XXVIII

81.6K 957 27
                                    

XXVIII.




"Wow Mama, this house is too big!" Excited na tumalon talon ang dalawa pagkapasok pa lang namin ng mansyon ng mga Ramirez. Hindi rin ako makapaniwala sa laki nito, mas malaki ito sa mansyon nila sa Alfonso, sa kung saan ako nagtrabaho noon.

"Uncle dito na ba kami titira? Is this really your house?" Baling ni Ender sa ama. Napatingin ako kay Alexander, there's a hint of pain in his eyes. Hindi 'ko alam kung namamalikmata ako.Uncle pa rin ang tawag ng anak 'ko sa kan'ya. Xia didn't even call him anything specific yet. Hindi 'ko pa iyon naika-klaro sa kambal o kay Alexander sa mga ganoong bagay. Hindi 'ko naman agad agad naitama 'yon dahil nawala iyon sa isipan 'ko.

"Maligayang pagbabalik Senyorito." Nawala ako sa pagmamasid sa mag-ama nang may tatlong babaeng lumapit sa gawi namin. Ang dalawa ay naka-scrub suit ng navy blue, mukhang nasa mid twenties tulad 'ko,samantalang ang babaeng matanda na nasa gitna ay nakasuot ng kaswal na damit ngunit pormal. Mukha siyang mayordoma. Naaalala 'ko tuloy si Lola.

"Manang Viki." Bati pabalik ni Alexander na hinayaan ang kambal na magmasid muna sa paligid. Siguro'y katulad 'ko ay nangangapa ng sasabihin kanina sa pagkatawag sa kaniya ng bata.

Manang Viki ang tawag niya sa matandang babae, ang dalawa ay hindi 'ko narinig ang pangalan.

"These are my kids," Turo niya sa kambal, parang nagkaroon lang ng kaonting orientation.

  "Xia...Ender come here." Tawag ni Alexander sa kambal na agad namang sumunod. Binuhat ni Alexander si Xia, bago ako sinenyasang lumapit din doon. Nagpabuhat naman si Ender sa akin. Nanatili ang titig sa akin ni Manang Viki. Para bang ine-estima kung anong nangyayari. Nangalay yata agad yung kamay 'ko sa bigat ng baby boy 'ko.

"Manang from this day onward, you'll take care of my twins." Napamaang ako sa sinabi ni Alexander. Why do my kids need to have their own maid? Gusto 'kong magprotesta pero hindi ako nakasingit sa usapan.

"Xia, Ender, meet Manang Viki, she's been my personal maid since I was a kid." Bumaling ang matandang babae sa mga anak 'ko. Mukhang tapos na akong suriin. Nagpakilala mismo ito sa mga bata at ang kambal ay natutuwang nagmano, akala mo naman ay pumapayag na ako. I don't want to be rude, pero bilang isang ina ay hindi man lang ako kinonsulta ng lalaking 'to.

"Senyorito kung hindi mo mamasamain, pwede ba akong magtanong?" Singit ni Manang Viki nang bumaba ang kambal sa pagkakakarga namin para maglaro, ang dalawang maid na kasama ng matandang babae ay sumunod sa mga bata. Sinundan 'ko sila ng tingin bago bumaling sa katabi 'kong naguusap.

"Yes manang. What is it?" Magalang na tugon ni Alexander.  At nang napagpasyahan 'kong sumunod na sana sa mga bata ay bigla 'kong narinig ang protesta ni Manang Viki.

"Sino siya," Tukoy nito sa akin, napakunot noo ako.  " At bakit biglaang nagkaroon ka ng anak? Hindi lang isa senyorito, dalawa. Alam na ba ito ni Senyora o ng Mommy mo?" Hindi ako nakaimik at naghihintay ng sagot ng katabi 'ko. Kung ako din ang yaya ay ganoon din siguro ang magiging tanong 'ko. Normal iyon, pero ang hindi normal ay minamata ako ng matandang babae. Para bang nagmumukha akong oportunista sa mga mata niya, kahit wala pang kasagutan sa mga tanong niya. Gusto 'ko man mangatwiran agad pero nanatili akong tahimik, baka kung anong masabi 'ko.


"Manang, it's a long story but for sure you can tell that they are my own. And this woman here is their mother. Her name is Kathleen Louise. Don't worry Manang, I'll invite you to our wedding soon." Walang kagatong gatong nitong sambit. Para namang namanhid ang pisngi 'ko. At mukha namang maa-atake doon si Manang Viki at handang magprotesta kay Alexander.

My TWIN Babies, NOT OursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon