Short Notice: Hindi 'ko na alam kung paano magpa-kilig. Wala na akong humor sa katawan, wala ding kilig. Wala lahat. Pero at least matured na. Pfft! Sana kayo din!
IX
Alexander Ivan Ramirez
"Make sure na hindi siya makakapasok sa kahit na anong building ng RGC." Mariin 'kong wika bago ibinaba ang tawag sa assistant 'ko. Napatingin ako sa aking relo bago binuksan ang schedule 'ko ngayong linggo. Kakatapos 'ko lang bisitahin ang site ng bagong naaprubahang proyekto dito sa Palawan. Sa biyernes pa ide-deliver ang mga materyales, napatigil ako kahit may mga kasunod pa sa nasa schedule.
Mabilis kong tinawagan si Elmer.
"Why don't I have appointments between Tuesday 'till Thursday? Why did you split up the schedule loosely? I told you to be strict with the time-"
"Ram, pwedeng huminahon 'ka. Nalaman na ni madame ang nangyari. Hindi 'ko sinabi sayo, dahil siya mismo ang nag-request na gawin 'yan. Hindi mo na alam ang salitang bakasyon mula no'ng huling taon." Napabuntong hininga ako at napahilot sa aking sentido.
"Book a flight back to Manila for me then." Utos 'ko at napatingin ulit sa aking relo. Isang oras pa bago ang isang meeting 'ko sa isang kliyente.
"Hindi na kailangan Ram. Nandito si Arthur at Gael, tutulong sila. Pati si madame ay nagbigay din, hindi mo na kailangang isipin ang pondo. Sa ngayon ay gamitin mo ang tatlong araw na 'yan para sa sarili mo."
"I told you not to book me any vacation-"
"Huwag kang magalala, hindi ako nag-book ng bakasyon mo sa labas ng bansa. Isa pa, may naka-set sa biyernes, tsaka 'yong isla din, yung pinoproblema mong mga tao, pwede mong isabay. Alam 'ko namang workaholic ka boss. Tsaka si madame ang nagasikaso sa bakasyon mo d'yan. Wala akong kinalaman doon.Sayang nga wala ako."
"Fine. Just update me with the Project C." Bilin 'ko bago tuluyang pumayag sa mga plano nila ni Tandang Ramirez.
"Nga pala Ram baka pupunta-" hindi 'ko na siya pinatapos at pinatay ang tawag. Sigurado akong walang kabuluhan ang mga iba pang balita niya. Kailangan 'ko pang basahin 'yong na-forward sa akin na file bago makipagkita sa kliyente 'ko.
Hindi pa ako nanga-ngalahati sa binabasa 'ko nang biglang napahinto ang sasakyan at may narinig akong malakas na tumama. Napakunot noo ako at mabilis na sinenyasan ang driver na ako na ang lalabas. Marahas 'kong binuksan ang pinto ng sasakyan. Mas nagsalubong ang kilay 'ko nang makita 'ko kung sino ang nabangga. Hinihingal itong nag-iwas ng tingin sa akin.
Napatingin ako sa maaaring pinanggalingan niya. Isang iikang lalaki ang papalapit, mukhang may nangyari dito. Inilipat 'ko ang tingin sa babaeng caretaker ng resort na kamakailan lang ay nakilala 'ko. Medyo nakusot ang damit nito. Ano na naman kayang problema ang nagawa nito?
"What is the problem here?" Utas 'ko habang papalapit ang iika ikang lalaki. Hindi ito sumagot. Bingi ba s'ya?
Marahas 'kong isinara ang pintuan bago nilapitan ito, agad naman siyang napaatras at pilit iniiwasan ang mga titig 'ko. "Tell me who did this-,"napatigil ako dahil marahas siyang hinila ng iika ikang lalaki kanina mula sa kabila.Mabilis namang nagpumiglas ang babaeng caretaker.
Nag-init ang ulo 'ko nang makita ang paraan ng paghila ng lalaking iika ika. Walang alinlangan 'ko itong itinulak palayo sa babaeng caretaker at hinila ito sa likod 'ko.
Akmang lalabas ang driver ko, sinenyasan 'ko siyang ipasok ang babae sa sasakyan. Mabilis niya naman itong nagawa. Nagprotesta agad ang gagong lalaking iika ika sa paghampas sa sasakyan 'ko. Magpasalamat siya at wala akong body guards na dala ngayon dahil akala ko ay dalawang araw lang ako dito.

BINABASA MO ANG
My TWIN Babies, NOT Ours
General FictionMeet Kathleen Louise de Suarez a young girl, who gave her virginity to the man she look up to, the man of her hope,Alexander Ivan Ramirez. It felt like a perfect fairytale--BUT! Not when the man, who she looked up to, offered her money in exchange f...