa likod ng divider. Mas nataranta tuloy akong kumawala kay Alexander, baka kung anong isipin ng dalawa, ni hindi pa nga ako nakakapag-explain. Mas nanigas pa ako nang maramdaman ang hininga niya sa leeg 'ko
"Later Gab, we'll just meet tonight, yeah...Family dinner." Rinig 'kong sambit niya sa kabilang linya. Nanghihina 'kong tinatanggal ang pagkakapulupot niya pero ngayon ay dalawang braso na niya ang nakayakap sa akin. Gusto 'ko na lang kainin ng semento.
"What do you need, sweetheart?" Malambing nitong tanong sa mababa niyang boses. Namanhid na yata ang pisngi 'ko. Umiling ako. Naramdaman 'kong humalik ito sa balikat 'ko, para naman akong naging tuod ngayon.
"When will your friends leave? Especially that boy, named like a dog." Napatingin ako sa gawi nila Bart. Hindi na 'yon bulong at alam 'kong nakaabot yon sa pandinig ng dalawa. Agad 'kong hinampas ang kamay ni Alexander, narinig 'ko itong humalakhak, parang natutuwa pa.
"Bitawan mo 'ko." Banta 'ko sa kanya. Tumigil ito sa pagtawa, medyo lumuwag ang pagkakayakap niya.
"I'm sorry I can't. Can we stay like this for a while? I'm still jealous from last night." Sa mababa at maingat nitong boses na binulong sa akin. Umiling ako, hindi makapaniwala sa ipinapakita niya, kasabay non ang paglitaw ng kambal.
"Mama! Dada's trying to hide with Tita Ana!" Natutuwang sigaw ni Ender habang magkabilaan sila ng kapatid niyang hinila ang kawawang Bart. Si Ana naman ay awkward na ngumiti sa gawi namin, para bang kunwari ay hindi nila sinasadyang magtago sa likod ng divider. Mas mabilis pa ako sa alas kwatrong kumalas sa pagkakayakap ni Alexander. Agad akong lumapit sa kambal at pinigilan sila sa pangungulit sa aking kaibigan.
![](https://img.wattpad.com/cover/5555015-288-k613898.jpg)
BINABASA MO ANG
My TWIN Babies, NOT Ours
General FictionMeet Kathleen Louise de Suarez a young girl, who gave her virginity to the man she look up to, the man of her hope,Alexander Ivan Ramirez. It felt like a perfect fairytale--BUT! Not when the man, who she looked up to, offered her money in exchange f...