XXXIII

79.5K 1K 24
                                    

HI PO! Sino pong may Netflix account dito? May recommendation ako sa inyo, D'Ninang yung title. Promise worth it siya panoorin. Salamat for reading my note, I hope you watch it. :)

XXXIII.



"At bakit ka nasa Alfonso?" Tanong ni Bart, pagkatapos ng halos isang linggong hindi pagsasagot sa mga tawag at text 'ko. Hininaan 'ko ang volume ng pinapanood 'ko, bago sumagot sa kaibigan 'kong naha-highblood. Mag-isa lang ako sa sala.

"Tapos na kasi ang kontrata 'ko—"

"Alam mong nandyan si Agrimor, aba'y shuta, baka wala sa oras kaming susugod d'yan! Alam mong pinalagpas namin ang ginawa niya ng huli dahil lang sa pakiusap mo." Naiinis na putol ni Bart. Ganito 'to kapag hindi maganda ang mood, diretso ang dila. Minsan doon kami natatakot ni Ana, nagmumukha siyang Tatay namin. Naalala 'ko naman bigla si Maximus, nawawala na yung takot o kaba sa dibdib 'ko kahit banggitin man ang pangalan niya. I can't explain, how did I overcome it.

"Isa pa 'tong Anabelle na 'to. Guess what? Mukha siyang napitpit na lata dito, naglasing na naman, suka ng suka. She's lookin' like a hella wasted bitch!" Dagdag niya, bigla naman akong nag-alala.

"Bart ano ba talagang nangyari sa kanya sa Canada at bakit naglayas?" Tanong 'ko. Narinig 'kong bumuntong hininga si Bart, bago may nagbukas at nagsarang pinto, mukhang lumabas siya ng kwarto.

"Was ko pa knows. Ang alam 'ko ay tinataguan ka niya dahil ayaw niyang sabihin mo sa mother earth niyang nandito siya sa Pinas. Kilala ka naman ng bruha, kaya nga sana nagkita kita tayo dito sa Palawan at nang magkalinawan na. Ewan 'ko sa inyo, mabuti at bakasyon 'ko! Kayong mga bruhildang magkaibigan talaga ang pumeperwisyo sa life 'ko." Madrama nitong reklamo, napangiwi ako at napasandal sa sofa.

"Bart...baka naman pwede mong kausapin si Ana, na magpakita sa akin. O tanungin mo kung anong nangyari sa Canada at nang malaman natin kung paano aayusin." Narinig 'ko siyang nagbuntong hininga.

"Tingin mo hindi 'ko yun ininterrogate, baks nakailang bote na kami ng alak, ang bruha wala pa ring nai-ispluk! It's better, if ikaw na mismo ang magku-question sa kaniya. Walang talab ang alak.You know me." Nai-imagine 'ko ang itsura ni Bart na naninigarilyo at umiirap sa akin.

"Anyway mother earth, tagal 'ko nang hindi nakikita ang mga anak 'ko. Saan kayo nagi-stay d'yan sa Alfonso? Sa dati ba? Hindi pa naman ako kino-contact ni Manay Eba. Kailangan na talaga nating mag-meeting de abanse, catch up catch up!" Maarte nitong dada, napatingin ako sa hagdan. Nasa kwarto na ang kambal, natutulog. Habang ako ay naghihintay na makauwi si Alexander. He's been busy with work, mula nang umuwi kami. Pero hindi naman siya nawawalan ng oras sa amin. Isa pa medyo naaasiwa pa rin ako sa mga bagay bagay. Hindi pa rin makapaniwala na nasa ganito kaming sitwasyon. Halos araw araw, pag-gising 'ko, parang bumabangon akong maraming tanong. Hindi pa rin kami nakakapag-usap tungkol sa Mommy niya o sa kahit na anong bagay. Hindi rin naman siya nago-open up, siguro gaya 'ko ay medyo sensitibo para pagusapan 'yon. We're still buying time and getting there, ika nga one step at a time.

Napabuga ako ng hangin,bigla 'kong nalala si Andrea, saktong may lumabas na balita sa T.V., nawala sa isip 'kong kausap 'ko si Bart.

Napatutok ako sa balita. Isang interview niya ang umere, she's wearing dark shades, pulang pula ang labi niya, at kitang kita ang balat nito sa kanyang revealing na damit. Tinanong siya ng isang reporter, kung saan tungkol sa isyung nadadawit ito sa isang relasyon ng kilalang action star. Napakunot noo ako. Nag-flash sa telebisyon ang pictures niya kasama ang actor, mukha iyong stolen. Nakaakbay ang lalaki sa kaniya, habang siya ay nakadantay ang ulo sa balikat ng lalaki. Maraming pang ibang larawan ang nag-flash sa screen, iba ibang araw at lugar 'yon, lahat ay halos dikit sila, may isa pang mukha silang naghahalikan. Pero kahit ganoon ay mariing tumanggi si Andrea doon, tumawa pa ito.

My TWIN Babies, NOT OursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon