Huwag niyo po munang basahin ito kapag ayaw ninyong mabitin. Wait for the next chapter, baka i-post 'ko bukas. Isinisingit 'ko lang po 'to sa mga nakatambak 'kong ginagawa sa buhay. Maraming salamat po sa pagbabasa. Naa-appreciate 'ko lahat ng comments ninyo! :) Stay safe!
XIX.
"Fine Alexander, you need to pay me for this. Mamita also called, she might appear in front of you one of these days... Oh please stop calling her Tanda or whatever. Stop being immature. Try answering her calls directly, kawawa naman si Mr. Bermillo. Your assistant might resign too if you keep being an asshole." Kanina pa nakikipagusap sa kabilang linya si Alexandra sa kanyang kapatid. Walang tigil ito sa kakasermon kay Mr. Ramirez.
Nasa construction site daw ito ng current project niya dito sa Palawan. Masyado siyang babad sa trabaho, iyon ang mas napatunayan 'ko ngayon sa kan'ya. I wonder, if he's going to have his own family soon. Magkaka-oras ba ito sa pamilya niya? Oh well, wala na dapat iyon sa akin. But still, considering na busy din ang pakakasalan niya, si Andrea, isang artista, paano sila magkakaroon ng oras para sa isa't isa? Sa magiging anak nila? Okay. Kathleen Louise de Suarez, anong pakealam mo sa mga bagay na iyon? Wala na diba? You've made the decision. Not to tell him anything. Besides, wala din sigurong magiging oras ang lalaking 'yon sa mga anak mo. Please stop thinking about him!
"Are you alright?" Napapitlag ako sa biglaang pagtigil ng sasakyan ni Alexandra. Alalang alala ito sa akin. Napamulagat ako at nagtataka siyang tinignan. Pinatay niya ang tawag sa kapatid at itinuon ang atensyon sa akin.
"Okay ka lang? Do you feel anything wrong?" Napailing ako agad. Halla sa dami ng iniisip 'ko ay baka hindi 'ko napansing kinakausap na ako.
"Okay ako, may mga naiisip lang." Awkward 'kong tugon.Napahingang malalim naman ito.
"I thought you're having trouble inside your mind. You know I'm quite sensitive with any possible unstable behavior from people. Besides I had encountered a lot of different patients and it kinda made me paranoid and everything. Sorry for that matter. Tignan mo nataranta ako at napatay 'ko ang tawag ng kapatid 'ko." She laughed. At napatawa na lang din ako, mukha kasi siya talagang nataranta. Napagkamalan ba ako nitong may problema sa utak? Madami pa siyang nasabing encounter sa patients niya at nagsimulang magmaneho. Siya actually ang maghahatid sa akin pabalik sa isla. May naging emergency kasi sa site na pinuntahan ni Mr. Ramirez, tungkol yata sa ibang materyales na kinakailangan nila, nagkaproblema ayon sa narinig 'kong usapan nila kanina ni Alexandra. Kaya imbes na magmaktol kanina si Alexandra sa kapatid nito ay inintindi na lang pero nakarami siya ng pagse-sermon dito.
"I should bring some of my toiletries, see I have packed some. Lagi itong nasa backseat 'ko. In case ma-stranded ako sa mga community na binibisita namin." Kwento nito habang ina-abot ang gamit niya sa likod ng kotse niya. Mukha pa rin siyang model na ready sa kanyang summer photoshoot sa over all na damit niya. Baka kapag nagpantalon at nag- T shirt ako ay mapapagkamalan akong pasyente niya. May dadaanan pa daw kaming boutique, bibili yata siya ng damit niya.
Saglit lang kaming nag-ikot ikot sa bayan. Pagkatapos ay nagulat ako nang sa huli ay pumasok kami sa tindahan ng mga laruan. Aanhin niya 'yon? Napakibit balikat ako, baka may pagbibigyan siya. Hindi naman siguro siya ang maglalaro.
"Isang babae at isang lalaki, right?" Napakunot noo ako nang itaas niya ang isang Barbie doll at isang box ng lego. "I mean your twins? Will they like these?" Madami pa itong itinaas na laruan. Napailing ako.
"I mean magugustuhan nila, pero hindi mo na kailangan—" hindi niya ako pinatapos magsalita, she went straight to the cashier and paid for the toys she picked. Sumasakit ang ulo 'ko. Nahihiya akong magbibigay pa siya sa kambal. And it's a bit awkward on my part. Kung tutuusin ay pamangkin niya ang dalawa, without knowing! Wala na akong nagawa nang mukhang excited pa niya akong hinila palabas ng shop at saka kami nagtungo sa terminal ng mga bangka. Hawak 'ko ang ibang pinamili niya. Mukha kaming magkaibigan kung titignan mo.
"Dito ba tayo sasakay?" Nae-excite niyang tanong. Pinagtitinginan siya ng mga mangbabangkero. S'yempre sinong hindi mapapatingin sa kanya, ang ganda niya at pati ang ayos niya ay halatang mataas ang estado sa buhay. Tumango ako sa tanong niya. Mukhang sanay naman itong sumakay sa isang bangkang de makina, inalalayan ito ng isang mangbabangkero.
Ilang minuto lang ay sakto na ang bilang ng pasahero sa bangka kaya umandar na ito. Nakasuot kami ng life vest dahil iyon ang required sa mga bangka dito. Nakangiti namang nakatanaw sa dagat ang kasama 'ko. Mukha siyang excited. Sabi nito ay matagal nang hindi nakabisita ito sa isla , ang huli ay noong high school student pa lang siya. Natuwa na lang din ako sa kanyang ekspresyon. Kung ang kapatid niyang lalaki ay may malamig at madilim na awra, ito naman ang kabaliktaran.
"Wow the sand's fine and white here! And the rock formations are so nice!" Mangha nitong tanaw pagkatapak sa buhangin. Mukhang first time niya sa lugar na ito, kahit pa sinabi niyang nakapunta na siya dito, dati.Pinagtitinginan siya ng ibang pasahero ng bangka, mukhang naiignorantehan sa kan'ya. Ang iba ay natutuwa sa kanyang reaksyon. Nagbayad ako ng bangkero para sa aming dalawa dahil wala itong dalang barya at mukhang nakalimutan niya din sa pagkamangha sa buong isla. Umalis ang bangkero at nagpatuloy sa pagtanaw sa paligid ang kasama 'ko. Malapit na rin kasing lumubog ang araw, isang oras na lang, kaya mas gaganda mamaya ang tanawin.
"Hmm...I'll really spend the night here." Lingon niya sa akin, habang ngiting ngiti na binibitbit ang kanyang mga pinamili.
"Saang villa dito si Alexander?" Tanong niya habang naglalakad kami palapit sa mga villa. Itinuro 'ko naman ang nasa gitna. Tumango tango ito at doon naunang naglakad. Pagkarating namin sa loob ay nagulat kami nang bumungad ang isang babaeng maputing maputi. Nakasuot ito ng puting maxi dress habang naka-shades at nakatanaw sa malayo. Nang makitang meron kami ay agad itong nagtanggal ng shades. Halos malaglag naman ang panga 'ko nang mapag-sino ang taong iyon.
"Doctor Alexandra!" Napatameme ako sa tagpo ng dalawa. Ang tangkad niya sa personal at ang nipis ng katawan niya. Nagbeso beso sila. "Oh why are you here, Andrea?" Gulat na gulat na bulalas ni Alexandra. Hindi pa sumasagot si Andrea ay hinila na ko ni Alexandra papalapit sa kanila. "Anyway this is Kathleen, my friend. Kathleen, this is Alexander's fiancé, Andrea." Pakilala nito sa akin. Parang nalunok 'ko naman yung dila 'ko. Nahihiya akong ngumiti. Tinapunan ako ng tingin nito at agad siyang naglahad ng kamay. "Nice to meet you. Kathleen?" Pormal itong ngumiti.
"Louise de Suarez po. Kilala po kita, Miss Andrea, ikaw po yung pinarangalang Top model ng Asya. Nakikita 'ko po kayo sa T.V." Nahihiya 'kong sambit. Parang nanliliit ako bigla, gusto 'kong maglaho. Kasabay ng pagbitaw niya sa kamay 'ko ay ang pagkalaho din ng mga ngiti sa labi niya.
"Uhm sige po. Maiwan 'ko na muna kayo." Paalam 'ko nang hindi 'ko na alam ang ikikilos 'ko. Mukhang hindi din naman ako makaka-relate sa dalawa. Tatalikod pa lang ako nang pinigilan ako ni Alexandra.
"Wait for me, I wanna see your twins." Pigil nito sa akin. "I want to give them their presents, personally." Itinuro nito ang nakalapag sa sahig na mga paper bags. Hindi 'ko pa alam ang sasabihin 'ko nang marinig 'ko ang boses ng kambal 'ko.
"Mama!" Sabay sabay kaming napalingon sa kambal 'kong nakahawak sa magkabilang kamay ni Helen. Takot ang nakita 'ko sa mga mata ni Helen nang nagtagpo ang tingin namin. Ang mga anak 'ko naman ay masiglang bumitiw kay Helen at tumakbo payakap sa akin. Litong lito ako sa ekspresyon ni Helen pero nawala iyon nang naalala 'kong nasa tabi 'ko ang kapatid ng ama ng mga bata. Parang nilukod ng kaba ang dibdib 'ko.
-------------------------------------------

BINABASA MO ANG
My TWIN Babies, NOT Ours
General FictionMeet Kathleen Louise de Suarez a young girl, who gave her virginity to the man she look up to, the man of her hope,Alexander Ivan Ramirez. It felt like a perfect fairytale--BUT! Not when the man, who she looked up to, offered her money in exchange f...