V

100K 1.2K 41
                                        


V

"Mamayang gabi na agad?" Gulat akong sumagot kay Ate Jeda sa kabilang linya. Kagagaling lang namin sa simbahan at inaayos 'ko ang mga pinamili 'ko sa hanging cabinet sa maliit na kusina ng apartment type na kwarto. Marami na pala akong missed calls sa kanya kanina pa. Kaya nang sinagot 'ko ang tawag niya ay mainit ang ulo.

"Actually I'm quite surprised too that he'll visit so soon. He's actually the co-owner of that Resort." Slang na sambit ni Ate Jeda na mukhang nataranta din. "Don't worry I'll double your paycheck this week, Kat." Dugtong niya pero agad akong umalma.

"Hindi Ate, okay lang-" pagtatanggi 'ko sana pero pinutol na agad ako ni Ate Jeda.

"Huwag mo nang tanggihan, I'm paying you with just few cents from my pocket. It's no big deal since you're doing me a favor. And I know you needed the money." Napatigil ako sa tugon ni Ate Jeda, parang medyo na-offend ako sa tono ng boses at sa pinili nitong mga salita. Nilunok 'ko na lang ang bumabara sa lalamunan 'ko. Hindi 'ko alam pero isa ako sa mga taong sensitibo, na kapag nasaktan ay naiiyak agad.

Narinig 'kong bumuntong hininga si Ate Jeda.

"And promise me, don't tell this to Kent. He's not really open with negotiations like this. I'm still trying to fix things up." Kalmado na nitong tugon bago nagpaalam at ibaba ang tawag.

Napatingala ako para sa nagbabadyang paginit ng sulok ng mga mata 'ko. Wala 'to, napakaliit na insulto lang 'yon kumpara sa mga narinig 'ko na noon. Humingang malalim na lang ako, na para bang maiwawaksi non ang bigat na naramdaman 'ko, bago ipinagpatuloy ang pagaayos ng mga pinamili namin.

Mabuti na lang at nag-lunch na kami kanina sa Bayan. Kailangan 'ko pang ayusin ang kwarto sa ikalawang palapag. Ang pinakamalaking kwarto daw ang tutuluyan ng magiging bisita. Hindi sigurado si Ate Jeda kung may kasama pa ang bisita, kaya lilinisan 'ko din ang iba pang mga kwarto. Non-functional pa ang ibang beach house kaya dito na lang din sila tutuloy. Buti sana 'kung isang linggo bago nila sinabi na pupunta sila dito, baka pwede pang ayusin ang kabilang beach house.

Napagpasyahan kong linisan 'ko muna ang dalawang kwarto at ihuhuli 'ko yung pinakamalaking kwarto. Sino kaya yung co-owner nito, mukhang VIP talaga dahil pati si Ate Jeda ay nataranta. Mabuti daw at isang gabi lang sila dito. Mula sa hagdan ay rinig 'ko ang kambal na naghahabulan sa baba.

Ang kukulit! Sabing matulog muna eh. Napangiti ako at ibinaba ang nagamit 'ko nang basahan. Dinaanan 'ko na rin ang kambal para warningan, agad naman silang kumaripas ng takbo papasok sa loob ng kwarto.

Saktong dumating si Nanay Minda, ang tutulong sa akin sa pagaasikaso sa bisita. Siya din ang sumalubong sa akin noong dumating kami dito. Ang anak at pamangkin naman niya ang tumutulong sa akin sa paglilinis tuwing weekend.

"Anak, ako na mamaya ang maghahanda ng ihahaing pagkain, namalengke pa lamang ang apo 'ko. Tutulong muna ako sayo sa pagaayos ng mga kwarto." Nakangiting bungad ni Nanay Minda na tinitiklop ang hawak na payong. Si Nanay Minda kahit may edad na ay hindi halatang matanda dahil palangiti ito at itim pa rin ang buhok, siguro nagpapakulay.

"Sige po, Nay. Dito po tayo." Aya 'ko kay Nanay sa ikalawang palapag. Madami siyang kwento tungkol sa isla habang nagaayos kami ng mga kwarto. Marami daw talagang may gustong bumili ng properties dito, lalo na itong kinatatayuan ng Resort na 'to. Dahil maganda ang buhangin at ang dagat dito, isang puntos na rin iyong parang isolated siya dahil malayo ito sa iba pang hotels at resort.Pribadong pribado kumbaga.

Ang ipinagdadasal lamang daw ni Nanay Minda at ng kanyang mga kasamahan ay huwag naman sanang umabot na pati ang kinatatayuan ng kabahayan ay bibilhin ng mga negosyante. Napatango tango ako kay Nanay Minda. Bukod sa seryosong mga kwento ni Nanay ay marami din itong baong biro at bentang benta 'yon sakin, kaya puro kami hagalpak sa tawa. Lagi na lang may humor ang mga nakakasalamuha 'ko, mabuti na lang, para naman maambunan ako ng jokes.

My TWIN Babies, NOT OursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon