XVII

84.1K 1K 47
                                        

XVII




Pinagpag 'ko ang mga dumikit na buhangin sa aking suot. Pakiramdam 'ko ay nagmukha na akong bruha sa hampas ng hangin kanina sa mukha 'ko. Pinasadahan 'ko ng ilang beses ang buhok 'ko bago sinundan ang lalaking mapilyong nakangisi habang hinihintay akong matapos sa pag-ayos sa sarili 'ko.


I never thought he was this carefree before. Mukha siyang nanood ng isang comedy stint sa tuwa habang iritable naman akong bumaybay sa seaport na gawa sa matibay na kahoy hanggang sa maabutan 'ko siya sa kanyang kinatatayuan. Tumingin lamang ako sa kanya at siguro ay naramdaman niyang na-babadtrip na ako, kaya naman ay pinigilan na niyang ngumisi. Mabuti.


"Lets go." At sa isang iglap ay blangko na ulit ang kanyang mukha. That's right, Mister Ramirez, d'yan ako sanay sa madilim mong aura.


Tahimik na lang naming nilakad ang mahabang tulay na gawa sa matibay na kahoy.

Sasamahan 'ko lang daw siya saglit sa isang client niya bago niya ako ihatid sa kanyang kapatid. Iba talaga ang mga mayayaman. Kahit birthday nila ay uunahin pa ang trabaho. He's too dedicated. He's supposed to throw parties and take a break pero isang Alexander Ramirez nga naman to. He's known for his workhorse trait.


Nauna siyang naglakad sa akin papasok sa isang mansyon. It's a white mansion. Nice idea. Napaka-relaxing sigurong tumira sa mga ganitong lugar. Maganda ang shoreline sa parteng ito. Kapag siguro nasa tuktok ka ng mansyon na 'to ay kitang kita ang asul na dagat at ang mga marahas o maamong alon na humahampas sa seaport. I can imagine the sunset view from here, it would be magical.


"Done?" Nagulat ako nang magbunggo kami. Nasa likod 'ko pa pala siya. Gulat man ako ay hindi 'ko pinahalata. Tumango ako at pinauna siyang naglakad kahit pa para bang gusto niya akong mauna sa loob. Sir baka nakakalimutan niyo, unang beses 'ko dito at baka mawala ako sa loob ng mansyon na 'to.



"Oh finally you're here!" Isang matandang babae ang sumalubong sa amin. Damit pa lang ay alam mo nang mayaman siya. Kahit sa katandaan ay posturung postura sa suot na alahas at makislap na summer dress. Mabilis siyang nakipagbeso beso kay Mr. Ramirez at para akong hangin na initsapwera.

"I've been waiting to meet you again, Ram. Anyway I'm with my apos, I want you to meet them." Excited ang matandang inakay si Mr. Ramirez patungo sa 'di 'ko alam na espasyo. Hirap na hirap namang sumingit sa pagsasalita si Mr. Ramirez dahil walang kapaguran sa pagsasalita ang matandang babae.

"Anyway I'm with someone." Napatigil lang ito sa pagsasalita nang sa wakas ay nakasingit si Mr. Ramirez. Someone? Ako ba 'yon? Kailangan bang malaman ang prisensya 'ko dito? Nilingon naman ako ng matanda na parang gulat na gulat sa existence 'ko.

"Oh I'm sorry! I was just so excited for you to meet my apos." Matinis ang boses nito bago nakipagbeso beso sa akin.

"She's my friend, Miss de Suarez. Miss de Suarez, she's my client I'm talking about, Madame Agrimor." Ngumiti lang ako at ganoon din ang matanda.

"Oh look who's here!" Napalingon kaming tatlo sa biglang humalakhak na matanda. He looks familiar. Lumapit ito ng diretso kay Mr. Ramirez at umamba ng yakap.

"Been a long time my golden boy." Palakaibigan namang yumakap si Mr. Ramirez. They greeted each other, pati ang matandang ginang ay tuwang tuwa sa kumustahan ng dalawa.


Inakay kami paakyat sa pangalawang palapag ng mansyon. Mukhang tatlong palapag ang mansyon na ito. Dumiretso kami sa veranda nila kung saan ay tanaw ang kabuuang dagat. We sat on a four seat round table. May mga dessert at drinks nang nakahanda doon. Halatang inaasahan na may bisita. Mukhang medyo magtatagal kami dito. And the air is kinda awkward to me. I'm not supposed to be here. May dalawang drinks na pagpipilihan, coffee and juice. Tahimik akong humigop sa kape na mukhang kakatimpla lang. Gosh mainit pa! Napaso tuloy yung dila 'ko. Hindi 'ko pinahalata at nagpaalam na lang na pupunta sa powder room habang engrossed pa sila sa paguusap.


Parang timang akong impit na sumigaw sa loob ng C.R., grabe napaso talaga yung dila 'ko. Nagmumog ako at isang beses na tinignan ng mabuti ang dila 'ko. Inayos 'ko din ang damit 'ko. Suot 'ko ang isang simpleng white top na pinaresan 'ko ng navy blue square pants at nakastrappy flats lang ako. He said I should dress up nicely and so I did.


Napapaisip pa rin ako kung bakit ako hinahanap ng kapatid niya. May iniwan ba si Lola sa akin? Kung meron, bakit noong isang taon niya lang ako hinanap? Well let's see later on. Naghugas ako ng kamay at nag-retouch ng kaunting powder at manipis na manipis lang na lipstick. Nagsuklay din ako ng buhok at inayos ang simpleng clip sa buhok 'ko para 'di ako nagmumukhang plain.


Pagkabalik 'ko sa veranda ay wala na sila doon. Teka, saglit lang naman ako sa powder room ah.

"Ayy maam, nasa garden po sila." May babae pa lang naghihintay sa akin. Nakasuot siya ng puting uniform. Baka isa sa mga kasamahan nila sa mansyon. Tumango lang ako at sumunod sa kanyang direksyon. Umakyat kami sa puting hagdanang gawa sa marmol. It seems like I'm entering the gates way up to the Greek gods. Hindi 'ko rin maiwasang mamangha sa mga paintings na nakasabit sa dingding. Most of the paintings are abstract.


Akala 'ko ay titigil na kami sa ikatlong palapag. Umakyat pa kami sa isang pa-spiral na kulay gintong hagdan na gawa naman sa metal. Seriously, every detail of this mansion speaks elegance and class.

"Dito po Ma'am." Binuksan niya ang pintuang gawa sa matibay na kahoy, it's a wooden sliding door na may mga maliliit pang detalyadong disenyo, ginto rin ang kulay nito.

Bumungad sa akin ang preskong hangin na nagmumula sa dagat. Gosh the view is magnificient, rooftop garden with blue ocean background. Nagsara ang pinto at malulula pa sana ako sa tanawin, kung hindi 'ko lang namalayan kung sino ang mga tao dito. Hindi pa nila napapansin ang prisensya 'ko.

Tatalikod na sana ako nang magtama ang paningin namin ni Mr. Ramirez. He immediately stood up at naglakad papalapit sa akin upang igiya ako sa kumpol ng mga tao.

Nabablangko ang isipan 'ko habang mas lumilinaw ang mukha ng taong hindi 'ko inaasahang makikita 'ko sa pagkakataong 'to. 


The only thing I know, right now is that I'm not okay. 




========================================================

My TWIN Babies, NOT OursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon