XXXIV

80.6K 963 82
                                    

XXXIV.



"What do you think you're doing?" Halos pabulyaw na sigaw ng lalaking humila sa kamay 'ko mula sa pagkahawak ni Bart. Agad naitulak paatras si Bart, ako naman ay napapikit ng mariin sa pagkahilo. Halos mabuwal ako at naramdaman na lang na tumama ako sa mainit na dibdib ng taong humila sa akin. Napasandal ako doon, upang maibsan ang pagkahilo. Naramdaman 'ko ang tigas ng dibdib niya. Sumamyo sa aking ilong ang malakas at pamilyar na amoy nito, mas lalo tuloy akong naliliyo. Napatakip ako sa bibig 'ko at hindi napigilang maduwal. Narinig 'ko ang boses ni Bart sa likod 'ko, na hindi klaro sa akin. Agad akong nailayo sa matigas na dibdib.

"Naku sorry Sir Ramirez," paumanhin na boses ni Bart na ramdam 'kong hinila ako palayo sa taong nasukahan 'ko. "She's my friend, you might have mistaken her for someone else. Sabihin niyo na lang po—"napamulat ako nang naputol ang sinasabi ni Bart. Halos magising ako mula sa matinding pagkahilo, nang nakita kung paano kwinelyuhan ng isang galit na galit na Alexander ang kaibigan 'ko. Kitang kita 'ko kung paano napiga ang damit ng kaibigan 'ko sa mahaba at mabigat na braso ni Alexander.

"Bitawan mo siya! Ano ba!" Mabilis 'kong sigaw kahit medyo nararamdaman pa ang hilo, naibsan yata nang nagsuka ako. Naiinis 'kong hinampas ang malapad na dibdib ni Alexander sa taranta, baka mag-eskandalo pa ito doon at mapano si Bart. Agad niyang hinuli ang isang kamay 'ko at nakahinga ako ng maluwang nang binitawan niya si Bart. Pero muli akong nairita nang hinila niya ako papunta sa malapad niyang likod. Nagpumiglas ako pero parang bakal ang kamay niya sa higpit ng hawak niya.

"Know your place little boy." Mariin niyang sambit kay Bart, na litong lito sa nangyayari. Ako man ay gusto nang magprotesta, pero wala na akong nagawa, sa pinaghalong hilo at alak sa sistema 'ko. Ang huli 'ko na lang nasulyapan kay Bart ay ang mga mata niyang nagpapahiwatig ng nangangailangan ng eksplanasyon mula sa akin. Napailing ako sa kaniya at nagpatianod sa marahas na hila ni Alexander. He looks really mad.

Padarag niya akong sinuotan ng seatbelt, at isinara agad ang pinto, bago siya umikot sa driver's seat. Hindi ako nakakibo at mariing napapikit at napasandal sa upuan dahil sa hilo. Hindi na ako iinom ulit ng alak...

Napakurap na lang ako nang maramdamang lumutang ako sa ere. Naramdaman 'ko na lang na binuhat na niya ako paloob sa kaniyang bahay. Nagpumiglas ako lalo nang makitang wala itong damit pangtaas. Nararamdaman 'ko ang init ng dibdib niya, kasalungat sa malamig nitong mga matang diretsong nakatingin sa daanan.

"Sabing ibaba mo ako! Kaya 'ko ang sarili 'ko!" Sigaw 'ko at hinampas ang balikat niya. Imbes na siya ang mukhang nasaktan sa ginawa 'ko ay parang ako pa ang namanhid ang kamay. Naiinis akong sumuko at hinintay na ibaba niya ako. Dire-diretso kami pataas sa hagdan at wala na akong nagawa nang binuksan niya ang kwarto niya. Akala 'ko ay ibababa na niya ako sa kama, iyon pala ay ididiretso na niya ako sa banyo! Agad akong nataranta.

"Alexander ano ba! Saan mo 'ko dadalhin?" Agad niyang binuksan ang shower room at doon niya ako ibinaba. Naramdaman 'ko ang malamig na sahig, dahil nalaglag sa hagdan kanina ang pares ng flats 'ko. Agad akong umambang aalis doon, pero isang kabig ng bisig niya sa bewang 'ko ang pumigil sa akin, wala na akong nagawa. Napatili ako at tuluyan akong nagising nang tumama ang malamig na tubig sa ulo 'ko pababa sa katawan 'kong may suot na damit. Nagpumiglas ako sa hawak niya.

"Stop moving!" Sigaw nito at nagtama ang paningin namin. Basang basa ang buong katawan nito, katulad 'ko. I felt his arm tightened around me nang pinilit 'ko pa ring lumabas doon, ang isang kamay nito ay nakasandal sa dingding. Nanlaki ang mga mata 'ko nang may maramdaman sa likod 'kong matigas na bagay. Parang lumiyab ang buong sistema 'ko.

My TWIN Babies, NOT OursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon