X
Nagsisimula nang bumibigat ang patak ng ulan. Hindi 'ko alam kung nasaang parte ako ng Bayan. Hindi kasi kami nagkaintindihan ng tricycle na sinakyan 'ko kanina, ngayon iba palang lugar ang pinagbabaan niya sa akin. Sumilong ako saglit sa isang waiting shed. Napatingin ako sa cellphone 'kong pawala-wala ang signal. Maga-alas kwatro na.
Naiinis ako. Bakit nasa akin lahat ng kamalasan ngayong araw? Nakatagpo ako ng taong muntik nang may gawing masama sa akin, tapos kanina hindi 'ko alam kung anong magiging reaksyon 'ko sa lalaking tumulong sa akin, at pangatlo heto at nagmamadali ako sap ag-uwi pero nawala sa daan at naabutan pa ng ulan.
Napatingin ako sa paa 'kong may mga dumidikit na putik sa lakas ng ulan. May dala naman akong paying, pero sa lakas ng ulan at may kasamang hangin ay baka liparin pa ito. Isa sa mga ayokong mangyari ay masiraan ng payong, nakakailang sira na din ng payong ang kambal 'ko. Nagbakasakali na lang akong may maparang sasakyan o tricycle, ang kaso hindi pa uwian ng mga empleyado kaya bihira ang maraming dumadaan, karamihan ay may sakay at ang ibang sasakyan ay hindi nagpapasada.
"Manang..." Nilakasan 'ko ang loob 'kong magtanong sa biglang napadaan na ale. Tinanong 'ko kung saan ang sakayan ng bangka papunta sa isla namin. Mabuti na lang at alam nito ang daan kaya naman ay malakas ang loob kong suungin ang ulan.
Kailangan 'ko pa lang lumabas dito sa pinagpasukan 'kong daan para sa mismong higway pa daw ako pwedeng sumakay ng tricycle. Kung lalakarin daw ay medyo malayo pa. Tingin ng ale ay bagong namamasada daw 'yung naghatid sa akin dito. Bawat hakbang 'ko ay may tumatamang tubig sa akin, magkakasinat yata ako nito. Kanina ay sobrang maaraw tapos biglang umulan. Baka hindi ako makakapaghanap bukas ng trabaho. Bibili na lang ako mamaya ng gamot para isang tulog lang 'to.
"Para po!" Tatlong tricycle na ang napadaan 'ko pero wala pa ring tumitigil sa akin. Basang basa na ang palda 'ko pati ang laylayan ng blouse 'ko. Huwag naman sanang masira 'tong flats 'ko, sayang naman kahit medyo matagal na 'to sa akin ay maayos at maganda pa rin siya sa paa.
Pumara ulit ako, ibabangga 'ko na yata sarili 'ko tumigil lang 'tong tricycle sa harap 'ko. Kaso nakita 'kong puno. Hinawakan 'ko ang laylayan ng payong 'ko kasi medyo lumalakas ang hangin, medyo humina ng onti yong patak ng ulan pero basang basa na ako. Wala na rin 'tong bag 'ko at tong resume 'kong napunit kanina. Napapikit ako sa inis. Mas ayos na 'tong mabasa ako sa ulan kaysa naman sumabay sa lunch ng lalaking 'yon.
Napatulala ako saglit, naaalala ang pangyayari kanina. Ang lapit niya nong nasa kotse kami, pati no'ng niligtas niya ako, 'yong malalim niyang boses, 'yong mga mata niyang malalim at matalim 'kong makatingin-HEP HEP! Ano naman ngayon kung malapit siya sayo kanina? Anong mata at mga tingin ang pinag-iisip ko? Nako Kat h'wag 'kang papasilo sa patibong, dahil sa huli, mahuhuli ka na nga ikamamatay mo pa. Hindi naman bumilis 'yong tibok ng puso 'ko kanina dahil may nararamdaman akong maganda, kundi dahil sa panganib! Tama, 'yon nga. Tsk! Ano ba 'tong pinagiisip 'ko. Kailangan 'ko nang makauwi dahil sa mga anak 'ko. Magaalala 'yung mga 'yon.
Nagtext kasi kanina sa akin si Helen na hinahanap na ako ng mga bata, kaso 'di ako nakapag-reply o nakatawag dahil naubos na pala 'yung unli 'ko. Dapat talaga nag-load muna ako bago ako pumara ng tricycle kanina eh.
Nagulat ako nang biglang mag-ring ang cellphone 'ko. Mahigpit 'kong inipit sa pagitan ng leeg at balikat 'ko ang payong at hinawakan ang hawakan nito bago sinagot ang tawag.Papa-lowbat na ako, baka ibang number 'to ni Helen.
"Hello? Helen?" Bungad 'ko, desperadang makahanap ng tulong dahil lumalakas ulit 'yong patak ng ulan. Basang basa na ako sa ulan. Nagsisimula na akong ubuhin.
"Why did you leave?" Medyo nag-chappy ang tawag 'kaya medyo naglakad ako at naghanap ng signal.
"Helen wait lang, chappy! Ano kasi naghihintay ako ng tricycle, naabutan ako ng ulan!" Nilalakasan 'ko ang boses 'ko at sumilong sa puno na medyo pwedeng kapitan dahil baka konti na lang ay mahangin na din ako, bukod sa payong 'ko.

BINABASA MO ANG
My TWIN Babies, NOT Ours
Fiction généraleMeet Kathleen Louise de Suarez a young girl, who gave her virginity to the man she look up to, the man of her hope,Alexander Ivan Ramirez. It felt like a perfect fairytale--BUT! Not when the man, who she looked up to, offered her money in exchange f...